American Idol Update: Jessica Sanchez escapes elimination; saved by the judges

Filipino-Mexican Jessica Sanchez was nearly eliminated in tonight’s American Idol episode after getting the lowest number of votes. But the three judges used their only Save this season on her.


Sa simula pa lang ng episode ng American Idol ngayong araw, April 13 (April 12 ng gabi sa Amerika), ay sinabi na ng host na si Ryan Seacrest na ang magiging resulta ng elimination ay "shocking."

At hindi nga nagbibiro si Ryan nang sabihin niya ito dahil ang nakakuha ng pinakamababang boto sa natitirang pitong contestants ay ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez.

Si Jessica ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na contestants ngayong 11th season ng American Idol.

Sa katunayan, halos lahat ng kanyang performances ay pinuri ng mga judges na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez, at Steven Tyler.

Ang kanyang pagkanta ng "Stuttering" ni Jazmine Sullivan ang isa sa mga nag-standout na performances kahapon.

Kaya naman talagang kagulat-gulat ang naging resulta ng botohan.

Kanina ay hinati ni Ryan ang natitirang contestants sa dalawang grupo.

Sa isang grupo ay magkakasama sina Hollie Cavanagh, Phillip Phillips Jr., at Colton Dixon.

Kasama naman ni Jessica sa kabilang grupo sina Joshua Ledet at Elise Testone.

Ang country singer na si Skylar Laine naman ay idineklarang "safe" ni Ryan.

Base sa paghahati ng grupo, ang inakala ng marami ay sina Jessica, Joshua, at Elise ang "safe group" base sa naging komento ng mga judges sa kanilang performances kahapon.

Pero sila pala ang nasa Bottom 3.

Bago i-annouce ni Ryan kung sino ang eliminated contestant, tinanong niya ang mga judges kung ano ang masasabi nila sa pinili ng America bilang Bottom 3 this week.

Hindi naman na nagpaliguy-ligoy pa ang judge na si Steven Tyler at sinabing gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan na magsalba ng isang contestant ngayong season.

Pagkatapos nito ay idineklara ni Ryan si Joshua na "safe" mula sa elimination, kaya natira sa Bottom 2 sina Jessica at Elise.

At sa huli nga ay si Jessica ang pinili ng Amerika upang ma-eliminate.

Gaya ng mga naunang eliminated contestants, pinakanta ni Ryan si Jessica upang alamin kung isasalba siya ng mga judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero halos kasisimula pa lang ni Jessica ay nilapitan na siya agad sa stage nina Jennifer, Randy, at Steven.

Kitang-kita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ni Jessica nang inagaw ni Jennifer sa kanya ang microphone at sinabing, "Give me that mic! This is crazy! Yes, we are going to use the Save!"

Pagkatapos ay pinapunta na niya si Jessica sa couch kunsaan naroon ang mga kasamahan nitong contestants.

Deklara naman ni Randy: "We are saving Jessica without any doubt!

"Let me say this—for myself, Steven, and Jennifer—this girl is one of the best singers in America—ever! Are you kidding me?"

Pakiusap pa niya sa mga viewers: "Please, everybody, please vote for the best. It’s about finding the best. I mean, come on!"

Ayon naman kay Jessica ay hindi niya ikinagulat ang pagkakasama niya sa Bottom 3 at ang muntikanan na niyang pagkaka-eliminate.

Aniya, "I don’t expect anything. I just do what I do. Whatever happens, happens and I just want people to know that I’ve been working my whole life..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN