Nadine Samonte says if her non-showbiz boyfriend proposes, her answer would be "Yes"

After breaking up and making up a few times with boyfriend Emerson Chua, Nadine Samonte says love is sweeter the third time around. She describes the changes: “Very sweet in a way na hindi na siya lumalabas, ayaw na niyang lumabas, ayaw na niyang alam mo yun, yung ganun. Sa akin naman, siguro masasabi kong parang… siya na yung best friend ko!"


Wala pa raw plano si Nadine Samonte na mag-asawa.

“Wala pa, marami pa akong babayaran,” ang tumatawang sinabi ni Nadine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Matapos ang short-lived affair niya with male star Leandro Muñoz ay nagkabalikan sina Nadine at ang non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua.

Mas maganda raw ang relasyon nila ni Emerson ngayon, the third time around.

Masasabi ba niyang mas tumindi ang kanilang pagmamahalan?

“Ang pagmamahal? Oo!”

May nabago?

“Sa kanya? Malaki. Sa akin rin, medyo malaki rin.

“Sa kanya, very mature na in a way, naiiisip na niya ang tama...

“Ganun din naman siya dati, wala naman akong masasabi sa kanya, kaya lang... mas careful siya ngayon, alam mo yun?

“Very sweet in a way na hindi na siya lumalabas, ayaw na niyang lumabas, ayaw na niyang alam mo yun, yung ganun.

"Sa akin naman, siguro masasabi kong parang… siya na yung best friend ko!

“Dati na naman na siya yung best friend ko pero in a way na parang mas ano na ako, hindi lang naka-focus sa relationship as boyfriend/girlfriend, kundi sa ibang bagay.

“Na friends kayo, crush ninyo yung isa’t-isa, lovers kayo o kaya yung parang, alam mo yung ganun?”

HER ANSWER WILL BE "YES." Aminado naman si Nadine na napag-uusapan na nila ni Emerson ang tungkol sa kasal.

“Siyempre napag-uusapan din, kaya lang kasi siguro waiting siya, waiting din ako.”

Waiting siya; pero siya ang ayaw pang mag-asawa?

“Hindi, kasi siyempre inaantay kong… siyempre, babae ako, inaantay kong siya ang mag-propose, di ba?"

At aminado rin si Nadine na kung sakaling mag-propose si Emerson ay papayag siya!

Ayon pa kay Nadine…

KIDS CAN WAIT. “Gusto kong mag-asawa pero ayoko pang magka-anak.”

So kapag nagyaya na si Emerson na magpakasal na sila ay papayag siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, ewan ko sa kanya kung ready na siya.”

For sure kapag niyaya siya ni Emerson ay handa na ito. So papayag si Nadine?

“Hmmm, siguro masasabi ko, oo!”

Paano kapag mag-asawa na sila at pahintuin siya ni Emerson na mag-artista?

“Hindi. Napag-usapan na namin yun na parang… hindi darating yung time na yun kasi alam naman niyang dito [sa showbiz] ako nagsimula e, dito ako kumikita.

“Pero ang sabi ko sa kanya once na kunyari magka-anak kami or what, gusto ko hands-on naman ako sa magiging anak namin.

“Yung ako mismo ang mag-aalaga at mag-aasikaso.”

Halimbawang kasal na sila, ilang taon bago siya mag-iisip na magka-anak?

"Gusto ko kasi after ng contract ko sa TV5, e.”

Two years pa ang natitira sa tatlong taong kontrata na pinirmahan ni Nadine sa Kapatid network.

Ang Valiente ang programa ni Nadine sa TV5 kung saan sila ni Niña Jose ang female lead stars. Ang lead male stars naman ay sina Oyo Sotto at JC de Vera.

Kung papirmahin siya ulit ng TV5 pagkatapos mag-expire ng kontrata niya sa 2014?

“Madadaan naman yun sa usapan. Pero after nung three-year contract ko, kasi magwa-one year na ako this June e, iniisip ko na per project na lang yung kukunin ko, yung mga tipong ganun, yung mga tipong ganun na plans ko pa lang.

“Depende pa rin, tingnan natin.”

HAPPY FOR IWA. Si Iwa Moto, na tulad ni Nadine ay produkto ng StarStruck, ay nasa TV5 na rin.

Ano ang naging reaksyon ni Nadine sa paglipat ni Iwa?

“Okay lang, at least dito, feeling ko dito mabibigyan siya ng alam mo yun, mas maraming importansiya or mas… kasi konti lang kami dito, e. Konti pa lang kami noon, di ba?

“So mas happy ako para sa kanya.

“Kasi alam ko iyon din ang ano niya sa kabila e, parang hindi na siya nabibigyan, parang nababalewala siya, so happy ako para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako yung artistang parang madamot na ‘Ay bakit siya lumipat, threat siya sa akin!’

“Hindi naman ako ganun.”

Hindi threat sa kanya si Iwa.

“Hindi, wala namang threat sa akin, kasi hindi ko iniisip yun, e.

“Ang threat ko, yung sarili ko. Yung ganun.

“Wala akong yung mangangamba ako na ‘Ay lumipat siya, baka siya na yung isunod na ano!’

“Wala sa akin yung ganun, basta ang sa akin lang, basta may trabaho ako, masaya ako.

“Ang kakumpitensiya ko, ang sarili ko!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN