Enrique Gil on team-up with Kathryn Bernardo: "Ayoko namang magpakasobrang paka-effort kasi alam naman natin ang sitwasyon."

Enrique Gil is said to be hesistant to court Princess And I co-star Kathryn Bernardo because he is already committed to someone else. But the young actor denied this and said, "Hindi po.Wala po akong nililigawan at wala pa akong girlfriend ngayon. As in wala talaga."


Isang prinsipe na hinuhubog ng kanyang inang reyna para maging hari ang papel na ginamgapanan ni Enrique Gil sa pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang The Princess And I.

Ayon kay Enrique, sobrang nag-enjoy raw siya sa taping nila sa Bhutan kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena ng kanilang serye.

Kung may mga kasamahang artista raw siya na medyo nag-aalangang magtagal sa Bhutan, si Enrique raw ay walang kaso kung tumira man siya nang matagal sa nasabing lugar.

“Okey lang sa akin na mag-stay doon.

"Kung yung iba hindi nila kayang magtagal doon at mag-enjoy nang husto, ako, sobrang enjoy.

“Yung iba kasi sa amin, nag-enjoy lang sa umpisa, pero after ng ilang days lang, e, nababagot na at gusto nang umuwi na agad dito.

“Kasi doon, e, puro bundok. Yung iba naghahanap ng wi-fi, computer, at yung nakasanayan nila dito sa atin.

“Ako actually, e, enjoy ako.

"Sabi nga sa akin ng handler ko,e, parang puwede na rin sa akin ang walang cell phone kasi hindi ko talaga ginagamit masyado.

“Sa totoo lang, e, mabubuhay ako at mag-e-enjoy sa Bhutan.

“Ako kasi, e, nature lover talaga. At doon, e, talagang mapupuri mo ang lugar ng Bhutan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enrique sa presscon ng Princess And I kagabi, April 11.

KATHRYN BERNARDO. Nakadagdag pa nang husto sa enjoyment ni Enrique ang pag-i-stay sa Bhutan dahil naroon si Kathryn Bernardo.

Aminado naman si Enrique na kung sa pelikula nilang Way Back Home ay masasabi niyang solong-solo niya si Katrhyn, sa The Princess And I ay kaagaw niya ng atensiyon ng dalaga sina Khalil Ramos at Daniel Padilla.

Sa dalawang nabanggit, mukhang si Daniel daw ang masigasig dahil sobra raw ito kung makaalalay kay Kathryn.

"Pero ayos lang naman ako," sabi ni Enrique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi kung ano ang ibinigay na instruction ng director namin, e, yun ang ginagawa ko.

"Ayoko namang magpakasobrang paka-effort kasi alam naman natin ang sitwasyon.

“Batang-bata pa si Katrhyn, di ba?”

Napuna rin ng mga imbitadong manunulat sa presscon ng kanilang serye na sobra ang pag-alalay ni Daniel kay Kathryn sa pag-akyat nito sa entablado.

“Sa akin naman, yung papaakyat siya, e, ayoko namang basta hawakan na lang agad siya.

“Kumbaga, baka kung ano naman ang dating agad noon sa ibang tao, di ba?

“Ayoko namang isipin ng iba na ipinapakita ko lang sa kanila yung ginawa ko.

“Basta ak, simple lang. Ayoko na lang yung parang lalabas na pakitang-tao lang,” saad ni Enrique.

Naisip ba ni Enrique na baka sa sobrang pagpapakita ni Daniel ng concern kay Katrhyn ay maaring mas mapalapit ito nang husto sa huli?

“Siguro nga po, maaring magkaganun.

"Pero hindi ko rin naman masasabi kasi sabi pa nga sa akin ng director namin, e, pare-parehas naman daw kami.

“Pero depende pa rin ‘yan sa mga tao kung alin talaga ang mas magki-click,” o tambalang mas susuportahan ng mga manonood ang ibig niyang tukuyin.

“Pero kung talagang mas lalakas sila, e, okay lang,” kibit-balikat ni Enrique.

May mga nagsasabing mas bagay raw si Kathryn kay Enrique. Wala ba talaga siyang maaaring gawin para mas kiligin ang mga tao sa tambalan nilang dalawa ni Kathryn?

“Wala," sagot niya.

"Basta ako, kung ano ang lang ang ibibigay sa akin ng director ko, e, yun lang talaga ang susundin ko at hindi na ako lalampas pa doon.

“Ayoko namang may gagawin pa na ang feeling ko, e, makakasira pa sa friendship naming apat," pagtukoy niya sa co-stars na sina Kathryn, Daniel, at Khalil.

“Basta ako, e, cool lang ako,” pahabol pa niya.

May nabanggit si Kathryn sa isang interview na open naman siya kung sinuman kina Daniel at Khalil ang manligaw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tutuloy na ba ngayon si Enrique o mag-iisip-isip pa rin siya?

“Well, ako, e, chill lang muna ako. Pero you know naman may mga mangyayari pa rin naman.

“Malay natin sa kalagitnaan ng teleserye naming ito, e, mas magiging mas close pa kami ni Kathryn."

Paano ba manligaw si Enrique?

“Well, ako, gusto ko lang maging masaya yung tao.

“Gusto ko lagi siyang patawanin at makikita ko laging masaya siya,” sabi niya.

GIFT FOR KATHRYN? Sa isang mall daw sa Bangkok, Thailand binilhan ni Enrique ng isang magandang lagayan ng relo si Kathryn.

Advance birthday gift daw niya yun para sa leading lady niya sa The Princess and I.

"Hindi ko nga alam kung magugustuhan niya.

"Pero nakita ko namang na-appreciate niya kaya tuwang-tuwa na rin ako,” nakangiting sabi niya.

JESSY MENDIOLA. Itinanggi naman agad ni Enrique na maaaring ang dahilan kung bakit hindi niya maligawan si Kathryn ay dahil may iba siyang nililigawan.

“Hindi po.Wala po akong nililigawan at wala pa akong girlfriend ngayon.

“As in wala talaga,” pailing-iling niyang sabi.

Bakit nababalitang nililigawan daw niya si Jessy Mendiola?

“Sus, ginoo! Hindi totoo ‘yan!” mabilis na tanggi ni Enrique.

“Siguro nag-start ang tsimis na ‘yan, nung Kokey At Ako.

“Pero wala talaga. Hindi ako nanliligaw sa kanya."

KIM CHIU. Ano naman ang totoo sa closeness daw nilang dalawa ni Kim Chiu?

“A, si Kim na naman… Well, kami ni Kim, nag-meet kami sa Cebu.

“May mall show sila ng Binondo Girl, ako may show rin doon.

“Then nalaman nila na ‘andun ako kaya nag-text sila sa na punta raw ako sa kanila.

“So, pagpunta ko doon sa sinasabi nilang place sa Cebu, na nakalimutan ko kung anong lugar yun, doon lang kami nagkausap ni Kim.

“Kahit magkasama kasi kami sa ASAP, e, hindi kami nagkakausap niyan.

“’Tapos nagbi-Bisaya si Kim. E, Bisaya rin ako kaya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkakilala kami nang husto kasi kahit nagkakasama na rin kami sa mga shows, at sa movie, e, hindi talaga kami nagkaroon ng chance na magkausap.

“Puro hi and hello lang kami dito. Pero doon lang kami nakakapag-usap nang husto,” paliwanag ni Enrique.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN