Part 1. Ruffa Gutierrez reacts to dismissal of child abuse complaint filed by Nadia Montenegro against her mom Annabelle Rama

Ruffa Gutierrez on dismissal of child abuse case filed by Nadia Montenegro against her mom, Annabelle Rama: “Kasi ang problema, ang mommy ko naman ang ginugulo. Hindi naman ang mommy ko ang nag-i-start ng gulo. So for her, she’s defending herself. She’s defending her name. Of course, she has children, she’s a talent manager as well. And it’s very clear na with Nadia’s false allegations, my mom is the children’s manage


Hindi mapigilang maging emosyunal ni Ruffa Gutierrez nang tanungin ng press tungkol sa mga bagong kaganapan sa alitan sa pagitan ng kanyang ina na si Annabelle Rama at nina Nadia Montenegro at Amalia Fuentes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at iba pang media si Ruffa sa presscon ng pelikula niyang The Mommy Returns sa Emperor Room ng Imperial Palace Suites sa Timog Ave., Quezon City, kagabi, April 16.

Unang kinuha ang reaksiyon ni Ruffa sa pagkaka-dismiss ng Quezon City Prosecutor’s Office sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Ruffa, “Unang-una po, siyempre nung tinawagan po ako ng lawyers ni Mommy, I was very happy and kinongratulate ko kaagad si Mommy.

“I mean, first of all, talagang walang kuwenta yung kaso kapag imbento.

“I’m happy that there’s still justice in the Philippines and, you know, my mom’s name was cleared.

“For us, the most important thing, because she loves her children so much kaya siya minsan napapaaway sa kakadepensa sa amin.

“It is just really weird. At halatang puro kasinungalingan ang mga ibinintang sa kanya.

“So, tuwang-tuwa po ako ibinasura ng korte ang kasong child abuse laban sa nanay ko.”

Ano naman ang reaksiyon ng mommy niya sa desisyon ng korte na ibasura ang kasong child abuse laban sa kanya?

“A, well, para sa akin, you know, she was just calm.

“Sabi niya talaga na, ‘Walang kuwenta at puro imbento lang naman kasi ang kasong ‘to.’

“So for me, it’s a vindication.

“My mom basically had to fight for her honor, fight for what she believed in, nagsasabi lang siya ng totoo.”

LIBEL CASE. Bagamat na-dismiss na ang child abuse case na isinampa ni Nadia labang kay Annabelle, in-affirm naman ng Quezon City court ang 14 counts ng libel case na inihain ng dating aktres sa talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, may “probable cause” para dinggin ng korte ang mga kasong ito.

Ano ang masasabi ni Ruffa dito?

“Tungkol naman sa mga libel cases against her, that’s actually just a reaction of the child abuse case against her.

“Hindi naman niya sasabihin ang lahat ng mga nasabi niya because, you know, wala naman talagang kaso.

“And, you know, a person can only take so much and bilang isang nanay, bilang isang tao, you know, ang nanay ko nasasaktan din.

“Kung may nasabi siyang masasakit, e, pawang katotohanan lang yun.

“At galing sa puso niya para i-defend yung sarili niya at yung honor niya,” pagtatanggol ni Ruffa sa ina.

Sa tingin ba ni Ruffa ay mapapatawad pa ng kanyang ina si Nadia?

“I don’t know,” matipid na sagot ng TV host-actress.

Sumang-ayon naman si Ruffa sa opinyon ng iba na dapat ay maging maingat na ang kanyang ina sa pagbibitaw ng mga salita dahil na rin sa nangyari sa kanila ni Nadia.

“Well, yeah, I hope my mom has learned her lesson,” sabi ni Ruffa.

“Next time, makinig siya sa aming dalawa ni Raymond [Gutierrez, Ruffa’s brother] at sa asawa niya na si Eddie Gutierrez, na guwapong-guwapo, na huwag nang tumanggap ng mga ibang talents na without our approval.

“So I hope this will serve as a lesson for her.”

Nagpasalamat din si Ruffa sa mga abugado ng kanyang ina na nagtanggol dito.

“Actually, ako nagbigay kay Mommy kasi sila din ang tumulong sa ‘kin, sa aking annulment—si Atty. Howard Calleja at si Atty. Connie Jimenez.

“Thank you for accepting the case and for defending my mom.

“I’m very happy that the case is now dismissed.

“I hope we can all move on kasi talagang walang kakuwentang-kwentang issue.”

Dagdag pa ni Ruffa, “And you can see naman in a person’s life… ako, I never wish ill and bad of anyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s probably why whatever happens in my life, although I’m not perfect, good things always come my way.

“And I think that holds true to our family… so hopefully with this, tapos na ang mga issue na ganito.”

CLOSING HER DOOR TO FRIENDSHIP. Nang tanungin naman si Ruffa kung ano ang mensahe niya para kay Nadia, tuluyan na niyang isinara ang kanyang pintuan para sa muling pakikipagkaibigan dito.

“No, I don’t think we could ever be friends again,” deklara ni Ruffa.

“I choose my friends. I wanted to be surrounded by people who are positive, people that will uplift me, people that will make me move forward.

“You know, I wanna be surrounded by good friends.

“So, being magkaibigan, definitely not.

“But I don’t wish her any harm. I don’t wish her any bad things.

“I wish the best for her, especially for her children, who have showed nothing but the best and respect for me.

“And hopefully, matapos ‘to. I just wish them well.

“I just want to say na I wish everyone well and, at the end of the day, sana naman lahat talaga magkaayos-ayos na.”

Muli ring ipinagtanggol ni Ruffa ang kanyang ina.

“Kasi ang problema, ang mommy ko naman ang ginugulo. Hindi naman ang mommy ko ang nag-i-start ng gulo.

“So for her, she’s defending herself. She’s defending her name.

“Of course, she has children, she’s a talent manager as well.

“And it’s very clear na with Nadia’s false allegations, my mom is the children’s manager, but Nadia is still the mother, who has control of her own children.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN