Angeline Quinto says duet with Regine Velasquez in her album is a dream come true

Angeline Quinto’s second album, "Fall In Love Again" reaches number one at Astroplus Record Bars a few weeks after its release.


“Queen of Teleserye Theme Songs” na ang bansag ngayon kay Angeline Quinto, mahigit isang taon matapos siyang magwagi sa reality singing competition na Star Power.

Mula sa pagkanta niya ng OST (official sountdtrack) ng Kris TV, naging sunud-sunod pa ang mga kanta niyang naging theme song ng mga Kapamilya teleserye.

Kabilang dito ang: “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin” ng Minsan Lang Kita Iibigin, “Patuloy Ang Pangarap” ng Maria La Del Barrio, “Saan Darating Ang Umaga” ng Budoy, “Hulog Ng Langit” ng Mundo Man Ay Magunaw, “Hanggang” ng Walang Hanggan, at “Ngayon” ng Reputasyon.

Ayon kay Angeline, hindi naman pinlano ang lahat ngunit lubos niyang ipinagpapasalamat ang mabigyan ng ganitong titulo.

“E, siyempre naman, pangarap ko po talaga yun. Kaya, sabi ko nga po, talagang napakabait ng Diyos sakin,” wika ni Angeline.

Ilan pa sa mga ipapalabas pa lamang na teleserye ay magkakaroon din ng theme song mula sa album ni Angeline. Ang “Nag-iisang Bituin” para sa The Princess and I, at “Kung Ako’y Iiwan Mo” sa teleserye na may parehong pamagat.

“Talagang patuloy po yung blessings na dumadating sa akin. Kasi bukod po sa mga theme songs ng mga teleserye, nabigyan po ako ng chance na makanta naman yung ibang movie theme songs naman po ng ABS-CBN,” dagdag pa niya.

Ang “You’re My Home” ang naging theme song ng pelikulang Way Back Home at ang “If You Asked Me To” naman ay sa Unofficially Yours.

Noong Marso 25 lamang inirelease ang ikalawang album ni Angline na “Fall In Love Again” ngunit agad itong nanguna sa sales sa mga Astroplus Record Bars

“Ah, talagang nagulat lang po ako, kasi nasa Amerika po kami nung nabalitaan nga po namin na yung second album ay nag-number one na nga po.”

“Kaya sobra-sobrang pasasalamat ko siyempre, sa mga nakabili ng album ko at sa [mga bumili ng] Patuloy Ang Pangarap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM DUET WITH REGINE. Isang pangarap na naman ni Angeline ang natupad sa kanyang second album. Ito ay ang maka-duet ang kanyang idolo na si Regine Velasquez.

Lalo pa daw itong naging makabuluhan dahil espesyal sa kanya ang kanilang inawit.

“Alam niyo po kasi, itong ‘Lipad ng Pangarap,’ dati po, nung nakatira pa po ako sa Sampaloc, lagi ko pong kinakanta sa nanay ko kasi meron po kaming maliit na sari-sari store.

“Kaya, tuwing naririnig ko ‘tong kantang ‘to, lagi po akong naiiyak.”

“Kaya, nung nabigyan po kami ng chance ni Ms. Regine, at lalo ako, na makaduet si Regine Velasquez talagang sobra po akong naiyak,” pagtatapat nito.

Ibinahagi pa niya kung paano nabuo ang kanilang duet sa kabila ng pagiging pareho nilang abala ng Songbird.

“Nung nirerecord ko ‘to, sobrang pagod na pagod na ko kasi ang dami ko pong ginawa nun, parang nag-ASAP ako, nag-mall show ako, nag-Sarah G Live ako…”

“Parang sunud-sunod po. Tapos madaling-araw po…Kasi yun na lang po yung oras na meron ako kasi parang ilang araw…pumunta na naman po ako ng ibang bansa.”

Nagpunta si Angeline sa Estados Unidos upang magbakasyon.

“Kaya habang nirerecord ko ‘tong ’Lipad ng Pangarap,’ sabi ko, sana magawa ko ‘to ng maayos.”

“Kaya yun. Si Ms. Regine naman po kasi…sa bahay niya po siya nag-record.”

“Bale ako yung nauna, tapos si Ms. Regine sa kanila,” wika pa nito.

“Tapos nung malapit na po talaga kong umalis, kinukulit ko po si Sir Jonathan kasi gusto ko po sana bago ako umalis, marinig ko. Ayun, eh narinig ko po siya sa cellphone lang.”

Masayang-masaya naman si Angeline sa naging resulta nito at agad siyang nagpasalamat kay Mrs. A.

“Kaya sabi ko nga, maraming-maraming salamat kasi binigyan niya din po ako ng…kumbaga, isang pangarap sa akin yun na tinupad ni Ms. Regine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi talagang alam niya namang idol ko siya.”

“Tapos, ayun, ang reply niya po sa akin, talagang masaya din po siya para sa akin at sure na sure daw po siya na magiging click yun at talagang…kasi ang ganda rin po nung kanta.”

Bukod kay Regine ay may collaboration din si Angeline kasama si Erik Santos sa album na ito.

(CLICK HERE to watch fan made video of "Lipad ng Pangarap")

ALL-ORIGINAL ALBUM. Hindi rin daw nalalayo ang posibilidad na gumawa si Angeline ng isang all-original album.

Wika pa ni Jonatahan Manalo, ang kanyang album producer mula sa Star Records, “Kasi nga, si Angeline, yung mga hit singles niya tulad ng ’Patuloy ang Pangarap,’ ’Wag Mo Kong Iwan Mag-isa,’ yun nga, yung ’Bakit Ba Minamahal Kita’ are all-originals.”

Nais din daw nilang makatrabaho ang ilan sa mga pinakamahuhusay ng kompositor sa bansa.

“So, nagpaplano kami, sometime in the future, maglalatag ng album si Angeline…gumawa na talaga siya ng all-original album with the master composers of OPM.”

“Andyan si Ogie Alcasid, Ryan Cayabyab. So, isa yun sa mga dream project namin ni Angeline.”

Ayon pa sa kanila, nagpahayag na rin daw ang isa pa sa mga pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa, si Gary Valenciano, na nais niya ring makatrabaho ang Star Power grand winner.

“I want to work with that girl, “ banggit daw nito sa Twitter na ang tinutukoy nga ay si Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN