Jasmine Curtis Smith turns 18 with simple but meaningful celebrations

Jasmine Curtis Smith on why she did not have a lavish party for her 18th birthday: “Kasi for me, gusto kong maging praktikal sa pag-spend ng money. Hindi ako in favor na mag-spend ng so much for myself na para sa isang gabi lang. In a way, gusto ko, if ever mag-spend ako ng ganun kadaming pera, I want something more useful, more productive, charity, or para kay Mama, ganun."


Pinili ng TV5 princess na si Jasmine Curtis Smith na dito sa Pilipinas magdiwang ng kanyang 18th birthday noong April 6. Tamang-tama nga raw dahil bakasyon o first quarter break nila sa school.

Pero dahil natapat nga sa Good Friday ang birthday niya ay naurong ang selebrasyon nito on a later date.

Nagkaroon siya ng party sa Annabel’s restaurant noong April 9 na inorganisa ng manager niyang si Betchay Vidanes at ng kanyang ama na si James Smith.

Kagabi naman, Abril 12, ay binigyan siya ng TV5 ng isang videoke party kasama ang ilang fans, entertainment press kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at TV5 PR Team sa Red Box TriNoMa.

Inihayag nga ni Jasmine ang kanyang labis na kasiyahan nang makausap siya ng PEP.

Aniya, “Yung sa Annabel’s, surprise celebration yun ng management ko for me.

“Alam ko na may party. Ang hindi ko alam, yung mga guest.

“Akala ko yun yung kasama kayo ‘tapos family ko.

“So, nagulat ako nung puro childhood friends, yung mga friends ni Ate [Anne Curtis]… siyempre sina Ate nandun din, yung Nandito Ako team.

“Kaya ayun, naiyak ako kasi na-overwhelm ako.

“And now, I’m happy na nandito kayo for my birthday. Ayan, magkakantahan tayo,” sabi ni Jasmine.

Hindi niya nga binigo ang mga fans at press na present sa party dahil tila nag-mini concert siya doon. ‘Tulad din ng kanyang Ate Anne, malakas din ang loob niya na kumanta.

Kabilang sa mga inawit niya ang “Love Story” ni Taylor Swift, “Firework” ni Katy Perry, at ang ikinagulat pero ikinatuwa ng lahat na “Basang-Basa sa Ulan” ng Aegis.

SIMPLE BUT MEANINGFUL BIRTHDAY. Bakit hindi niya pinili ang isang engrandeng party para ipagdiwang ang pagiging debutante niya?

“Kasi for me, gusto kong maging praktikal sa pag-spend ng money.

“Hindi ako in favor na mag-spend ng so much for myself na para sa isang gabi lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way, gusto ko, if ever mag-spend ako ng ganun kadaming pera, I want something more useful, more productive, charity, or para kay Mama, ganun," paliwanag ng young actress.

Speaking of charity, isa nga raw ito sa ginawa niya para sa birthday niya.

Nag-donate siya ng certain amount sa Cribs Orphanage dahil malapit daw sa puso nilang magkakapatid ang babies.

Mas gusto nga raw niya yung ganitong simple but meaningful ang birthday niya.

Ni hindi nga raw siya bumili ng regalo para sa sarili niya, masaya na raw siyang ipag-shopping ang kanyang Mama.

Kuwento ni Jasmine, “Si Mama, pinag-shopping ko siya last week.

“Sobrang tagal ko nang hinintay na mag-shopping kaming dalawa just for her.

“So, finally, pumayag na rin siya. For the whole day, puro siya lang talaga yung inintindi ko.

“Happy na ako na naipag-shopping ko si Mama. Feeling ko, yun na yung regalo ko sa sarili ko.”

Isang mamahaling bracelet naman ang regalo kay Jasmine ng Ate Anne niya.

“Nakalimutan ko kung anong brand. Super-nipis pero ang ganda.

“Feeling ko, baby girl niya pa rin ako kahit 18 na ako. Gusto ko naman yun.”

Ano ang birthday wish niya?

“More success when it comes to my work. And of course, healthy life for my family. And a successful year, my last year in high school. And to be able to help more charity.”

NO GREETING FROM DAVID. Inamin ni Jasmine na hindi nakabati sa birthday niya ang kanyang Nandito Ako leading man at international singer na si David Archuleta.

Pero naiintindihan naman niya ito dahil alam niyang nasa mission ito ngayon para sa relihiyon nito.

“He’s into something he really loves and he’s really dedicated to.

“So, I mean, hindi naman ako nagtatampo. Hindi naman kami super best friends.

“But I’m happy to have worked with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man nakabati si David, ang iba namang cast at staff ng Nandito Ako ay bumati sa kanya.

“Everyone bumati sa akin. Even yung mga hindi nakapunta sa celebration, they all greeted me naman sa Twitter or e-mail, ganun.

“Like si Ate Ana [Feleo], RS Francisco. Kahit sina Ms. Aiko [Melendez] and Ms. Gelli [de Belen], they greeted me sa Twitter.

“And si Eula [Caballero] bumati rin. Super sad nga she couldn’t be here. I hope she gets better.”

A LOYAL KAPATID. Ngayong 18 na siya, magkakaroon ba ng pagbabago sa kanyang career o sa kanyang image? Mas magiging daring na ba siya?

“So far, wala pa namang big changes akong nararamdaman.

“Siguro more of just… wala, mas okay na akong manamit ng kahit ano talaga.

“Alam mo yung before, I had to keep in mind na 17 ako.

“Siyempre I have to, you know, still a little girl, so I had to, you know, make sure na I dress like a little girl.

“Now, I can dress like a girl, or a woman or a lady. So, it’s more acceptable.

“Siguro yun yung biggest change.”

Pagdating sa kanyang career, lalo na sa telebisyon, ipinapangako raw niyang mananatili siyang loyal Kapatid sa TV5.

“I’m hoping to remain in TV5 for the longest time kasi siyempre, homegrown nila ako.

"It would be nice to remain from where I started.

“And talagang they spend so much effort and money on me para maging one of their princesses.

“So, as much as possible, maganda if I stay with them.”

Dahil nga nag-aaral pa rin siya kaya nahihirapan siyang tumanggap ng regular TV series at project sa TV5.

Nagpapasalamat nga siya sa kanyang home network sa pag-intindi sa kanyang sitwasyon.

“Right now, they’re giving me the space to really do well and excel in my studies and finish my last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para kapag dito na nga ako sa Pilipinas lilipat next year, bongga na talaga, di ba? Nandito na talaga ako full-time.”

Meron naman daw siyang iniwang special episodes para sa Pidol’s Wonderland na ipalalabas sa buong buwan ng Mayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN