PEP EXCLUSIVE (Part 4) Nadia Montenegro still believes in justice

Nadia Montenegro says even if the child abuse case has been dismissed, Annabelle Rama’s camp shouldn’t rejoice just yet.

"Hindi pa tapos ‘to," the former actress adds.


Bagamat na-dismiss ang child abuse case na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama, hindi pa tapos ang kanilang labanan.

Walo ang kasong isinampa ng kampo ni Nadia, at limang kaso—libel, falsification of documents, oral defamation, at unjust vexation—ang naghihintay pa ng resolusyon sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Tatlo naman dito ay isinampa sa San Juan Prosecutor’s Office—ang grave oral defamation, attempted murder, at grave coersion.


Samantala, ang attempted kidnapping na reklamo ni Annabelle sa Quezon City Prosecutor’s Office at ang theft na isinampa nito sa San Juan Prosecutor’s Office ay na-dismiss din.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia at ang abugado nitong si Atty. Marie Glenn Abraham noong Lunes, Abril 23, sa isang restaurant sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Unang kinuwento ni Nadia kung bakit niya napagdesisyunan na dalhin sa korte ang iringan nila ng talent manager.

“Let me explain muna the showbiz side, ha. Sa showbiz kasi hindi sila sanay.

“Ang gusto nila, ‘baboy ka!’ ‘mas baboy ka!’ ‘tarantado ka!’ ‘mas tarantado ka!’ ‘yon ang gusto kasi ng mga viewers at ng mga tao sa showbiz, e, sanay sila sa gano’n.

“Tell me, is there anyone who ever fought Annabelle that way? I am not gonna be the first," sabi ni Nadia.

“For me to explain—oo, tama, nagbunga na lang—kasi ang ginagawa ko ‘yong tama.

“When you do something right, might as well do it the right way.

“Kumbaga, I’m doing it the right way [so I] might as well do it well...

“I’m not gonna fight the way she does, no way!

“Hindi ko ihihiya ang mga magulang ko, o mga anak ko na gano’ng laban.

“Madali, masarap sana kung gano’n na lang, isang round ng boxing na lang, gano’n di ba? Talakan tayo kung sino ang nagsasabi ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No! Nagbunga nang nagbunga dahil ginagawa namin ang tama," sabi ni Nadia.


LAWYER EXPLAINS. Ipinaliwanag naman sa amin ni Atty. Abraham kung paano umabot sa walo ang mga kasong isinampa nila laban kay Annabelle.

“Actually ‘yon nga, nag-start naman siya sa child abuse case.

“Kaya lang, she reacted differently with that.

“A, the usual scenario kasi when filing a case, every allegation against the defendant, ilalagay mo sa pleading mo," paliwanag ni Atty. Abraham.

“But on her part kasi, what she did, she tweeted ‘yong mga reactions niya, she’s defending herself, sinasabi niya sa Twitter, ’tapos nagpa-interview siya.


“Ang medyo mali pa do’n is, she made defamatory statements na hindi naman talaga konektado do’n sa kaso.

“Kasi ‘yong mga tweets niya at that time, mayro’n tungkol sa bahay ni Nadia, ‘yon daw mga pinalayas sa bahay, ‘yong mga utang, ‘yon ‘yong mga ano," aniya.

“So, makikita natin na hindi talaga ito related do’n sa child abuse, kaya ‘yong sinasabi nila na konektado daw ‘yong libel cases sa child abuse, hindi.


“Kasi hindi naman talaga konektado ‘yong mga tweets niya do’n sa child abuse, kundi mga personal attacks kay Nadia at sa pamilya niya.

“So, of course [we] look after the interest of Nadia and the family, we filed a case for libel, and ito naman [ay] pinaboran ng Office of the City Prosecutor ‘tsaka ‘yong 14 kaso ng libel na isinampa sa Office of the Prosecutor.

“Tapos ‘yong sa falsification, hindi naman mangyayari ‘yon kung hindi siya nag-submit ng dalawang contract sa GMA regarding do’n sa dalawang anak ni Nadia," sabi ni Atty. Abraham.

Ang tinutukoy ng abugado ay ang mga batang anak ng kanyang kliyente na sina Ayisha at Sofia.


A DIFFERENT STORY. Nabanggit na rin ang libel case, inalam namin ang kanilang reaksiyon sa sinabi ng mga abugado ni Annabelle tungkol sa naturang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ipinadalang statement ng legal counsel ni Annabelle na sina Atty. Connie Aquino at Atty. Howard Calleja:

“With regard to the libel cases still pending, it is likewise our client’s right to file the proper motion for reconsideration with regard to the said cases. However, we would like to reiterate that the said libel charges are merely an offshoot of the principal case for child abuse. And now that the principal case has been dismissed, we are confident that these charges will likewise be eventually dismissed.”

(CLICK HERE for related article)

“Siyempre, mina-mind set na lang din nila, e,” bulalas ni Nadia Montenegro.

“Even Annabelle’s and Ruffa’s interviews are the same now, ‘E, kung hindi naman niya siniraan ang mommy do’n sa child abuse walang libel,’ ha?" dagdag ng dating aktres.

Para naman kay Atty. Abraham, nirerespeto niya ang opinyon ng mga abugado ni Annabelle.

Ngunit pagdidiin niya, bagaman na-dismiss ang child abuse case, hindi raw ibig sabihin na malaki ang posibilidad na ma-dismiss din ang isinampa nilang libel case.

“On our part kasi ‘yon nga, ‘yong kaso namin sa libel, kung makikita mo ‘yong 14 counts na ‘yon—it’s 11 counts for the tweets and 3 counts for the interview.

“So, ‘yong 11 tweets na subject ng libel case, walang na-mention do’n regarding child abuse," paliwanag ng abugado.

“‘Tsaka ‘yong mga tweets niya, kaya nga sinasabi namin na itong mga tweets na ‘to are attacks on Ms. Nadia Montenegro, kasi ang sinasabi niya ‘yon nga, ‘yong mga tweet na ‘piggy,’ ‘yong mga ‘pinalayas sa bahay,’ may mga utang daw na hindi binayaran.

“Itong mga bagay na ‘to ang layo niya sa case na child abuse, at ang layo niya as defense do’n sa child abuse.

“Paano natin masasabi na konektado ‘yon sa child abuse, that the dismissal of child abuse will be tantamount to the dismissal of the libel case?” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FALSIFICATION CASE. Bukod sa kasong libel, isa pang kasong isinampa ng kampo ni Nadia laban kay Annabelle ay ang falsification of documents.

Unang dahilan daw nito’y nuong maging limang taon ang dating tatlong taon lamang na kontrata nina Ynna, Anykka, at Alyanna Asistio.

Ang isa pang dahilan ay nang bigla raw magpasa ng kontrata si Annabelle sa GMA-7, na siya ang manager ng dalawa pang anak ni Nadia na sina Ayisha at Sofia.

Kuwento ni Nadia, “I tweeted... I tweeted, I said, ‘I’m excited for Ayisha’s taping, this is for Daldalita, and Sofia’s fashion show at MOA.’

“The next morning, she sent a contract to Annette Gozon na siya [Annabelle Rama] raw manager ng dalawa, paano nangyari ‘yon?

“Paano nangyari ‘yon—she faked my signature?" ayon pa kay Nadia.

“Until now she doesn’t want to release the original copy raw.”

Isinampa nila ang kasong ito matapos ang pagsasampa nila ng libel case, at lahat daw ng sinabi niyang ito’y nakasaad sa affidavit na kanilang isinumite.

Ayon kay Atty. Abraham, kasalukuyan pang naka-“suspend” ang naturang kaso.

Kasalukuyan pa raw nasa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dokumentong na-“falsify” umano ni Annabelle.

Binanggit din ni Nadia na “panggulo” raw ni Annabelle sa kanya ang ginawa nito, upang malihis ang isyu.

Dagdag pa niya, sa likod umano ng mga paninira ng talent manager sa kanyang mga anak, nakakakuha pa raw ito ng komisyon sa mga ginagawa nilang proyekto.

“Yes, she’s the one who breached the contract. [To] this day, lahat ng paninira niya sa mga alaga niya, kumikita pa rin siya," sabi ni Nadia.

“We don’t have copies of any contract.

“Ayaw niya kaming bigyan, kahit wala pang gulo humihingi na kami no’n," aniya.

Bagamat na-dismiss na ang isang kasong isinampa ng kampo ni Nadia, hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ang message ko, ‘wag muna kayo mag-rejoice kasi, like what she said, professional na siya sa mga kaso-kaso.

“‘Yon ang point ko, sobrang sanay na raw siya sa mga kaso, 50 pesos lang daw ang pag-file, napakadali daw, 20 years lang daw kami magkikita, parang ano ‘yon, judge siya? Alam na niya lahat?

“Kasi ako, this is the first case I’ve ever had in my life, and I still believe in the justice [system].

“I believe talaga na hindi pa tapos ‘to," ang sabi ni Nadia.

(CLICK HERE to read part 5)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN