Vice Ganda on reported conflict with It’s Showtime director Bobet Vidanes: “Hindi kami nag-away. Wala kaming isnaban. Pero hindi rin kami nagkikita."

Vice Ganda on his relationship with It’s Showtime director Bobet Vidanes: “Iba kasi ang lugar ng director. Nasa ibang lugar siya kaya hindi naman nagkikita-kita. Hindi kami nag-away. Wala kaming isnaban. Pero hindi rin kami nagkikita. Ayokong sabihin na sweet kami, okay kami kasi hindi naman kami nagkikita."


Pagbalik ni Vice Ganda mula sa kanyang naging show sa Middle East ay magandang balita agad ang sumalubong sa kanya.

Una ay ang parangal na ipagkakaloob sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) bilang Male Concert Performer of the Year at special award bilang Phenomenal Box-Office Star dahil sa tagumpay ng pelikula niyang Praybeyt Benjamin.

(CLICK HERE to read related story.)

“Thank you. Thank you sa inyo," sabi ni Vice sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, April 23.

“At ang saya! Ang saya ko dahil dalawang bonggang awards ang iuuwi ko mula sa Guillermo.

“Hindi ko naisipan ‘yan na magkakaroon ako ng mga ganyang awards.

"At saka, top awards siya kaya sobrang malaking blessing.

“Nakakatuwa. Nakakapawi ng problema, ng stress.”

Sa April 29 gaganapin ang 43rd Box-Office Entertainment Awards ng GMMSFI.

RELATIONSHIP WITH IT’S SHOWTIME DIRECTOR? Pero kasabay ng dalawang awards na matatanggap niya ay ang intrigang siya ang dahilan kung bakit daw nag-resign ang direktor ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN kunsaan kabilang si Vice.

Ang itinuturong dahilan ay ang diumano’y hindi nila pagkakasundo ng director at yun din daw ang dahilan kung bakit pansamantalang nawala sa show si Vice.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Vice, “Alam n’yo kung bakit hindi ko masagot yan nang direkta?

“Kapag sinagot ko ‘yan, parang idinedepensa ko na dapat hindi sa akin manggaling.

“Totoong nawala ako sa Showtime dahil, unang-una, mero’n akong show sa Middle East na araw-araw kong pinu-promote sa Showtime.

“Yun ang dahilan kung bakit ako nawala.

“Alam ng lahat ’yan. Alam ng buong staff ng Showtime. Alam ng management ng ABS-CBN.

“Yung isyu namin ni Direk Bobet, hindi ako dapat ang mag-esplika riyan o magpaliwanag sa bagay na ‘yan.

“Kasi si Direk Bobet ang dapat n’yong tanungin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siya rin siguro ang dapat magsalita kung siya ba ay nag-resign at iniwan na ba niya ang programa namin nang dahil sa akin.”

Pero nilinaw ni Vice na wala naman daw pag-aaway o isnaban na nagaganap sa kanilang dalawa ni Direk Bobet.

Unang-una, hindi naman daw sila nagkikita sa studio.

“Iba kasi ang lugar ng director. Nasa ibang lugar siya kaya hindi naman nagkikita-kita," patungkol niya sa control room kung nasaan ang kanilang direktor habang siya ay nasa studio tuwing ipinapalabas ang It’s Showtime.

Dagdag pa ni Vice, “Hindi kami nag-away. Wala kaming isnaban. Pero hindi rin kami nagkikita.

"Ayokong sabihin na sweet kami, okay kami, kasi hindi naman kami nagkikita.

“Ayokong magpaka-ipokrita at yun na lang siguro ang maipagmamalaki ko sa mundong ito.”

WE’RE BACK IN SHOWTIME! Sinabi rin ni Vice na hindi pa raw nila napag-uusapan ni Direk Bobet ang isyu tungkol sa kanila.

Aniya, “Unang-una, hindi pa kami nag-uusap ni Direk Bobet sa isyung ‘yan kasi siya ang nawala.

“Noong lumabas ang isyung ‘to, wala ako, nagtatrabaho ako.

"Noong bumalik ako, wala na siya. Wala si Direk Bobet.

"Kaya noong lumabas ang isyung ‘yan, wala po ako.

“Kaya nagtataka ako bakit ako, e, sila ang magkakasama sa Showtime?

“Bakit ako ang pinagbintangan n’yo?

"Si Direk Bobet, e, kababalik lang at nagtrabaho na siya sa Showtime.

“Ako, e, kababalik lang at ako rin, e, nagtatrabaho."

Sabi rin ni Vice, “Kaya itong isyung ito, e, hindi pa namin napag-uusapan.

“Walang dapat i-esplika sa akin si direk Bobet. Wala siyang dapat sabihin sa akin, o ipaliwanag.

"Kasi kaming dalawa, alam naman naming dalawa ang totoong nangyayari.”

Sinagot din ni Vice ang isyu na diumano’y may iringan daw siya sa ibang co-hosts ng Showtime.

“Yung sinasabi nila na mahirap daw akong katrabaho, na kaaway ko ang buong pamilya ng Showtime, hindi rin ako ang dapat magpaliwanag diyan kasi magmumukhang sinasalba ko ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanungin n’yo si Anne [Curtis], si Vhong [Navarro], sina Kuya Kim [Atienza], at ibang kasamahan ko.

“Naging pabigat ba ako sa kanila, nag-aaway ba kami? Nagkaroon ba kami ng problema?

"Kapag nasagot nila ‘yan, nasagot ng mga kasamahan ko at nasagot ni Direk Bobet, tapos na ang isyung ito.”

I AM HURT! Inamin naman ni Vice na dahil sa mga naglabasang isyu ay hindi rin niya maiwasang masaktan.

“Nasasaktan ako.

"Siyempre, napakaipokrito ko namang magsalita kung sasabihin ko na hindi, hindi ako nasasaktan.

“Masyado naman akong nagtitigas-tigasan.

"Pero wala akong magagawa kung hindi piliin ko na lang na maging positibo sa likod ng mga bagay na ito.

“Nasasaktan ako, pero hindi yun dahilan para mabawasan ang ngiti ko," saad niya.

Nagpadala naman ng statement ang pamunuan ng It’s Showtime at sa statement na nabanggit ay nakasaad na hindi totoong nag-resign si Direk Bobet.

Nagkaroon lang daw ang direktor ng Holy Week break habang si Vice naman ay nagkaroon ng series of shows sa Middle East.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN