Dingdong Dantes on reported second movie with Star Cinema: "The moment the film rolls, that’s the best confirmation you can get for it.”

Dingdong Dantes will be busy this year doing films. He just finished The Aswang Chronicles and he is currently shooting the Kimmy Dora sequel. There is also talk that he will do another film with Star Cinema.


Nahinto ang taping ng second unit ng GMA-7 primetime series na My Beloved kahapon, April 23, dahil hindi na kinaya ng lead actor ng serye na si Dingdong Dantes ang sama ng kanyang pakiramdam.

Ayon kay Dingdong, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong araw na ito, April 23, matindi ang sipon niya at bumaba rin ang resistensiya niya kaya minabuti niyang ipahinga muna ito.

“Sipon lang naman kaya lang medyo humina rin yung resistensiya dahil na rin siguro sa pagda-diet,” sabi ng Kapuso actor.

Pero habang kausap namin si Dingdong ay okey na raw siya at nakapagpahinga na rin sa bahay.

Kaya naman papunta naman daw siya sa shooting ng pelikulang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, ang sequel ng pelikulang pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Napag-alaman din ng PEP kay Dingdong na siya lang ang na-pack up sa taping kahapon at hindi ang girlfriend na si Marian Rivera. Ito ang dahilan kaya hindi rin siya personal na naasikaso ng aktres.

“Tuloy-tuloy siya sa taping. Ako lang ang na-pack up.

“Unfortunately, medyo nagkakausap lang kami sa telepono,” sabi ni Dingdong.

Kung si Dingdong ay nagsu-shooting para sa Kimmy Dora ngayong araw na ito, si Marian naman ay unang araw ng taping niya para sa bagong sitcom sa GMA-7—ang Tweets For My Sweets.

DINGDONG IN MALAYSIA. Sa Huwebes, April 26, nakatakda namang umalis si Dingdong papuntang Malaysia para sa promo ng soap opera nila ni Marian noong 2010 na Endless Love. Kasalukuyan itong ipinapalabas sa Malaysia at naka-dub sa Bahasa.

Masasabing sikat sina Dingdong at Marian ngayon sa Malaysia at marami ang nagkakagusto sa tambalan ng dalawa.

Bago ang Endless Love, nauna munang ipinalabas doon ang una nilang pinagsamahang serye na Marimar.

Sa Linggo, April 29, pa raw ang balik ni Dingdong sa Pilipinas.

Ano ang pakiramdam na ang daming nagre-request at nag-aabang sa pagdating nila sa Malaysia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, “Ako, proud ako that I represent GMA Kapuso shows in general.

“Pupunta ako doon with all pride na yung mga Kapuso shows na tinatangkilik nila.”

Nakapunta na rin daw noon sina Dingdong at Marian sa Malaysia pero ito ay noong bago pa lamang ipalabas ang Marimar doon.

Kuwento ng aktor, “Noong Marimar nagpunta kami, pero that time, ilu-launch pa lang ang show, yung Marimar.”

Ano ang pakiramdam na sikat pala sila sa Malaysia?

“Well, siyempre, very proud,” sambit niya.

“Kasi minsan, marami pang effort para makilala lalo na sa ibang bansa.

“Noong ginagawa naman natin ito, hindi naman natin iniisip that could reach that fame.

“Nakakatuwa lang din isipin na pareho pala ng taste din sa mga palabas o gustong panooring shows ang neighboring countries.”

Excited na rin si Dingdong na makabalik ng Malaysia para makita at mapasalamatan ang mga sumusuporta at tumatangkilik sa kanila doon.

Yun nga lang, sa pagkakataong ito, hindi niya makakasama si Marian sa pag-alis.

“Medyo busy kasi siya ngayon dahil sa kanyang bagong show.

“Mas masaya sana kung kasama si Marian. Pero at least, kahit isa sa amin makakapunta, mas okay pa rin.”

ANOTHER STAR CINEMA MOVIE? Mukhang ang 2012 ay magiging taon ng pelikula para kay Dingdong.

Bukod sa Part 2 ng Kimmy Dora, na kasalukuyan niyang sinu-shoot kasama si Eugene Domingo, natapos na ring gawin ni Dingdong ang The Aswang Chronicles na pinagbibidahan niya at isa rin siya sa mga producer.

Naibalita na rin ang paggawa muli ng pelikula ni Dingdong sa Star Cinema pagtakatapos ng Segunda Mano nila ni Kris Aquino.

Ayon sa balitang lumabas, ang makakasama raw ni Dingdong sa ikalawa niyang proyekto sa film arm ng ABS-CBN ay ang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.

Ididirek daw ito ni Ruel Bayani na direktor ng blockbuster movie na No Other Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Napag-alaman din ng PEP na ang magiging titulo ng pelikula ay In Love We Trust at ang target playdate daw nito ay sa November 14.

Nang tanungin ng PEP si Dingdong tungkol sa nababalitang pelikulang ito, ang tanging naisagot lang ng aktor ay:

“For me, the moment the film rolls, that’s the best confirmation you can get for it.”

Obviously, ayaw pang mag-elaborate ni Dingdong tungkol sa nababalitang pelikula niya sa Star Cinema hangga’t hindi pa siguradong nagsu-shooting na nga sila.

Pero tinanong pa rin namin si Dingdong kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling makasama niya sa unang pagkakataon ang dating Kapuso na si Angel Locsin. Si Angelica kasi ay nakatrabaho na ni Dingdong sa Segunda Mano.

Ayon kay Dingdong, “Para sa akin, I just take it as a blessing. It’s a seldom opportunity given to anyone.

“For me, there’s nothing wrong with it. I just wanna work and that’s all.”

ASWANG. Napag-usapan din namin ang tungkol sa pelikulang The Aswang Chronicles na co-produced ng film production ni Dingdong na Agostodos Pictures; kasama ang Reality Entertainment, Mother Ship, at Post Manila.

Ipinagmamalaki talaga ni Dingdong ang pelikula na noong isang taon pa niya sinimulang gawin at sa Oktubre ng taong ito ipalalabas.

“Definitely, hindi siya pang-filmfest. Ito yung original story talaga ni Direk Erik Matti.

“Sa October ang playdate ng movie pero ngayong May, maglalabas kami ng comics ng The Aswang Chronicles,” banggit pa niya.

Nasa 80 percent na raw ang post-production ng pelikula. At base sa mga nakita at napanood na ni Dingdong, masasabi raw niyang maganda at kakaiba itong talaga.

“Sobra! Better than what I expected,” sambit niya.

“Talagang kakaiba yung kagalingan ng mga artists.

“First in Philippine history na full-length chrome. Dito lang sa Manila ginawa ang post-prod.

“They want to introduce new technology, yung Mother Ship and Post Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang daming effects. Ang importante, breakthrough ito lalo na sa mahilig sa mga special effects.”

Four months umabot ang kabuuang shooting ng pelikula at umabot ng isang taon ang post-production nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN