Is there another feud brewing between Marian Rivera and Katrina Halili?

Katrina Halili (right) poured her heart out on Twitter about a person she refused to identify. Could it be be her My Beloved co-star Marian Rivera (left)?


Nabuhay na naman ba ang alitan sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Katrina Halili?

Masama ang loob ni Katrina sa isang katrabaho kung ang pagbabasehan ay ang tweets ng aktres (@katrina_halili) sa social networking site na Twitter.

Magkakasunod ang tweets ni Katrina noong Biyernes, April 13, kung saan naglabas siya ng kanyang sama ng loob sa isang taong aniya’y “nai-insecure pa din” sa kanya.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Katrina. Pero base sa mga mensahe ng mga kaibigan niya sa Twitter, mahihinuha na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Marian.

Magkasama sina Katrina at Marian sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved—at dito nga nagsimula ang paglalabas ni Katrina ng kanyang saloobin.

“Sana mamatay na c Emmy sa mybeloved!” tweet ni Katrina bilang pagtukoy sa pangalan ng karakter niya sa serye.

Bilang Emmy, siya ang kontrabida sa pag-iibigan nina Sharina (Marian) at Benjie/Arlan (Dingdong Dantes).

Magkasintahan sa tunay na buhay sina Marian at Dingdong.

Dagdag pa ni Katrina, “Ewan ko ba.. Nachachakan na nga ako sa itsura ko, at katawan ko ngayon Kung baket may naiinsecure pa din saken”

Kasalukuyang buntis si Katrina sa anak nila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.

Dahil sa kanyang tweets ay hindi naiwasan ng ilang mga kaibigan at followers ni Katrina ang magtanong tungkol sa kanyang tinutukoy.

Ito ang magkakasunod na sagot ni Katrina sa mga ito:

“nagpipigil sya, pero dmatago talaga.”

“wag nay.. Malaking Tao to. (un ang tingin Nya sa sarili Nya.)”

“nay bka sabihin Nya pinag uusapan sya, ma quote and quote tayo. Wag na tyo mag drop ng names. Alam na naten un.bato bato sa langit”

“Sana nga may powers ako na dedmahin, kaso Kung nakikita mo at nakakatrabaho, nakakaharap,at nakakaeksena. Ang hirap. Wawa naman baby ko”

“alam mo na 5yrs ago. Nangyari na to”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIVE YEARS AGO. Unang nagkasama sina Katrina at Marian sa Pinoy version ng Mexicanovela at launching vehicle ni Maria na Marimar noong 2007—limang taon na ang nakalilipas.

Habang ginagawa nila ang Marimar ay nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Marian at Katrina. Pero nagkasundo rin sila pagkatapos ipalabas ang kanilang serye.

Sabi pa ni Katrina sa kanyang mga ka-tweet tungkol sa tinawag niyang "mataas na tao" na "hate" pa din siya:

“Naguguluhan Lang kasi talaga ako Sino ba ang buntis samen. Sya? O ako? Hay... Life”

“ewan ko nga dun sa isang Tao. Mainit ulo saken”

“wag nay mataas na Tao nga. Nakakatakot. Bka magwala nanaman. Tulad kanina. Chos!”

“ewan ko ba bhe. DNA nga ako sexy gaya mo noh. Hate pa din Nya ako. May problema siguro sa utak”

Tumatak din ang mensaheng ito ni Katrina:

“sana dumating araw, ang lahat ng kanyang naapi, ay muling aahon, magsamasama,at maghihimagsik.”

May isang follower ang nagtanong at direktang nagbanggit ng pangalang “Marian.”

Sagot ni Katrina sa kanya: “oi ano ka ba. SOBRANG BAET nun Tao. Sabi Nya...”

Ito pa ang ibang sagot ni Katrina sa ilang followers niya sa Twitter:

“Naku wag na. Masama Lang talaga ang loob ko.pero ok naman ako. Kailangan ko LNG ilabas Baka mag suffer baby ko”

“nay masama Lang loob ko. Ok Lang po ako. Kailangan ko LNG ilabas kasi, Baka maipon ang stress ko.”

“excuse me. Account ko to. Mahirap Kausapin un. Gusto mo ikaw kumausap. Pagod. Na ako.”

“Psssssssst! No name drop pls. Baka simikat, sikat na nga.”

Sa huli ay nagbigay rin siya ng mensahe sa mga hindi nagkagusto ng kanyang tweets:

“Sa mga ayaw makabasa ng tweet ko. Unfollow kayo. Walang pilitan. Walang pakialamanan. Pwede Lang magbasa. God bless us all..”

Sa Twitter din inanunsiyo ni Katrina ang kasarian ng ipinagbubuntis niya—babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Marian Rivera kaugnay ng mga tweets na ito ni Katrina.

Nagpadala ng text message kagabi ang PEP sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo at hindi pa ito sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN