Rocco Nacino on showing his butt for movie Lam-ang: “Nahihiya ako sa butt ko. I mean, malaman siya."

Rocco Nacino on why he’s hesitant exposing his butt in Lam-ang: "People tell me that it’s an asset. I don’t think it is. Siguro shy lang ako. A... hindi ko kaya na ipakita sa mga tao.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino sa isang event last week at masaya niyang ibinalita na naayos na ang kanyang schedule at nakatakda na silang magsimulang mag-shooting ng pelikulang Lam-ang.

Masayang bungad ni Rocco, “Yes, ito bale ang first title role ko.

"Nakaka-challenge pero excited [ako]. I’m preparing so much for it.”

Nakakapag-reading na daw sila ng mga lines nila.

Dagdag pa niya, “We’ve prepared a lot of fight scenes, na-choreograph na namin.

“Pero I got sick, so in terms of physical preparations, konti pa, konti pa. I’m on a diet right now.

"Then this Saturday [noong April 21], lipad na kami dun [Ilocos].

"Then next day [April 22], birthday ng dad ko, magsu-shoot na kami.”

BUTT EXPOSURE? Nilinaw ng PEP kay Rocco at ng ilan pang media na nag-interview sa kanya kung bakit parang may mga sinabi siya noon na parang hindi siya proud sa puwet niya.

May kinalaman kasi ito sa kanyang magiging kasuotan o costume bilang si Lam-ang na medyo magpapakita ng kanyang puwet.

Paliwanag ng aktor, “Nahihiya ako sa butt ko. I mean, malaman siya.

"People tell me that it’s an asset—I don’t think it is.

“Siguro shy lang ako. A... hindi ko kaya na ipakita sa mga tao.”

Pero makikita kahit kaunti ang bahagi ng puwet niya kapag ipinalabas na ang pelikula dahil naka-bahag siya rito.

Pero bawi ni Rocco, “Well, nag-fit ako kaninang umaga, nakita ko na yung bahag.

“Ang ganda, pero pinapa-cover-an pa ni Direk [Ana Gabin] yung mga parts na kailangang takpan.

BLESSINGS, BLESSINGS! Sa darating na April 29 ay gagawaran si Rocco ng Guillermo Mendoza Memorial Sholarship Foundation bilang Most Promising Male Star of the Year.

(CLICK HERE to read related story.)

Masayang kuwento ni Rocco, “Well, nagulat ako. Sa Party Pilipinas ko nalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinanap ko sa Internet at totoo nga.

"I’m happy that my talents are recognized. Ang saya dahil ang daming blessings.

“I felt so determined right now to work, to do better sa craft ko.

"I was so really pumped up.”

Bago ang parangal na ito sa kanya ay nanalo na siya sa Star Awards for Movies at Golden Screen Awards bilang Best New Actor para sa Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.

Sa tingin ba niya ay nakakalamang na siya sa mga ka-batch niya sa StarStruck dahil sa dami ng blessings sa kanyang career?

“’Yan ang isa sa pinakamahirap na tanong para sa akin.

“Uhm, since Starstruck, I was given opportunities. I’ve made good use of them, and I know na sa mga kasabay ko, they will be given opportunities naman.

“Naunahan lang siguro akong mabigyan," saad ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN