PEP EXCLUSIVE (Part 5) Nadia Montenegro says she will no longer exchange words with Annabelle Rama

Nadia Montenegro has decided to stop giving interviews. “I don’t need to keep talking on TV for people to believe me. I really don’t, hindi ko kailangan ‘yon e,” she explains.


Noong Disyembre 19, 2011, matatandaan na nagsampa ng reklamong theft si Annabelle Rama laban sa ina ng kanyang tatlong talents na si Nadia Montenegro.

Si Annabelle ang talent manager ng mga anak ni Nadia na sina Ynna, Anykka, at Alyanna Asistio.

Matagal na umano niyang sinisingil si Nadia sa mga kinuha nitong kasangkapan sa kanyang storage sa Barangay Batis, San Juan.

Ayon sa affidavit na isinumite ng talent manager sa San Juan Prosecutor’s Office, bukod sa hiniram nitong sofa set, kinuha rin daw ni Nadia ang 10 antique accent chairs, 65-inch Sony TV, designer frame set, accent table, three beds with headboard and mattresses, antique cabinet, at isang set ng BelKraft stainless steel pots and pans.

(CLICK HERE for related article)

Isinalaysay sa amin ni Nadia ang bersyon niya sa pangyayaring ito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, Abril 23, sa isang restaurant sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Natatawa ang dating aktres sa naging takbo ng pangyayari. At nanindigan din siya na walang pagnanakaw na naganap.

Inayunan ng prosecutor ng San Juan ang kanyang depensa dahil na-dismiss na ang reklamo noong nakaraang linggo.

Heto ang kuwento ni Nadia:

“Okay ganito ‘yan. Palipat ako sa Ayala Heights, two years ago and then she has this storage on Quezon Avenue...

“She asked me, ’Day, lilipat ka naman, ang laki-laki ng bahay mo. Ang dami kong gamit sa storage, kailangan end of the month wala na akong gamit do’n dahil ang laki-laki ng binabayaran kong renta do’n. Magdala ka ng sarili mong truck.’

“Sabi ko, ‘Sige Tita magdadala ako. Nakapamili na ako ng bagong dining [set], bagong living room [set], bagong kama,’ sabi ko.

“[Tapos sabi niya], ‘Ganito na lang, mayro’n akong leather na sofa do’n, kunin mo.’

"Sabi ko, ‘Sige, ‘ta, kunin ko punta na ako do’n mamaya mga eleven.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating niya sa warehouse, nakuha na raw ni Miriam Quiambao ang black leather sofa.

At nang nagkausap sila ni Annabelle sa cell phone, ‘’‘Day, sorry, ‘Day naunahan ka pala ni Miriam,’ ‘yon lang....

"‘Okay lang ‘ta,’ sabi ko, tutal hindi ko na kailangan na rin dahil kumbaga ‘yong sofa na lang ang pupuwedeng magkasya. Uwi na ko.’

“Sabi niya, ‘Ay, ‘wag, ‘day! Sayang ‘yong truck mo, may TV akong malaki diyan kunin mo. Pagawa mo na lang kasi sira ‘yan, diyan kami nanonood ng mga Pacquiao nila Tito Eddie mo.’

"‘Sige, Tita, thank you, thank you sobra!’"

Aalis na sana si Nadia, pero hinabol siya ng tao ni Annabelle na si Mang Rudy, na nagsabing, "Ma’am kuha ka pa kasi kailangan matanggal na lahat ‘to."

"Sabi ko, ‘Mang Rudy, sa’n ko lalagay ‘yan, e, may kama na ko. Kumpleto na ko, ganyan, ganyan.’

“Kinuha ko, candlestick holder, mayro’n siyang blue lamp shade na cute na cute ako, ‘di kinuha ko.

“’Tapos may nagustuhan akong sobrang gandang portrait na etching steel. Sabi ko, ‘Pwede ba ‘to?’ Sabi niya, ‘Kunin mo na lang ‘yan, kunin mo na lang ‘yan.’

“’Tapos kukunin ko sana, lalagay ko sa sala namin, pagkakita ko, e, mukha pala ni Richard Gutierrez ‘yon sa Mulawin nakaukit. ‘Tita, balik ko na lang sa’yo ‘to.’

"Kasi ano namang gagawin ng mukha ni Richard sa sala ko? Sabi niya, ‘Sige ‘Day.’”

Dagdag pa ni Nadia, pumunta pa umano ang talent manager sa kanilang bagong bahay at tumulong na mag-ayos ng kanilang mga gamit.


HOSPITAL BED. Isa pang isyung ibinabato ni Annabelle kay Nadia ay ang pagbebenta raw nito ng kanyang hospital bed.

Ayon kay Nadia, nagwala raw si Annabelle nang mapag-usapan ang naturang hospital bed nang magkaharap sila sa San Juan City Prosecutor’s Office nitong Enero 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Annabelle, “Fifteen thousand ko nabenta, binigay ko sa kanya, nakatulong pa nga ako.

“Wala akong natatanggap na pera sa kanya! Fifteen thousand? E, bago pa ’yon, P48,000!

“Hindi ko pa nga nagamit nung magkasakit ako nun, sinungaling siya!”

(CLICK HERE for related article)

Natawa si Nadia nang ikuwento niya kung paano napunta sa kanya ang hospital bed ng talent manager.

“I saw this hospital bed, may hospital bed do’n...

“I have a classmate who flew in from New York because her mother was dying [and] just came out of the hospital.

“Kami pa nga ‘yong nag-asikaso do’n sa nanay niya while she’s not yet around. Sabi ko sa friend ko, ‘Janelle, there’s a new hospital bed here that hasn’t even been used, do you think we need it for Tita?’

“Kasi she’s dying na, lilipat na namin sa Eastwood, so we needed a hospital bed, I even got two nurses for my friend.

“Sabi niya, ‘Sige, sige.’ Sabi ko, ‘Sige I’ll get this na,’ ‘Tita [Annabelle], magkano ang hospital bed mo?’

"Sabi niya [Annabelle], ‘Sige, ‘day, 15 thousand na lang ‘yan,’ ‘Kunin ko na,’ ‘ka ko. I paid her in cash.

“Kaya ‘yong sinasabi niyang binenta ko, hindi ko binenta, binili ko para sa friend ko.

“Tapos ang nangyari, siya nag-ayos ng gamit sa bahay, ganyan, ganyan. After two years, I became a thief.

“‘Yon lang, gano’n kasimple ‘yon. Naging magnanakaw ako after two years. ‘Yon lang, gano’n ka-pathetic ‘yon.”


UPDATE. Dahil nga sa pagkaka-dismiss ng kasong ito, magpa-file ng motion for reconsideration ang kampo ni Annabelle, ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Connie Jimenez, na kinontak na ng PEP para hingan ng statement.

Magkakaroon din daw si Annabelle ng interview sa The Buzz, kung saan sasagutin nito ang mga paratang ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, kailangan namang mag-post ng bail na nagkakahalaga ng 6,000 pesos at 12,000 pesos ang talent manager para sa mga kasong grave oral defamation at grave coersion.


DAISY ROMUALDEZ. Sa panayam namin kay Nadia, nilinaw din namin ang paratang ni Annabelle na magkasabuwat umano sila ni Daisy Romualdez.

Sinabi ni Annabelle sa aming eksklusibong panayam sa kanya ng PEP noong nakaraang linggo, “Silang dalawa ni Daisy Romualdez ang nagplano nito, e…



“Pero nung tinanong ko si Danita [Paner], si Danita nag-deny sa ‘kin.

“Sabi niya, ‘Hindi ako sumusuway sa ‘yo, ha, kasi nasama akong princess sa TV5. Nung pumasok ako sa showbiz, tatlo agad show ko, Tita. Akong mag-renew sa iyo…”

(CLICK HERE for related article)

“No,” ang mabilis na sagot ni Nadia nang tanungin namin kung magkasabuwat nga ba sila ni Daisy Romualdez sa mga kasong isinampa nito laban sa talent manager.

“I’m a 40-year-old woman with eight children and Boy Asistio’s my partner, do you think anyone can dictate to me?

“I don’t think anybody can tell me what to do at this point.

“I mean, I admire Tita Daisy.

“[But] whatever they have to deal with, that’s a different story.

“Iba ‘yong pinag-awayan nila, tanungin mo si Tita Daisy kung ano ginawa niya kay Danita [Paner] para di ba? Iba ‘yon.

“...Matagal na ‘tong amin nang magkaaway sila, di ba?”

Buwelta pa ni Nadia sa sinabi ni Annabelle na marami raw tumutulong sa kanya, kabilang umano ang dating amiga ni Annabelle na si Amalia Fuentes.

“This is so different from what happened... ‘yong ginawa niya kay Tita Amalia,” pagtanggi ni Nadia.

“Wala ako do’n, wala ko sa wake, hindi ako ‘yong nagsuot ng pula, hindi ako ‘yong nagpunta do’n, hindi ako ‘yong nagtu-tweet kay Tita Amalia four days before the wake na pupunta ako do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, come on, wala ko do’n, ano kinalaman ko do’n?

“Sabi niya maraming tumutulong sa akin. E, sa tingin mo walang tumutulong sa kanya kung bakit na-[dismiss] itong child abuse ko?”

GAG ORDER. Kaugnay ng patuloy na patutsada ni Annabelle kay Nadia, pinaplano nilang mag-request ng gag order.

Ayon sa abugado ni Nadia na si Atty. Marie Glenn Abraham, “We get the gag order in court kasi.

“Preliminary investigation pa lang kasi tayo sa City Prosecutor’s [Office].

“Actually, ang plano talaga do’n is of course hopefully, ah, ma-grant yung motion for reconsideration at mapa-sampa na sa korte.

“Talagang magre-request kami ng gag order, kasi it includes women, especially minors and very sensitive issues doon sa kaso.

“We can even ask the court to [do] the hearing ’in chambers,’ for the public to be excluded, lalong-lalo na do’n sa time na yung mga bata na yung magte-testify.

“So do’n namin gagawin lahat ‘yong ano.

“Kung gusto naming ipalabas ’to, or i-sensationalize, hindi namin i-e-exclude ang public, hindi kami magpapa-gag order.

“Hopefully when these things will be filed in court na, do’n namin gagawin ‘yong mga bagay na ito to protect also ‘yong testimony ng mga bata.”


NO MORE TALK. Kaugnay ng planong pagre-request nina Nadia ng gag order, aming tinanong kung marami pang palitan ng salita ang maaasahan namin sa kanila ni Annabelle.

“No more,” bulalas ni Nadia.

Paliwanag niya, “Like what I said, you’re gonna be the last interview that I’m gonna do.

“I don’t need to keep talking on TV for people to believe me. I really don’t, hindi ko kailangan ‘yon, e.

“Kasi sana noon pa ko nagsalita sa lahat ng alam ko tungkol sa kanila, pero hindi ganun na laban ang gusto ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ipapahiya ang magulang ko, ang pinaghirapan ng magulang ko, lahat ng butil ng pawis ng magulang ko para ipadala ako sa eskwelahan at matuto, na lalaban lang pala katulad ng taong ‘to.

“Hindi ako ganun kababa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN