Xian Lim admits his hosting skill needs improvement

Xian Lim says “there’s still a room for improvement” when it comes to his hosting skill. He adds that if people did not like him being the host of this year’s Binibining Pilipinas, “baka next time mag-enjoy naman sila.”


Isang katuparan ng pangarap para kay Xian Lim ang maging isa sa mga host ng tanyag na beauty pageant sa bansa, ang Binibining Pilipinas.

Ayon sa Star Magic talent, isa raw sa mga gusto niyang gawin sa showbiz ay makapag-host sa isang programa. Ito ay naging totoo sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2012.

“That was really exciting,” paglalarawan ni Xian tungkol sa kanyang ginawang paghu-host kagabi, Abril 15, sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Xian matapos ang pagbisita niya sa isa sa mga branch ng kanyang iniendorsong fast food chain, ang Mc Donald’s.

Dagdag pa ng young actor, “Sobrang nakakatuwa ‘yong experience because ever since I started, gusto ko talagang mag-host.

“Di ba, binigyan kaagad ako ng Binibining Pilipinas? So that was really an exciting experience.”

Bagamat labis itong ikinatuwa ni Xian, may ilan namang hindi nagustuhan ang naging paraan niya sa paghu-host. Kapansin-pansin kasi na madalas ay nakatingin lamang siya sa cue cards o sa teleprompter.

At dahil sa ganitong uri ng komento, inamin ni Xian na, “Siyempre, there’s still room for improvement.

“This is my first time to host this kind of big event.”

Pabiro pang sinabi niya, “Sige, hayaan mo, sasabihin ko sa kanila, next time hindi ko na babasahin.”

Dagdag pa ni Xian, “I can’t really please everyone.

“What all I can do is just enjoy what I’m doing and do what I love.

“If I’m enjoying, I’m sure other will enjoy din naman.

“Kung hindi sila nag-enjoy, baka next time mag-enjoy naman sila.”

LAUNCHING HIS MUSIC CAREER. Samantala, nagpapasalamat si Xian dahil bukod sa pagiging aktor ay nabibigyan din siya ng pagkakataong maipakita sa publiko ang iba pa niyang interes at talento.

Isa na rito ang hilig niya sa musika.

Bukod sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumento at pagkanta, nagsusulat din si Xian ng mga awitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil dito ay magkakaroon na siya ng debut album na nakatakdang i-release ng Star Cinema sa Abril 30.

GETTING MORE POPULAR. Bagamat iba-iba na ang ginawa niya sa showbiz, nilinaw ni Xian na hindi pa naman siya magpo-focus sa isa lamang sa mga ito.

Aniya, “Iba’t ibang feeling, iba’t ibang adrenaline rush [ang nakukuha ko].

“Ako, as much as possible, gusto kong gawin at gawin ‘yong mga binibigay sa akin.

“Nag-e-enjoy ako. Nandoon ‘yong passion, nandoon ‘yong fire.”

Paano naman niya tinatanggap ang pagiging popular niya ngayon sa entertainment industry?

“I just enjoy what I’m doing,” sagot ni Xian.

“I enjoy what they’re giving me, the opportunity. Siguro popularity follows.

“But it’s not that I’m doing it for the popularity. I’m doing it to touch people’s hearts.

“I just keep on enjoying it.

“Sana lang ma-sustain ‘yong mga nangyayari. I just wanna make people happy.”

ON KIMXI. Sa kabilang banda, nagbigay rin ng pahayag si Xian tungkol sa pagiging loveteam nila ng dating leading lady sa My Binondo Girl na si Kim Chiu.

May ilan kasing nagsasabi na mas naging sikat si Xian dahil sa pagtatambal nila ni Kim.

Subalit pinabulaanan naman ito ng binatang Kapamilya aktor.

Paliwanag niya, “Wala namang ‘I’ sa team namin.

“We’re always working together, ‘yong comfortability namin or trust for each other, dapat nandoon ‘yon.

“I’m thankful sa lahat ng nangyayari.

“Pero wala namang ‘I’ na nangyayari. Tulungan po ‘yan.

“Siyempre, thankful po ako na may umusbong na mga fan club.

“Kasi, if it wasn’t a team, KimXi won’t be KimXi.

“Hindi naman ‘Xi’ lang. Meron din naman Xianatics.

“Maraming solid na nandiyan talaga. They don’t just come and go.”

At bilang katambal niya, inamin ni Xian na kasama si Kim sa nagiging “journey” niya ngayon sa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong journey na ito, siyempre, me and Kim were working together so kasama siya.

“We’re good friends and a really good friendship blossomed after the soap, di ba? So, siyempre, kasama siya," saad ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN