Former child actress Ella Guevarra gets to visit New York because of Graceland; happy for fellow StarStruck Kids alumna Bea Binene

Ella Guevarra on fellow StarStruck Kids graduate Bea Binene: “Kahit po hindi kami naging close ni Bea, kapag nagkikita naman kami ay nagbabatian kami. Never kasi kaming nagkaroon ng chance na magkatrabaho. Kahit na noong mga bata pa kami, magkaiba ang mga shows namin. Maganda po ang build up sa kanya ng GMA-7 at sana ay tuluy-tuloy ang pag-angat niya."


Kabilang sa ipinapalabas ngayon sa Tribeca Film Festival sa New York City ay ang pelikulang Graceland na idinirek ni Ron Morales.

Kasama sa cast ang dating child actress ng GMA-7 na si Ella Guevara.

Bukod kay Ella, nasa cast din ng Graceland sina Arnold Reyes, Leon Miguel, Menggie Cobarrubias, Archie Adamos, Anggie Ferro, Dido dela Paz, Angeli Bayani, at Marife Necesito.

Ang Graceland ay tungkol sa isang driver na si Marlon Villar (Arnold) na matagal nang nagtatrabaho para sa isang corrupt politican na si Manuel Chango (Menggie).

Sa isang lakad ng anak ni Chango, isinama ni Marlon ang kanyang anak na si Elvie (Ella) na siyang na-kidnap sa isang ginawang ambush imbes na ang anak ng kanyang amo.

Dito na nagsimula ang maraming gulo at pagbabago sa buhay ni Marlon at ng kanyang anak.

Masayang-masaya si Ella dahil nakasama siya sa pelikulang ito.

Nag-audition daw siya para sa role ni Elvie sa tulong ng former beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

Kuwento ni Ella sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Tita Maribel po ang nagsabi sa amin na mag-audition ako para sa movie na ito.

“May plano raw na ipalabas ito sa mga film festivals abroad.

“Ako po yung huling nag-audition para sa role.

“Natuwa naman po ako na ako ang napili para sa role na Elvie na siyang na-kidnap sa istorya.”

GRACELAND IN TRIBECA. Hindi raw inaasahan ng mga gumawa ng Graceland na isa ito sa mapipili para maipalabas sa Tribeca Film Festival sa NYC.

More than 3,000 entries daw ang isina-submit sa naturang film festival at ilan lang ang pinipili nila.

Masuwerte at napasama sa final list ang Graceland; kasama ng documentary film na Don’t Stop Believin’: Everyman’s Journey na tungkol sa Journey lead vocalist na si Arnel Pineda.

Ayon pa kay Ella, “Natuwa po kaming lahat kasi isa kami sa napili out of so many entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkaroon po tuloy ako ng chance na makapunta sa isang malaking red-carpet event.

“Kasama ko po pumunta doon ang director naming si Ron Morales, ang ibang cast members, at ang production crew.

“Full force po kami sa festival.”

Marami ring dumalong Hollywood celebrities sa red carpet at sa pictorial for Tribeca Images for Getty, ’tulad ng stage and film actor na si Danny Aiello (Moonstruck, Do The Right Thing), Chris Colfer (Glee), at Carter Jenkins (Valentine’s Day, Aliens In The Attic).

Kuwento pa ni Ella, “Sa red carpet po, si Danny Aiello ang nakasabay ko. Sa pictorial naman po si Carter Jenkins.

“Gusto ko po sanang ma-meet ng personal si Chris Colfer, kaso nakaalis na raw siya five minutes after I arrived.

“Sila Robert de Niro at George Clooney naman the next day pa dumating.

“Nakaka-excite po ang feeling kasi kasabay mo ang mga Hollywood celebrities na ito sa iisang event.

“Pareho kaming naglakad sa same red carpet at kinausap kami ng international press media.

“Hindi ako makapaniwala... dream come true po ito para sa akin.”

GOOD REVIEWS. Nakakuha ng magagandang reviews ang Graceland mula sa film critics na nakapanood nito sa naturang film festival.

Ayon kay Genna Terranova, Tribeca Film Festival (TFF) director of programming: “I think it can connect to its audience because it is a thriller and thrillers are immediately acceptable by the audience.”

Review naman ni Alex DiGiovanni ng Movie Buzzers: “Even though Graceland seems like it’s supposed to be one of those edge of your seat type thriller, I found it to be more like a guess game with a suspenseful backdrop.

“I say this because the movie is predictable to certain extent but, there are pieces of information missing or subtle things you need to pick up on that you are supposed to interpret in one way but are actually meant to be taken another way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Overall, Graceland is a solid caper that you should check off as one of your TFF films to see. [It is] a thought-provoking thriller that has earned the title a ‘Filipino gem’ in my book.”

Sobrang tuwa nga ni Ella dahil sa magagandang papuri na natanggap ng Graceland. May mga plano nga na dalhin ito sa ibang film festivals pagkatapos ng TFF.

Ayon sa dating child star, “Masayang-masaya kaming lahat kasi po marami ang nagulat na gawa ng mga Pinoy ang Graceland.

“Hindi nila ini-expect na gano’n tayo kagaling gumawa ng pelikula.

“May plans po na dalhin ang Graceland sa Montreal, Canada. Pati na rin po sa Berlin.

Sana nga po matuloy para makasama po ulit ako at makapag-travel ulit.”

TRIP TO NEW YORK. Sinamantala rin ni Ella ang kanyang pagpunta sa Big Apple. Pumasyal siya kasama ang kanyang amang si Dennis Guevara sa mga sikat na lugar sa New York.

Ilan sa mga pinuntahan nila ay ang Times Square, Central Park, Staten Island Cruise, The Statue of Liberty, M&M World, Hershey store, 30 Rockefeller Plaza, Lego World, NBC Building, Bloomberg Center, Radio City Music Hall, Bloomingdale’s, MoMA (Museum Of Modern Art). Nanood din sila ng Broadway play sa Memphis.

Pagbalik ni Ella sa Manila ay dala-dala niya ang mga magagandang memories ng kanyang first trip abroad.

“Nagpapasalamat ako kay Lord kasi nadinig niya ang prayers ko na one day makapag-abroad ako. Nataon pa na sa New York City pa Niya ako dinala.

“Nagkaroon pa ako ng chance na i-represent ang bansa natin sa pamamagitan ng pelikula naming Graceland.

“Sana po mapansin ang Graceland sa iba pang film festivals sa ibang bansa. Ipinagmamalaki namin ang gawa nating mga Pinoy.”

Baka nga raw bumalik sa U.S. si Ella dahil may mga nakapanood sa kanya sa Graceland na casting agents. May ilang agencies din daw na interesado sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun po ang mga nakarating sa amin. Nagpapasalamat naman ako na may nagkainteres sa akin.

“Depende po sa magiging schedule ko rito. Gusto ko rin pong sumubok na magtrabaho doon habang bata pa po ako,” saad niya.

STARSTRUCK KIDS. Si Ella ay naging first runner-up sa reality-based child star search na StarStruck Kids ng Kapuso network noong 2004.

Si Sam Bumatay ang nanalo sa mga batang babae, samantalang si Kurt Perez naman ang nanalo sa mga batang lalake.

Naging sunud-sunod ang TV shows ni Ella noon tulad ng Love To Love, Etheria, Encantadia, Darna, Impostora, La Vendetta, My Only Love, Asian Treasures, Totoy Bato, at Langit Sa Piling Mo.

Gumawa rin ng mga pelikula si Ella tulad ng Sigaw, Say That You Love Me, Ako Legal Wife, Mano Po 5, Hari Ng Sablay, at Babae Sa Sementeryo.

Nag-lie low si Ella sa showbiz nang nag-focus siya sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagtulong sa Philippine Red Cross.

Huling lumabas si Ella sa Pidol’s Wonderland sa TV5.

Nakasabay ni Ella sa StarStruck Kids ang sikat na tween star ngayon na si Bea Binene.

Masaya raw si Ella dahil nabigyan na si Bea ng malaking break ng GMA-7 via Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

“Masaya po ako para kay Bea. Magkasabay kami niyan sa StarStruck Kids.

“Kahit po hindi kami naging close ni Bea, kapag nagkikita naman kami ay nagbabatian kami.

“Never kasi kaming nagkaroon ng chance na magkatrabaho.

“Kahit na noong mga bata pa kami, magkaiba ang mga shows namin.

“Maganda po ang build up sa kanya ng GMA-7 at sana ay tuluy-tuloy ang pag-angat niya.

“Sana balang-araw ay magkatrabaho rin kami,” sabi ni Ella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN