Kim Chiu says Xian Lim deserves the popularity he’s enjoying now

Kim Chiu thinks it’s unfair for people to say that onscreen partner Xian Lim is just using her to get famous. The young actress believes her fellow Kapamilya actor has the talent to become popular.


“Matagal na akong maingat.”

Ito ang sinabi ni Kim Chiu nang tanungin siya ng media kung bakit tila matagal nang walang balita tungkol sa kanyang lovelife.

Nakapanayam si Kim ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa hinanda niyang charity event, katulong ang Star Magic, sa Loyola Heights, Quezon City, kahapon, Abril 16.

Ito ay kaugnay ng kanyang ika-22 na kaarawan sa Huwebes, Abril 19.

Ayon kay Kim, nagiging maingat lang siya sa pagpili ng mamahalin kaya wala pa rin siyang boyfriend hanggang ngayon.

“Siyempre ano, naninigurado lang ako,” paliwanag pa niya.

Matatandaan na ang huling napabalitang boyfriend ni Kim ay ang dati niyang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition at naging matagal na onscreen partner na si Gerald Anderson.

Sa ngayon, sabi ng dating My Binondo Girl lead actress, bagamat may mga nanliligaw sa kanya, “nae-enjoy” pa rin naman daw niya ang pagiging single.

Agad naman niyang nilinaw na hindi ibig sabihin nito ay ayaw na niyang umibig muli.

“Puwede naman kung nandiyan ang tamang lalaki,” natatawang sabi ni Kim.

Patuloy pa niya, “Depende kung maramdaman ko na lang na may spark kaming dalawa, e, di ‘yon na ‘yon.

“Kapag we connect to each other, masaya kami sa isa’t isa. Kapag naiintindihan niya ako.”

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang katangian ng susunod niyang magiging boyfriend, sagot ni Kim, “Wala akong ideal man.

“Wala akong ideal boyfriend kasi baka mag-fail lang ako, pero ang ending, iba pala.

“Wala, gusto ko lang na maramdaman na mahal ako, aalagaan ako.”

ON XIAN LIM. Samantala, may usap-usapan ngayon na bagamat tapos na ang programang My Binondo Girl, na tinampukan nina Kim at Xian Lim, patuloy pa rin daw ang pagkikita at pag-uusap nilang dalawa.

Sa hiwalay na panayam kay Xian, inamin niya na “really good friendship blossomed after the soap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Kim, “Okay naman kami. Nagko-communicate kami kahit papaano.

“Yeah, we’re friends. We’re good friends.”

Dahil sa pagkakamabutihan nina Kim at Xian, may ilang nagsasabi na ginagamit lamang ng young actor ang young actress para mas sumikat.

Matatandaan na sa kanilang dalawa, mas unang nakilala ang dating grand winner ng Pinoy Big Brother teen housemate.

Naging malakas naman ang tambalan nina Kim at Xian dahil sa My Binondo Girl. May balita pang magpapatuloy ang kanilang pagtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema.

Dahil din sa kanilang onscreen partnership kaya nabuo ang grupo ng fans na kilala bilang KimXi.

Ngunit agad namang dinepensahan ni Kim ang kasalukuyan niyang loveteam partner.

Aniya, “Unfair naman ‘yong word na gamitan.

“Wala naman akong ginawa sa kanya. Wala naman siyang ginawa sa akin.

"Nagtatrabaho lang naman kami.”

Sinabi ni rin ni Kim na kahit wala siya, karapat-dapat din naman si Xian sa kasikatang tinatamasa niya ngayon.

Sabi pa ni Kim, “Siguro naman deserving naman siya kung nasaan man siya ngayon dahil sa talent niya, sa mga pinapakita niya sa tao.

“Ayun, maayos naman ang hitsura niya. Siguro, marami naman sigurong nagkakagusto sa kanya.

“Wala naman akong say doon kasi talented naman ‘yong tao, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN