Jay Perillo on relationship with girlfriend Gretchen Espina: “Sobrang nai-inspire ako sa mga ginagawa ko because of her.”

Jay Perillo on girlfriend Gretchen Espina: “Kahit pareho kaming busy, we find time for each other. She busy with her… yung work niya ngayon… yung business. Ako, steady naman sa career ko—she supports me. Ang kagaya nga ng nasabi ko, she keeps me pumped up. Sobrang nai-inspire ako sa mga ginagawa ko because of her.”


Matipid sa kanyang nagiging pahayag ang Are You The Next Big Star? finalist na si Jay Perillo, kapag natatanong tungkol sa relasyon sa rumored girlfriend niyang si Gretchen Espina na winner ng Pinoy Idol talent search.

Hindi raw gusto ni Jay na nagdidetalye nang husto pagdating sa kanyang personal na buhay, partikular na sa kanyang lovelife.

“We’re really happy… We’re really, really happy together,” sabi ng singer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas ng GMA-7 kahapon, April 15, kung saan nag-advance birthday celebration siya.

“Nagulat nga ako na sa Party Pilipinas, sinurprise nila ako. Yun nga, si Gretchen, she was here kanina.

“So I was really really happy. All my fans are here.

“Then yung family ko, nandito rin. I think we’re gonna go out later.

“But I’m not really sure pa kung may birthday party ako sa Wednesday [April 18].”

Ano ang birthday gift ni Gretchen sa kanya?

“Well, I think this is more than enough…

“Yung presence niya kanina sa Party Pilipinas before I started yung birthday prod ko, I saw her.

“I’m really, really excited. That got me pumped up kanina... masaya!”

BIRTHDAY GREETINGS. Ang ex-girlfriend niyang si Kris Bernal, since nanatili silang magkaibigan matapos silang mag-break, binati rin ba siya ng happy birthday?

“She greeted me last night sa technical rehearsal.

“Niloloko nga niya ako, manlibre raw ako,” sabay tawa ni Jay.

Ano ba ang feeling niya na si Kris, laging sinasabi na kahit wala na sila, ikinatutuwa nito na they remained friends?

“That’s sweet!” bulalas niya.

Kumpara kay Kris, parang mas madaling naka-move on si Jay sa breakup nila, samantalang si Kris ay single pa rin hanggang ngayon.

Ano ang masasabi ni Jay dito?

“Well… paano ba ‘to?

“I’ve seen a lot of things. I’ve heard a lot of things… felt a lot of things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, uhm… eventually, bottom line is I need to move on," sabi niya.

QUALITIES. What does he like most about Gretchen?

“About Gretchen? Uhm… she’s super-maalaga.

“And, uhm… what we have sa ngayon is really different amongst the other relationship that I had before," sagot ni Jay.

Pang-ilan na ba niyang girlfriend si Gretchen?

“Hindi ko alam, e!” natawang muli si Jay.

“Pero yun nga… it’s like… masaya ako. Sobrang maalaga siya.

“And na-meet ko na yung family niya. They’re really nice.

“We’ve been going out for two months na.

“Kahit pareho kaming busy, we find time for each other.

“She busy with her… yung work niya ngayon… yung business.

“Ako, steady naman sa career ko—she supports me.

“Ang kagaya nga ng nasabi ko, she keeps me pumped up.

“Sobrang nai-inspire ako sa mga ginagawa ko because of her.”

RECORDING. Dahil pareho silang singers ni Gretchen, may plano ba sila to do a duet na iri-record nila?

“We’re planning on making one, pero we’re not yet sure kung ano—if it’s going to be an original song or whatever.

“Maglalabas ako soon ng mga singles ko, which is puro originals ulit.

“Sana magkaroon nga kami ng chance na magkasama kaming dalawa.”

Will he be coming out with a song na alay kay Gretchen?

“Meron... yung ’Parang Anghel.’

“I wrote this song ‘Parang Anghel.’ I write that for her talaga.

“Na kung ano yung nakikita ko sa kanya, kung ano ang nararamdaman ko sa kanya…

“And it’s a really, really nice song. So I’m really, really excited to get into the studio and record it.

“Tapos na lahat isulat yung mga songs na ire-record ko.

“We just have to fix the schedules with my band, ang Black Hole Remedy, para sa recording na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Also, I’m gonna launch my website soon.”

Sa palagay ba niya, si Gretchen na ang makakatuluyan niya?

“I think naman... oo.

“So far, I’m really, really happy with her," nakangiting sabi ni Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN