Marian Rivera stars in new sitcom with Chef Boy Logro; personally calls John "Sweet" Lapus for not being included in the cast

Because of her busy schedule, Marian Rivera had to forego culinary school this summer. "Naku paano ko namang gagawin e, bukod sa [My Beloved], na parang na-extend pa kami, meron pa akong sitcom [Tweets for my Sweets]. Siguro kung kailan na lang ako may free schedule," she says.


Hindi muna itutuloy ni Marian Rivera ang plano niyang mag-aral sa culinary school ngayong summer.

Ayon sa aktres…

"Naku paano ko namang gagawin e, bukod sa [My Beloved], na parang na-extend pa kami, meron pa akong sitcom. Siguro kung kailan na lang ako may free schedule.

“Kinailangan kong mag-pictorial, kinailangan kong mag-taping, dahil eere na kami ngayong April.

“Gusto ko pa rin nga [ituloy ang culinary lessons], hahanapan ko pa rin ng time, malay mo pagkatapos namin ng My Beloved maisingit ko siya,” sinabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam sa kanya.

Ang bagong sitcom na tinutukoy niya ay ang Tweets For My Sweets nila ni Chef Boy Logro.

Kahit nga raw ang kinahiligan niyang pagbe-bake ng cakes and cookies ay hindi na niya nagagawa.

“Wala na talagang time.”

Excited na si Marian sa upcoming sitcom ng GMA.

“Sabi ko nga kay Popoy [Caritativo, her manager], pangarap kong makasama si Roderick Paulate.

“Hindi ko siya makakalimutan sa Petrang Kabayo. Talagang idol ko siya doon.

“At si Tita Nova [Villa] naman, sobrang galing talagang umarte, parang… wala ng kailangang script, lumalabas na lang kusa.

“Tapos nga, nandiyan pa si Chef Boy Logro na magaling magluto, na pinapanood ko talaga na natatawa talaga ako sa kanya na ‘Yum, yum yum!’

“Yung mga gumaganun-ganun siya,” ang natatawang kuwento pa ni Marian.

ON JOHN "SWEET" LAPUS. And since hindi nakasama sa sitcom ang close friend niyang si John "Sweet" Lapus, bilang kaibigan ay nag-effort pa talaga si Marian na tawagan at kausapin ang komedyante.

“Siyempre, kay Sweet, magpapasintabi ako sa kanya, kasi siyempre naging kaibigan ko siya, naging mabait siya sa akin, malaki ang naitulong niya sa akin sa Show Me Da Manny.

"At bilang ako, bilang komedyante, marami siyang naitulong, so tinawagan ko siya. Sabi ko ‘Sweet, gusto ko lang ipaalam sa iyo na mag-i-storycon na kami bukas,’ sabi kong ganun. ‘At nalaman ko yung mga cast members e, wala ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Sorry at hindi ka naipasok.’

“Tapos sabi niya, ‘Ano ka ba, okay lang yun, walang problema sa akin, mabuti naman tinawagan mo ako.’

“Sabi ko, ‘Oo naman, kasi malaki ang respeto ko sa iyo, kaya dapat lang maipaalam ko sa iyo.’

“Tapos, sabi ko sa kanya ‘Malay mo naman, humaba nang humaba itong Tweets For My Sweets, mai-guest ka dito.’

“Bilang kaibigan at malaki ang respeto ko sa kanya at siya din naman sa akin, naintindihan naman niya.”

ON KATRINA HALILI. Bilang kasamahan niya si Katrina Halili sa My Beloved, nahingan naman namin ng reaksyon si Marian tungkol sa pagbubuntis ni Katrina.

“Happy ako para sa kanya! Siyempre kapag… kahit sino namang artista o kung sinumang kaibigan ko or kung sino mang kakilala ko, pag buntis, talagang kino-congratulate ko, e.

“Katulad ni Ate Pia [Guanio], nabuntis, sabi ko ‘Ay ate , congrats!’

“E blessing iyon, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN