Barbie Forteza on reports that Joshua Dionisio has a girlfriend: "Ayaw ko pong makialam."

“Ang alam ko po matagal na po siyang kaibigan ni Joshua, nasa ABS [CBN] pa po si Joshua. Tungkol naman po sa kung girlfriend na siya ni Joshua, hindi ko po alam. Isa pa personal na buhay na po ni Joshua ‘yan," says Barbie Forteza when asked if she’s aware that her loveteam Joshua Dionisio already has a girlfriend.


Excited na ang tween queen na si Barbie Forteza sa upcoming show ng GMA-7 na Tweets For My Sweets.

Ang sitcom na ito ay pinagbibidahan nina Marian Rivera at Chef Boy Logro.

“Sobrang excited po ako kasi finally nangyari na po yung isa sa mga pangarap ko.

“Dream come true po para sa akin ang show na ito kasi makakasama ako sa bagong show ni Ate Marian,” sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kasama rin sa nasabing palabas sina Ms. Nova Villa at Roderick Paulate, at ang ka-loveteam naman ni Barbie dito ay si Elmo Magalona.

“Si Tita Nova, na-miss ko din po, si Tita Nova kasi masarap siyang kasama, masaya, at lagi pong may dalang pagkain.”

Nakasama na noon ni Barbie si Nova sa afternoon soap na Nita Negrita.

ELMO MAGALONA. Aminado naman si Barbie na naninibago siya ngayong si Elmo ang kapareha niya sa naturang TV project at hindi ang regular niyang ka-partner na si Joshua Dionisio.

Ayon kay Barbie, “Medyo may kaba ng konti kasi for the first time, hindi ko po makakasama si Joshua sa isang regular show.

“Hindi ko pa po alam ang story ng Tweets For My Sweets, baka naman po hindi as a loveteam kami ni Elmo.

“Pero kung sakali mang ganun nga, e, susunod lang po ako sa management.

“Alam naman po nila kung ano ang nararapat para sa akin…sa mga artista nila.

“Magkaibigan po kami ni Elmo, time pa po ng Pilyang Kerubin.

“Mabait naman po [siya] at palagi lang tulog!” ang natatawang sinabi pa ni Barbie.

DERRICK MONASTERIO. Samantala, nilinaw naman ni Barbie ang isyu na sila ni Derrick Monasterio ang madalas na magka-date ngayon.

“Totoo po na nanood kami ng sine, pero dapat po kasama po namin noon si Joshua.

“Kaya lang po hindi lang nakapunta si Joshua kasi nagka-emergency sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman pong sinasabing kumain kami ni Derrick sa labas, galing po kami sa isang event sa World Trade.

“Gabi na nang matapos yung event, e, gutom na po kaming lahat.

“So, no choice po kung hindi kumain kaming kasama siya," paliwanag niya.

Hindi tuloy naiwasang itanong ng PEP kay Barbie kung sakaling magkaroon ng ligawan sa pagitan nila ni Derrick, may posibilidad bang maging sila?

“Kung posibleng maging kami? Hindi po talaga, kasi parang kuya ko na po si Derrick.

“Minsan nga po parang batang kapatid pa, kasi nga po makulit at mas isip-bata pa po siya sa akin!” at muling tumawa ang young actress.

JOSHUA DIONISIO. Hiningan naman ng PEP ng komento si Barbie tungkol sa napapabalitang may girlfriend na raw ngayon si Joshua at madalas umanong makitang magkasama ang dalawa.

“Ang alam ko po, matagal na po siyang kaibigan ni Joshua, nasa ABS [CBN] pa po si Joshua.

“Tungkol naman po sa kung girlfriend na siya ni Joshua, hindi ko po alam!” at muling tumawa si Barbie.

Pagpapatuloy pa niya, “Isa pa, personal na buhay na po ni Joshua ‘yan. Ayaw ko pong makialam.

“Basta kung ano man po ang desisyon niya, iginagalang ko po yun at lagi po akong nakasuporta.

“Mabait po kasi si Joshua kaya hindi nakapagtataka kung may magmamahal man sa kanya.”

Pinaninindigan naman ni Barbie na siya ay walang boyfriend at hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon dahil bata pa siya.

Natatawa pa niyang sinabi na ang puso niya ay “Naka-reserve lang po for that very special someone.

“Bata pa naman po ako, I’m only 14 years old.

"Siguro po tanungin na lang ninyo ako ulit tungkol sa love kapag nasa tamang edad na ako.”

Itinanggi naman ni Barbie ang balitang buwag na ang loveteam nila ni Joshua, ang JoshBie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi din po totoo kasi sa Tweets For My Sweets lang po kami hindi magkasama.

“Madami pa pong projects na kami pa rin ni Joshua ang magka-loveteam,” paglilinaw ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN