Stef Prescott: "Dati naisip ko rin na lumipat at naisip ko yung ABS-CBN... Pero hanggang ganun lang. Sa akin kasi, sa GMA, parang comfort zone mo, e."

Stef Prescott remains hopeful and still waits for her big break from her home network: "Dati naisip ko rin na lumipat at naisip ko yung ABS-CBN kasi ‘andun yung ano, e… Sa ABS kasi, international sila. Mero’n silang TFC [The Filipino Channel]. Pero hanggang ganun lang."


Anim na taon na rin sa showbiz si Stef Prescott, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabibigyan ng launching vehicle ng GMA-7.

Obserbasyon ng ilan, napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kasabayan sa StarStruck 4 sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Paulo Avelino.

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hanggang supporting roles lang ang naibibigay sa kanya ng kanyang home network?

Hindi ba siya naiinip at mukhang mailap sa kanya ang suwerte para mailunsad siya sa isang malaking proyekto?

Ayon kay Stef, "Siyempre nagkakaroon din ng panahon na medyo naiinip na at naisip ko na mag-aral na lang kaya ako.

“Pero kapag iniisip kong mag-aral na lang ako, e, biglang may sumusundot naman na projects.

"Bigla ako nagkaka-project. Like nung dumating yung Captain Barbell at nakasama ko pa si Tito Boyet [Christopher de Leon].

“Sobrang laking gulat ko nang malaman kong siya ang makaka-partner ko sa Captain Barbell.

“Na kahit kontrabida ay nagpapasalamat ako dahil sobrang laking oportunidad at karangalan ang makasama ko siya.

“Kaya kahit gusto ko nang ituloy ang mag-aral noon, e, stop muna.

"Talagang nandun din yung ano, e… nagtatanong din kung kelan kaya ang panahon ko.

"Kasi nakikita mo sina Aljur [Abrenica], sina Kris [Bernal], pati si Paulo [Avelino].

"Kumbaga, ‘andun na sila, e. Nagkakaroon tuloy ako ng sariling desisyon na kailangang gumawa ako ng sariling move para mabenta ako ng GMA-7 .

“Kailangang ako muna ang gumawa ng move para ma-develop ko ang sarili ko. Mga ganun.

"Kagaya po ngayon ay nagsasariling sikap muna ako.

"Nag-pose ako sa White Castle [Whiskey calendar].

“At kung wala po talagang mangyari, susubukan ko na pong kumuha ng co-manager.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Stef sa isang piyesta sa Sto. Tomas, Batangas kung saan naimbitahang magtanghal ang dalaga.

GOING SEXY? Sariling desisyon ni Stef ang magpa-sexy at mag-pose sa kalendaryo ng nasabing liquor company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, alam naman daw ito ng GMA-7 at hindi naman siya pinagbawalan dito.

Pero sa pagpapaseksi niyang ito ay hudyat na ba na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang wholesome image?

"Nag-start po ako sa showbiz na 15 years old lang ako. Ngayon nagiging mature na ‘ko.

“Pagkatapos ng Survivor Philippines ay sobrang dami kong natutunan.

“Nag-mature ako bilang isang tao at sabi ko, dapat yung career ko sa showbiz, ganun din.

“Dapat yung bago naman at hindi na gaya ng ginagawa ko.

"Hindi naman puro pa-cute na lang ako.

"Sa akin dapat mag-mature ka bilang tao at iiwan mo na yung dati.

“Pero dapat sanay ka at kailangan mong i-handle yung mga mature role at alam mo kung saan ka lulugar.

“And as a person okay naman yung magpa-sexy nang konti pero may limitasyon pa rin."

STAYING WITH GMA-7. Sa 2013 magtatapos ang kontrata ni Stef sa Kapuso Network at wala pa siyang balak sa ngayon na lumipat sa ibang network.

"Mero’n pa kasi akong kontrata sa GMA, e. Isang taon pa.

"Okay pa naman ako sa kanila.

“At malay natin baka bago magtapos ang contract ko ay mabigyan ako ng magandang project at makapagbida naman ako, di ba?"

Pag-amin pa niya, "Pero dati naisip ko rin na lumipat at naisip ko yung ABS-CBN kasi ‘andun yung ano, e…

“Sa ABS kasi, international sila. Mero’n silang TFC [The Filipino Channel]. Pero hanggang ganun lang.

"Sa akin kasi, sa GMA, parang comfort zone mo, e.

"Sa ABS kasi napakarami na nilang artista na sobrang may pangalan na at malalaking artista na. At feeling ko, baka ‘ala na ring space.

"At kumbaga, sa GMA, mas kumportable na rin ako dahil doon ako nanggaling at sila yung gumawa sa akin.”

DREAM ROLE? Kung sakali mang ilunsad siya ng GMA-7, ano ba ang dream role at sino ang pipiliin niyang maging leading man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko, maraming-maraming leading men. Puwede ba yun?” natawa niyang sagot.

“Joke lang. Sa role, gusto ko ay yung ako naman yung inaapi kasi puro role ko ako yung nang-aapi.

"Gusto kong makita ako ng tao na inaapi ako nang sobra. Yung grabeng-grabe.

“Ganun kasi naman ang Pilipino, e. Gustung-gusto makita yung sinasabunutan at sinasaktan yung bida. Type ko yung ganun.

"Pero ‘eto, walang biro. Gusto ko maging leading man si Richard Gutierrez kasi kinikilig ako sa kanya.

“Siyempre si Aljur [Abrenica] din dahil masayang makatrabaho yung taong naging kasabay mo halos sa pag-aartista.

“Kumbaga, pareho kayo ng grounds ng pinanggalingan.

"I think kapag nakatrabaho ko uli si Aljur ay muling ibalik…Siguro parang reunion na rin.

“At para sa akin, masarap makatrabaho yung taong kilala mo na at nakasama mo na nang matagal," saad ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN