John Lapus on not being included in the cast of Marian Rivera’s new sitcom: “Siyempre nalungkot ako ng slight, hindi siya sama ng loob."

“Marian called me up… in fairness sa babaeng ‘yan, napaka-sweet. She called me up, parang ‘Sweet, tomorrow na pala ang aming storycon. And I saw sa lineup na hindi ka kasali at mabuti ring sa akin manggaling.’ Na alam ko rin naman na it’s not Marian’s fault naman at hindi naman si Marian ang nagde-decide… Marian is not GMA, we all know that. So for her to actually call me and tell me na hindi ako kasama du


Hindi kasama si John “Sweet” Lapus sa upcoming sitcom nina Marian Rivera at Chef Boy Logro sa GMA-7, ang Tweets For My Sweets.

Nang mawala sa ere ang Show Me Da Manny, may pangako kay Sweet na dapat ay magkasama rin sila sa susunod na sitcom ng aktres.

Pero nang magkaroon ng story conference para sa Tweets For My Sweets ay nawala sa cast si Sweet.

Sa presscon ng kinabibilangang pelikula ni Sweet, ang The Mommy Returns noong Lunes, April 16, ay kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang reaksiyon sa pagkawala niya sa cast ng bagong sitcom na ito ni Marian.

Kuwento muna niya, “Oo, kasi iyon ang sabi sa akin, I was one of the first cast ‘ata… yeah, na kinausap ng GMA.

“Ang nangyari kasi noon, last taping day ng Show Me Da Manny, e, aalis ako bago ang dinner break sa taping.

“E, that time, hindi pa namin alam na last taping day na yun.

“So, nung papaalis na ako, nilapitan ako nung PM [production manager] namin.

“Sinabi nga na, ‘Uy, after dinner supposed to be bababa yung mga boss to talk to everybody. E, aalis ka pala before dinner, so inuna ka lang namin na… this is the last taping day of Show Me Da Manny.’

“’Tapos sabi pa sa akin, ‘But rest assured, months from now, Marian will have another sitcom kasama ka pa rin doon.’”

Pero iyon nga, hindi napasama si Sweet sa Tweets For My Sweets.

Bukod kina Marian at Chef Boy, kasama sin sa cast sina Roderick Paulate, Nova Villa, Barbie Forteza, at Elmo Magalona.

“E, ganoon talaga ang buhay,” pagkikibit-balikit na lang ni Sweet.

MARIAN RIVERA. Pero na-touch daw ang comedian-TV host sa magandang gesture na ginawa ni Marian sa kanya.

Kuwento ni Sweet, “Marian called me up… in fairness sa babaeng ‘yan, napaka-sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She called me up, parang ‘Sweet, tomorrow na pala ang aming storycon. And I saw sa lineup na hindi ka kasali at mabuti ring sa akin manggaling.’

“Na alam ko rin naman na it’s not Marian’s fault naman at hindi naman si Marian ang nagde-decide… Marian is not GMA, we all know that.

“So for her to actually call me and tell me na hindi ako kasama dun sa sitcom, na-appreciate ko nang bongga!”

Dagdag pa niya, “And in fairness naman, I think ang nangyari ‘ata is gusto nila [GMA management] na parang bago na lahat ng cast na makakasama.

“Of course, Kuya Dick is there naman so aaabangan pa rin dapat ng mga Kapuso ang bagong sitcom na ‘yan ni Marian.

“And I have naman a primetime soap with Chard, magiging busy naman ako.”

Ang tinutukoy ni Sweet ay ang bagong drama series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, na pagbibidahan nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Carla Abellana.

Nagtampo ba si Sweet na hindi siya kasali sa Tweets For My Sweets? Sumama ba ang loob niya?

Ayon sa kanya, “Siyempre nalungkot ako ng slight, hindi siya sama ng loob.

“Nalungkot ako kasi I was really hoping na makatrabaho ko ulit si Marian, kasi masayang katrabaho ‘yang babaeng ‘yan.

“’Tsaka siyempre iba yung sitcom, e, ano ba…

“Modesty aside, di ba? Komedyante ako so sitcom is my forte.

“So parang sayang naman yung aking God-given na comedic skills kung hindi nila ako mabibigyan ng sitcom.

“And nag-promise naman ako na magge-guest ako dun sa show na ‘yan.”

PAMINTANG COWBOY. Meron din naman daw “konting comedy” sa Makapiling Kang Muli.

“Medyo drama kasi yung role and as per our storycon, they really wanted it na paminta [tagong bakla] yung character ko.

“Na parang in a way, ako pa yung kakumpitensiya ni Chard dun sa rancho kasi bagong salta siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na ako yung pinakamagaling na cowboy, ‘tapos si Chard parang intimidated sa akin.

“Little did he know na type ko siya, na meron akong pag-ibig sa kanya.

“So, sa madaling salita, may puso yung character ko, hindi na siya yung typical na baklang komedyante na type lang yung bida… hindi, hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN