Lovi Poe hopes to work again with Nora Aunor after Thy Womb; refuses to confirm love scene with Bembol Roco in the movie

"Of course! I’m more than willing! Pinapangarap ng lahat ng tao na makasama siya. Nakakakaba lang, kasi sobrang... we all know," says Lovi Poe pertaining to how brilliant an actress Nora Aunor is when asked if she’s willing to do a movie again with the Superstar.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Lovi Poe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos niyang bumalik sa Manila mula sa isang linggong pamamalagi sa Bongao, Tawi-Tawi para sa shooting ng Thy Womb.

Kasama si Lovi sa major support cast ng pelikulang pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor sa direksiyon ng Cannes award-winning filmmaker Brillante Mendoza.

Ginagampanan ni Lovi sa pelikula ang papel ng isang dalagang Badjao; mag-asawa naman sina Nora at ang veteran actor, Bembol Roco.

Sandaling nagpaunlak ng panayam ang young actress ng primetime GMA-7 drama series na Legacy bago siya tuluyang umalis ng NAIA.

Kinumusta ng PEP ang pakikipagtrabaho niya kay Nora.

"Na-starstruck ako!" nakangiting sambit ni Lovi.

Pero sa inteview ng PEP, humingi ng paumanhin si Lovi.

"Sorry ha, we had the ano [agreement], e, na hindi pa puwedeng magkuwento [tungkol sa istorya ng pelikula].

"I can’t share anything, e. I was told lang, e. Basta wait for it na lang," aniya.

Pagkatapos ng kanilang proyekto, gusto pa ba niyang makatrabaho ulit si Nora?

"Of course! I’m more than willing!

"Pinapangarap ng lahat ng tao na makasama siya.

"Nakakakaba lang, kasi sobrang... we all know [how good an actress she is]," saad pa ni Lovi.

LOVE SCENE. Hinggil sa naging sitwasyon ng shooting, sa malayong isla ng Tawi-Tawi, naging maayos naman daw ang lahat para sa young actress.

"They made me feel comfortable naman. I stayed there for a while lang.

"Konti lang ang mga scenes ko," sabi ni Lovi.

Pero hindi siya nanghihinayang dahil ang mga eksena niya ay pawang kasama sina Nora at Bembol.

May love scene daw sila ni Bembol sa pelikula?

"Secret!" natawa si Lovi, tanda rin ng pagsang-ayon niya.

LOVELIFE. Ayon kay Lovi, loveless daw siya sa kasalukuyan.

"Wala, wala... wala muna," paulit-ulit niyang pagtukoy hinggil sa estado ng kanyang buhay-pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga ulat na nag-uugnay pa rin sa kanila ni Ronald Singson. Pero mariin ang pahayag ni Lovi hinggil sa kasalukuyan niyang status, relationship-wise.

"Wala. I’m happy like this na lang. Happy ako," sabi niya.

RECORDING. Pagkatapos ng mga eksena niya sa Thy Womb, wala pang ibang pelikulang gagawin si Lovi.

"Another movie... soon, but focus muna po ako sa Legacy," banggit din niya sa kanilang serye.

"Enjoy ako sa Legacy..."

Ang bago rin kay Lovi, susubukan daw niyang mag-record ng kanta.

"Soon... soon," masayang pagkumpirma pa niya.

MULTI AWARD-WINNING ACTRESS. Bilang young actress, isa sa naging pinakamapalad si Lovi.

Maaga siyang nabiyayaan ng sunud-sunod na parangal sa pagganap.

Bilang artista, naging bentahe ni Lovi ang pagiging anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

Pero hindi naging madali kay Lovi ang magkaroon ng totoong pagtanggap sa larangang kinabilangan.

"You know, kahit masakit man na nawala dito yung dad ko, I think yun naman ang reason kung bakit wala siya rito.

"Hindi naman ako makakaarte, hindi ako makakaiyak kung nandito pa siya, e.

"’Yun naman ang rason kung bakit ako may sadness, gano’n.

"Now, I think, I can say I have found my happiness.

"Happy ako, I mean, there are some things that I do dahil seryoso ako sa craft na ito when it comes to acting.

"I’m glad na naa-appreciate yun.

"So I dedicate my awards sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Na nagpasaya sa akin... nagpaiyak...

"Hindi mangyayari ang mga ito kung hindi dahil sa kanila," makahulugang sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN