Part 1. Nora Aunor starts shooting indie film Thy Womb with director Brillante Mendoza

Thy Womb is the first team-up of Nora Aunor and director Brillante Mendoza in an indie movie. Nora plays a Badjao midwife who encounters conflict with the character of Lovi Poe, another Badjao.


Muling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong Sabado ng hapon, April 21, ang personal manager at schedule master ni Nora Aunor na si Boy Palma.

Maraming updates si Boy tungkol sa pinagbibidahan ni Nora na Thy Womb, na idinidirek ng Cannes award-winning director na si Brillante Mendoza.

Kasama si Boy sa grupo nina Nora at Direk Brillante na umalis patungong Tawi-Tawi noong April 14.

Mula Zamboanga airport ay tumuloy sila sa Bongao province, sa kabisera ng Tawi-Tawi, kung saan namamalagi ang buong cast, staff, at production crew sa resort ni Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali.

BADJAO TERRITORY. Sa bayan ng Sanga-Sanga ang unang location shooting ng Thy Womb.

Sa laot, kung saan namamahay ang mga Badjao, kinunan ang mga unang eksena nina Nora at mga co-stars na sina Lovi Poe at Bembol Roco.

"What an experience! Grabe, ang ganda ng Tawi-Tawi!" bulalas ni Boy sa simula ng panayam.

Sa pagbabalita sa PEP ay binigyang-punto ni Boy ang smooth-sailing na pagtatrabaho ni Nora sa kanyang comeback film, matapos ang walong taong pagiging inactive sa local movie scene.

Ani Boy, "Yung first three days namin [April 15 - 16] ay immersion.

"Nag-aral siya [Nora] na mag-weave ng banig, magsagwan, at magpaanak!"

Ginagampanan ni Nora ang papel ng isang babaeng Badjao, na ang gawain ay bilang kumadrona ng kinabibilangang lipi.

"Badjao na Badjao na ang hitsura ni Guy ngayon—mahaba ang buhok, dark-skinned...

“She really looked and lived her character in the film.

"Halos hindi mo siya mare-recognize na siya si Nora.

“’Pag napanood mo ang mga eksena niya... grabe!

“Natural na natural na kilos ng mga Badjao ang ipinagawa sa kanila ni Dante.

"Kaya kung mapapanood mo ang pelikula at pag-arte ni Ate Guy, Badjao na Badjao—hindi mo iisipin na siya si Nora Aunor!"

IMMERSION. Madali namang naging pamilyar at natutunan ni Nora ang kailangang maipakitang gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First day pa lang, adjusted na siya.

"Sabi nga ng nagturong Badjao, ’She’s not only a good student, she’s also a good teacher.’”

Dagdag-impormasyon din ni Boy, "Ang mga tao dito, mahal na mahal nila si Guy. Mahal na mahal siya sa Tawi-Tawi.

"Yung mga tagahanga niya rito, nagpupunta sa set, bumabati, at nagpapasalamat sila na dito nagkaroon ng pagkakataon na mag-shooting si Guy!

“Nakaka-touch, grabe!"

MUTUAL ADMIRATION. First time pareho nina Nora at Direk Dante na makatrabaho ang isa’t isa.

Ayon kay Boy, "Nora loves Dante... napamahal na siya kay Dante at si Dante sa kanya!

"Ang ganda ng partnership nila.

“Walang naging difficulty o anuman si Guy sa unang pakikipagtrabaho niya kay Direk Brillante.

"Isa nga sa reason kung bakit excited ako na mapanood ang pagsu-shoot ni Guy sa film ay para makita ko nang personal kung paano magtrabaho si Brillante Mendoza.

"Magaling talaga siya!

"Ang gusto niyang style na acting, yung natural acting na hindi umaarte."

May insidente bang nagalit sa set si Direk Brillante sa loob ng isang linggo nilang doon at limang araw na pagsu-shoot?

"Wala, hindi nagagalit si Direk.

“Wala kang maririnig na pagsigaw—hindi yun uso sa kanya."

All praise naman si Direk Brillante sa Superstar.

Sabi raw ni Direk Brillante about Nora: "Ang galing-galing ni Guy!

"Alam kong magaling siya, pero hindi ko ini-expect na ganito siya kagaling!"

Na sinegundahan naman ni Larry Castillo, Direk Brillante’s assistant at tumatayong production manager.

"Bilib na bilib si Direk Brillante kay Ate Guy!" sabi ni Larry.

Higit sa mga papuri, nagpapasalamat si Boy Palma sa magandang pagtrato sa aktres ng buong produksiyon, sa pamumuno ni Direk Brillante.

"Alagang-alaga niya si Guy," ani Boy.

"Laging inaalala ni Direk Brillante ang kalagayan ni Guy dahil mahirap nga ang mga eksenang ginagawa nila.

"Tulad halimbawa yung buhok niya, na kapag may eksena sa laot, baka masira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panay ang bigay ni Direk ng instruction, ’O, yung buhok ni Guy, ha? Paki-ingatan...’

"We usually start to shoot at 7 a.m., tuluy-tuloy na ‘yon.

“Ang daming natatapos na scenes in one day. Every scene o sequence, ang daming anggulong kukunan.

"Madalas, take one lang ’yon dahil satisfied si Direk Brillante sa trabaho ng mga artista niya—especially Nora!

"And how he admired Nora’s acting—yung mga mata niya, nagamit talaga nang napaka-effective!

“Tuwang-tuwa talaga si Direk!" bulalas uli ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN