Part 1. Luis Manzano denies visiting a church in Batangas to book his wedding with Jennylyn Mercado: "Kagulat-gulat talaga!"

Luis Manzano was reportedly spotted at the Basilica of St. Martin de Tours in Taal, Batangas, inquiring on how to book a wedding. But the TV host-actor says, “Wala. Actually nabasa ko nga ‘yon. Sabi ko, ‘Sino ‘yon?’ Kung kamukha ko man siya, ang suwerteng nilalang no’n!’ Wala kahit anong katotohanan behind it. Nothing at all talaga. Ni hindi ko ma-explain. Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n.


Hindi inaasahang makasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis Manzano sa hallway ng ABS-CBN studios kahapon, April 22.

Napadaan siya roon para dalawin ang mga host ng The Buzz na sina Toni Gonzaga at Boy Abunda na parehong malapit sa kanya.

WEDDING IN BATANGAS? Natawa ang TV host-actor nang mausisa tungkol sa napapabalitang plano na raw nilang magpakasal ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

May balita pa ngang nakita raw si Luis na nagpunta sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas para mag-inquire ng tungkol sa pagpapa-book ng kasal.

“Kagulat-gulat talaga! Siguro kamukha ko lang!” sabay tawa ni Luis.

Wala pa bang plano talaga na pakasal na sila ni Jennylyn? Hindi pa nila napag-uusapan?

“Wala. Actually, nabasa ko nga ‘yon. Sabi ko, ‘Sino ‘yon?’

“Kung kamukha ko man siya, ang suwerteng nilalang no’n!” pabiro pang nasabi niya.

“Wala kahit anong katotohanan behind it. Nothing at all talaga.

“Ni hindi ko ma-explain. Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n. I’m curious.

“Kung may mahanap din kayong kasagutan, please let me know."

Ano naman ang reaksiyon ni Jennylyn tungkol dito?

“Hindi ko alam kung nabalitaan na niya.

“Pero kahit ako, hindi ko alam kung papa’no ipapaliwanag kasi ang labo, e. There’s nothing behind it.

“So, ewan ko... Siguro kamukha ko lang ‘yong sinasabing nakita nila doon.

“Iyon lang ang only explanation na naiisip ko—kamukha.

“I think na-clarify na rin yata ng mga taga-Taal. So, weird lang.

“Kahit ako, gusto kong malaman ang pinanggalingan no’n. I’m curious.

“Kung may mahanap din kayong kasagutan, please let me know," saad ni Luis.

FOR HIS CONSIDERATION. Sakali ba na magpapakasal na nga sila ni Jennylyn, ikukunsidera ba ni Luis na sa Batangas ito ganapin?

“Oo naman!" mabilis niyang sagot.

"Batangas is very close to my family. Do’n nga ikinasal din si Mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, iku-consider ko rin naman iyon.”

Sa Lipa City Cathedral noon ikinasal ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at si Senator Ralph Recto.

Sila naman kaya ni Jennylyn, posible bang sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, gaya ng usap-usapan lately?

Bukod kasi sa tourist attraction ito sa Batangas, makasaysayan din ang naturang simbahan na sinasabing pinakamalaki sa Pilipinas, at pangalawa sa pinakamalaki sa Asia.

Matatandaang dito ikinasal noon si Ogie Alcasid at ang first wife nitong si Michelle Van Eimeren.

Ayon kay Luis, “Yes, iku-consider ko rin naman na puwedeng doon.

“Pero long long way to go. Hindi pa talaga.”

IS SHE THE ONE? Maganda ang takbo ng relasyon nila ni Jennylyn kaya halos lahat ay ina-assume na papunta na sila sa kasalan.

Ano ang masasabi ni Luis dito?

“Well, in any relationship naman, you’re hoping na it’s the end product. Uhm… pero long way to go.”

Mga ilang taon pa kaya bago mangyaring humarap na nga sila ni Jennylyn sa altar?

“I have no idea. I wish I knew," sagot niya.

Si Jennylyn na nga ba ang babaeng pakakasalan niya? Sigurado na siya?

“Sa amin naman, in any relationship, you work on it for keeps.

“Pero long way to go pa nga. Very, very long way.”

They’re still enjoying each other’s company as of now, according to Luis. At sa gano’ng level daw muna sila bago ang tungkol sa pagpaplanong pakasal na.

“Yes. Not just the relationship, we’re enjoying everything na life is drawing my way.”

Ilang taon pa kaya bago sila magdesisyong magpakasal na?

“Wala. Sabi ko nga, may mga whirlwind romance na nangyayari.

“At the same time, merong mga sobrang tagal bago magkatuluyan.

“So, hindi pa namin alam kung saan ba kami pupuwesto no’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung tutuusin, stable na siya at kaya nang magkaroon ng sariling pamilya. Kung aspetong ito ang pag-uusapan, handa na siguro siyang lumagay sa buhay may-asawa.

“Not yet," pagtanggi ni Luis.

"Kasi, kumbaga, ang dami ko pang kailangang gawin.

“At the same time, inirerespeto ko ‘yong kailangang gawin ni Jen.

"Hindi lang bilang isang anak. Higit sa lahat, bilang isang ina.”

ALL’S WELL! Sa kaso ni Luis, parang nasa ayos ang lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Smooth-sailing ang relasyon nila ni Jennylyn. Maayos din ang lagay ng mga pinasok niyang negosyo. At ang kanyang career, okey rin ang takbo.

Labis nga rin daw siyang nag-e-enjoy sa paghu-host ng Kapamilya Deal Or No Deal.

“We’re very happy naman sa feedback sa show.

"At sa ratings na dumarating sa amin na… masaya din naman ang tao sa napapanood nila," sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN