Anne Curtis explains why KC Concepcion co-stars with her and Derek Ramsay in new movie instead of Cristine Reyes

“This is a totally different story. I guess it’s safe to say na iilan lang naman ang Viva leading men, so si Derek na agad ang nakuha. So yun. It’s not because it’s a follow-up after No Other Woman na kailangang magkakasama kaming tatlo," says Anne Curtis when asked why Cristine Reyes is not part of the cast of her new movie with Derek Ramsay.


Ginanap ang story conference ng pelikulang may working title na Nothing Compares To You sa Viva Films office sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City, kaninang hapon, April 19.

Pagbibidahan ito nina Anne Curtis, Derek Ramsay, at KC Concepcion.

Dumating sa storycon ang leading ladies ng pelikula na sina Anne at KC, samantalang hindi nakarating si Derek na kasalukuyang nasa Boracay para sa isang commitment.

Sa panayam ng ilang entertainment press at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anne, bakas sa mukha nito ang excitement para sa kanilang bagong proyekto.

Masaya rin daw siya para sa kanyang co-star na si KC dahil mas mature na raw na KC ang mapapanood sa pelikula nila.

Kuwento niya, “Ito kasi, natatawa ako sa script. Alam mo yung mga sitwasyon, napagdadanaan ng lahat.

“Nakakatawa siya, pero seryoso. Basta.

"Feeling ko, palakpakan ang mga tao dito [‘pag napanood ang mga eksena]."

Hindi naman daw comedy ang pelikula dahil mas sa drama ang itatakbo ng kuwento.

“Yes. But don’t expect a heavy drama.

"It’s more of a relatable drama especially for people sa age group natin,” biro pa niya sa mga kausap na entertainment press.

“Mas relatable siya in that sense. So don’t expect na…” sabay kunyari umiyak na ngumonguyngoy.

“Hindi naman siya gano’n… mga relatable na, ‘My gosh, nangyari sa ‘kin ’to!’ Mas gano’n siya.”

WITH DEREK MINUS CRISTINE. Magkasama sila uli ni Derek sa bagong palikulang gagawin niya, maliban kay Cristine Reyes na katrayanggulo nila sa No Other Woman. Bakit kaya?

Paliwanag ni Anne, “Uhm, this is a totally different story.

"I guess it’s safe to say na iilan lang naman ang Viva leading men, so si Derek na agad ang nakuha. So yun.

“It’s not because it’s a follow-up after No Other Woman na kailangang magkakasama kaming tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It just so happen na yung availability... and sa tingin ng Viva kung sinong nababagay sa movie.

“So, walang isyu na gano’n.

"Mero’n din namang movie na gagawin si Cristine.”

BOX-OFFICE QUEEN. Naihayag na ang mga paparangalan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), at si Anne nga ang itinanghal na Box-Office Queen kasama si Cristine Reyes para sa pelikulang No Other Woman.


Si Derek Ramsay naman ang paparangalan bilang Box-Office King.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Anne dito?

“I’m so happy. Ayyy! I’m so, so happy talaga!

"At the end of the day, we have to thank talaga yung mga nanood talaga ng movie," sabi ng Kapamilya actress.

Ano ang pakiramdam niya na "kahati" niya si Cristine sa nasabing parangal?

“Kasi dalawa naman talaga kaming babae do’n,” sa pelikulang No Other Woman ang nais niyang tukuyin.

“I think it would be unfair if it’s just me or I got it alone… knowing na we worked as a team, so dapat lang talaga.”

VICE GANDA. Si Vice Ganda ay ginawaran din ng GMMSF para sa Praybeyt Benjamin, na highest-grossing film noong isang taon at sa kasaysayan ng Philippine movies.

“Box-office gay!” natawang biro ni Anne sa co-host niya sa It’s Showtime.

“Phenomenal Box-office Star—which is true.

“And I think Vice deserves it dahil ’kaloka yung kinita ng Praybeyt Benjamin.

"And I think Derek deserves to get the Box-Office King alone ‘cause he was in both movies.

“So I think Vice deserves his own title, which is the Phenomenal Box-Office Star.

“Alam mo yun… at least mero’n nang genre ang mga susunod na gays na maging successful.

“Phenomenal na sila kasi hindi naman sila king. Hindi naman sila queen. Phenomenal na lang.

“Kasi in all honesty, where will you put them? Would it be queen, or would it be king?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Either way, I think they will be judged by people.

"At least ito, safe. They’re on safe ground."

ANNE, THE SINGER? Dahil sa karangalan tatanggapin ni Anne bilang Box-Office Queen, labis-labis ang pasasalamat niya sa mga tumangkilik sa kanilang pelikula.

“Mero’n pa,” pahabol niya. “Best Female Novelty Chu-chu [Singer]," pagtukoy niya sa isa pang award na igagawad sa kanya ng GMMSF.

Bago rin sa panayam kay Anne ay pakanta-kanta ito it natatawang ipinagmamalaki niya sa mga nasa storycon na may vibratto na ang kanyang boses.

"Yun talaga ‘di ko in-expect. So… a, never ko rin in-expect na mangyari sa buhay ko na makakatanggap ako ng award para sa album ko!” tawa nang tawa niyang pagmamalaki.

So, ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy na ang singing career niya?

“No!” nakatawang sagot ni Anne.

“Just for this album lang yun. Masaya na ’ko do’n.

"Nangyari yung magtu-tour lang ako and okay na. Magge-guest, guest na lang ako sa mga album ng iba, okay lang sa ’kin yun.”

Paano kung hilingin ng mga fans na gawa pa siya ng album?

“Ibibigay ko sa kanila yun. Ibibigay ko naman.

"Kung hilingin, ba’t hindi ibigay? Pero…a, huwag muna.

"Ang hirap. Mahirap mag-tour-tour. Ang hirap talaga.

"Pero gagawin ko naman for everyone," nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN