Vilma Santos says her son Luis Manzano is happy with Jennylyn Mercado: "He’s very comfortable—ang anak ko ngayon. Bihirang uminit ang ulo niya."

Vilma Santos narrates how she became a stage mother when her youngest son Ryan Christian appeared on ASAP: “Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.’ Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas," she begins. “Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, ’Of course, pero Mom, I wo


Special guest at contestant ang Star For All Seasons, Vilma Santos, sa birthday presentation ni Luis Manzano sa kanyang programang Kapamilya Deal or No Deal.

Malaking halaga ang napanalunan ni Ate Vi. Dahil para sa charity ang napanalunan, naglambing si Ate Vi at pinagbigyan ito ng anak na si Luis para madagdagan ang ibibigay ng aktres at politician sa kanyang piniling organisasyon na may kinalaman sa health and education.

“Si Luis naman, e, madaling malambingan, basta sa mga bagay na ‘yan. Kuripot yan sa ibang bagay.

"Halimbawa, birthday mo. Wag kang mag-expect kung hindi ka niya girlfriend,” ang natatawang kwento ni Governor Vi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos niyang mag-guest sa ABS-CBN game show na ipapalabas sa mismong kaarawan ni Luis.

“Marunong kasi sa buhay ang anak ko pero anything about charity, e, madaling lapitan ‘yan.

"I don’t think kuripot ang anak ko. Siguro, marunong lang humawak ng pera niya.

“Kasi sa totoo lang, kung nakausap mo yung mga natulungan niya, na hindi naman niya sinasabi, pero alam ko kung sino, e. Matutuwa ka sa sobrang pagkamatulungin ng anak ko pagdating sa mga talagang alam niyang nangangailangan,” dagdag pa ni Ate Vi.

Inamin rin ni Ate Vi na pagdating sa pera at negosyo, si Luis daw mismo ang nagdedesisyon.

“That’s one thing kasi kung ano ang meron si Lucky, e, tinatrabaho niya ‘yan. Hindi namin alam, nalaman na lang namin na nagpapapirma siya because he is putting up a taxi business.

“So, magugulat na lang kami, pero siyempre ido-double check namin ang mga dokumento. Marunong talaga ang anak ko, even his earnings alam niya kung saan niya ilalagay."

So, pati sa sinasabing pagpasok ni Luis sa politiko ay hindi na rin makikialam si Governor Vi?

“Well, siyempre, bahala na ang anak ko magdesisyon sa bagay na ‘yan. Nu’ng tinanong ko siya, ’Any plans for 2013?’ Ang sagot niya, e, baka hindi pa,” banggit pa rin ni Governor Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HOLY WEEK VACATION. Sa Singapore nagpalipas ng Holy Week sina Ate Vi, kasama ang buong pamilya maliban kay Luis. Kamusta ang bakasyon?

“Well, Masaya. Time to unwind lang para sa akin.

"Sa totoo lang kasi, umalis kami, peak season. Tuesday kami umalis, medyo nasa room lang ako ng Friday, Saturday at Sunday dahil hindi ako makaalis dahil sa dami ng tao.

“But I enjoyed, naman Tuesday, Wednesday at Thursday," ang sabi niya.

Kahit sa hotel lang daw si Ate Vi at hindi siya gaanong nakapag-ikot nang husto sa Singapore, enjoy na daw siya.

“Doon naman sa loob ng hotel, e, marami ka na ring maiikutan. Meron ng stores doon, casino, may musical theater, okey na ako roon.

Baka matsismis siyang nagkaka-casino?

“Well, sumilip ako sa casino, naglaro ako ng two cents, ano naman ang masama roon di ba? Hindi naman porke naglaro ka na, e, sugarol ka na talaga,” sabi ni Ate Vi.

Dapat daw kasama rin nila si Luis, pero dahil sa promo ng pelikula nitong Moron 5 ay hindi nakasama ang panganay na anak niya.

Alam naman ni Ate Vi na kasama ni Luis ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at nag-beach ang dalawa sa Punta Fuego sa Batangas.


MORE COMFORTABLE WITH LUIS. This is Governor Vi’s second time to be a contestant on Kapamilya Deal or No Deal. Her first time was when Kris Aquino was hosting the show.

“Kinakabahan pa rin ako, pero hindi kagaya nung kay Kris.

"Kris Aquino yun. Plus the fact na that was my first encounter. Talagang nakakakaba.

"But this time, e, hindi na masyado, anak ko pa ang host. Ang feeling ko, e, parang nagkukuwentuhan lang kami sa bahay.

“Hindi ako natatakot sa kanya, ganyan din naman kami mag-usap sa bahay. Kagaya ng sinabi kong ‘Sagutin mo na lang anak.’ Ganun na ganun kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puring-puri ni Governor Vi ang anak na si Luis.

“Ang galing talaga ng anak ko. Walang biro ’yan. Sariling kayod ‘yan si Lucky.

"Kung ano ang natutunan niya, kung ano yang na-develop sa character niya, lahat yan sa kanya ‘yan.

“May sariling trabaho tatay niya, may sarili akong trabaho, kahit nandito kami to guide him.

“Pero in anything na meron siya ngayon, e, pinagtrabahuan niya yun. Hindi kami nakialam. Ganu’n namin siya pinalaki,” pagmamalaki ng premyadong aktres.

May posibilidad ba na kung ano man ngayon si Luis ay maaaring maging ganu’n rin ang bunsong si Ryan Christian?

“Mahilig din si Ryan. If you can see him dance, showbiz din siya.

"Sa totoo lang, yung interest niya andun din, e, okey na lang muna sa ngayon kasi nag-aaral pa naman ang anak kong ito,” sabi ni Governor Vi, sabay yakap sa anak niyang si Ryan Recto.

Walang problema naman daw kung magge–guest si Ryan sa mga shows ngayong bakasyon, pero pagdating daw sa mga araw na may pasok ay hindi raw pupuwede kahit gaano pa kalaki ang offer.


STAGE MOM. Ikinuwento na rin sa amin ni Ate Vi na naging stage mother daw siya nu’ng mag guest si Ryan sa ASAP.

“Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.’ Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas.

“Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, ’Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!’” tawang-tawa pang kwento ni Ate Vi.

Siyempre, dapat lang na ipagmalaki ni Governor Vi ang mga anak niyang sina Luis at Ryan.

Sa mga achievements ngayon ni Luis, as actor and businessman, hindi malayong mapantayan o mahigitan pa ito ng bunsong si Ryan Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tingnan n’yo ang anak ko ngayong si Ryan. After I quit Vilma! [TV show ni Ate Vi], dahil sa pagbubuntis ko sa kanya, tingnan n’yo siya ngayon. Nag-quit ako ng Vilma! because I was pregnant.

“Kahit na sobrang pagod ako galing sa trabaho, ’pag nakita ko lang ang mga anak ko, e, parang nagasolinahan na ako ulit,” sabay haplos pa rin ni Ate Vi sa anak na si Ryan.


RYAN MORE SERIOUS? Mukhang mas seryoso si Ryan kumpara sa pagiging kalog ni Luis Manzano. Ano ang masasabi ni Ate Vi tungkol dito?

“Well, sira rin ulo ni Ryan... Makulit din ’yan pag nasa bahay na at kami-kami na lang.

“Kaya lang, madalas niyong nakikita si Lucky na nagpapatawa. Si Ryan din naman, e, mahilig ding mangulit at nagpapatawa sa amin.

"Kaya nga ako ang kawawa sa bahay pag nagsama-sama kaming lahat.

“Kumbaga, kung kasama ko, si Lucky, Ryan and Ralph sa bahay, oh my God, riot ang bahay namin.

"Ako ang kawawa dahil saway ako nang saway sa kanila,” pa-iling-iling pang banggit ni Ate Vi sa amin.


ON JENNYLYN MERCADO. Habang isinalang si Governor Vi sa Kapmilya Deal or No Deal, nasa audience naman ang girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado.

Mukhang seryoso na nga talaga ang dalawa. Ano ang komento niya tungkol dito? Payag na kaya siyang magpakasal ang dalawa?

“Ayokong pakialam sila sa bagay na ‘yan," sagot agad ng aktres.

“Pero si Jen, talagang malambing naman. In fact, ka text-mate ko siya at kasundo talaga siya. Madalas niya akong pinapadalhan ng food. Kailan lang nagpadala siya ng cupcake.

“Kita mo kanina, she stayed pa kahit tapos na siya, ano siya, e, masarap kasama kasi open siya,” dagdag ni Ate Vi.

Mas masarap siyang kasama kaysa kay Angel Locsin?

“No comparison naman,” pakling sagot niya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“What I am talking about is now. Magaling siyang makisama.
"Minsan tatawag lang yan at sasabihin sa akin, ‘Tita nag-bake ako ng cake, dadalhan kita.’
“May open communication kami talaga. Kamukha niyan, sabi ko sa kanya, ’Jen, guest ako sa Deal Or No Deal.’
"Nalaman ko ring guest siya. Sabi niya, ’I’ll stay Tita, at papanoorin ko kayo.’
“Kaya ayun, nag-stay siya kahit hindi siya nakikita sa kamera.
"So, I feel comfortable with her but I don’t want to meddle kung matutuloy sila or what,” dagdag ng Star for All Seasons.
Aminado naman si Governor Vi na masayang-masaya ang anak niyang si Luis with Jennylyn.
“He’s very comfortable—ang anak ko ngayon. Bihirang uminit ang ulo niya ngayon."

THE HEALING. Kumusta naman ang shooting ng pelikula?
“Well, nasa kalagitnaan na kami. Ang natitira, mga highlights na lang.
"Yung habulan naming dalawa ni Kim, yung papatayin na ako ni Kim. Kaya yung back to shooting ko after Holy Week, heto na ang grabe."
How many more shooting days to go?
“Well, sa calendar ko, e, hanggang May na lang, Siguro, mga third week of May tapos na kami. Target is July supposedly,” sabi ni Ate Vi.
May susunod ba siyang project?
"Hindi ko pa rin masabi ngayon. Pero nasa akin na ang script ng isang indie movie na in-offer sa akin ni Adolf Alix.
"Babasahin ko pa lang, pero yung synopsis sounds good and interesting.
“Kasi gusto ko talagang makagawa rin ng isang indie movie. Kahit isa lang, why not, di ba?
"Lalo na kung 10 days or less lang, bakit hindi, di ba? Ang dami ko na kasing pinalampas na indie offer sa akin.
“I was not able to do yung La Independencia. Hindi ko nagawa yung Isda.
"I was hoping, someday, na kahit isa makagawa lang, kahit isang indie film."

GOLDEN ANNIVERSARY. Kumusta naman ang preparasyon sa 50th anniversary niya in showbiz?
“Well, target namin November this year.
"Nabalitaan n’yo ba na ang filing date ng mga tatakbong politicians nitong 2013 elections, na dating November ay naging October na?
"Kumbaga, ang election sa May pa, pero kailangang mag-file ka ng candidacy mo ng October.
“Parang nangangampanya ka na. E, November pa ang plano kong golden anniversary,” banggit ni Ate Vi.
Para kay Ate Vi, ang dapat daw na baguhin ay ang termino ng mga nanunungkulang elected officials. Masyadong maiksi raw ang tatlong taon per term.
“Walang nagagawa ang pulitiko. Isang taon ka lang makapagtatrabaho.
"Kamukha ngayon, second year pa lang after manalo, e, October, filing na ng candidacy.
“Alam mo, dapat ang local officials kahit man lang four years.
"At least two-and-a-half years of work, marami ka nang magagawa noon and then the rest, compaign na.
“Pero dito kasi sa bago, mahirap kasi, e,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN