Part 1. Sharon Cuneta says husband Kiko Pangilinan feels still unaccepted by her aunt Helen Gamboa and uncle Senator Tito Sotto

Sharon Cuneta on how her husband Senator Kiko Pangilinan consoles her everytime she remembers her feud with her Tita Helen Gamboa: “Niyayakap niya ako ’pag umiiyak ako. Ang lagi niyang sinasabi, ‘Lilipas din ‘yan, Sweetheart.’ Na parang, ‘Well, maybe they still can’t accept me.’ Yun ang sinasabi niya. Ang sakit, 16 years na kaming mag-asawa sa [April] 28.”


Nagliwanag ang mukha ng Megastar na si Sharon Cuneta sa press launch ng talk show niya sa TV5 na Sharon, Kasama Mo, Kapatid kahapon, Miyerkules, April 25, nang malaman mula sa veteran showbiz columnist na si Ronald Constatino na walang tampo o sama ng loob sa kanya ang dating movie queen na si Susan Roces.

Sa kalagitnaan ng emosyunal niyang paglalahad ng kanyang saloobin tungkol sa tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa at ang matagal nilang hindi pag-uusap ni Susan, lumuwag ang pakiramdam ng Megastar nang malaman nitong kaibigan pa rin hanggang ngayon ang turing sa kanya ng misis ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Nabanggit kasi ni Sharon ang pagkakaroon ng epekto sa kanilang pagkakaibigan ni Ms. Susan nang hindi ikinampanya ng Megastar si FPJ nang tumakbo itong presidente noong 2004.

Sa pagkakatanda ni Sharon, sinabi ni Ms. Susan sa isang interview niya noon na hindi raw sila close.

Mula raw noon ay hindi na sila nag-usap at wala ring pagkakataong mag-krus ang landas nila.

Ipinalagay na lang ni Sharon na may tampo nga sa kanya ang movie queen.

Pero nitong Miyerkules nga, sa presscon ng kanyang talk show, nalaman ni Sharon na itinuturing pa rin pala siyang kaibigan ni Ms. Susan.

“Super! Super! Talagang pupuntahan ko siya,” bulalas ni Sharon nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nabunutan ba siya ng tinik sa positibong balita tungkol sa kanila ni Ms. Susan.

“Sana mai-guest ko siya [sa show].

“Mahal ko siya, e. Kaya nga pati siya, ang tawag niya sa akin…

"Alam mo, nung namatay si Tito Ron [FPJ], nasa morgue ako kasama si Ate Susan Tagle, tinawagan niya siya [Susan], ’Nandito po si Sharon.’

"Ang unang nasabi niya sa akin pagkuha ko ng phone, sabi ko, ‘Mama..’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ‘Shawie, wala na ang Klatput [tawag ni FPJ kay Sharon] mo.’

“Yung very ano kami, we were like family.

"Best friend ko yun, e! Si FPJ.

“Sa kanya ako nagsusumbong. Parang pamilya talaga na ipaglalaban mo.

“’Tapos siyempre, ang sakit talaga. Gusto ko siya ikampanya, pero hindi ko magawa.”

First time ba niyang masaktan nang ganito dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamilya?

“Oo, super!

"Isa pa yun. Parang ang sakit din sa akin.

"Kasi minsan, hindi maiiwasan na minsan [may] labanan ng mga senador.

“Kunyari, parang may ayaw si Uncle Tito [Sotto] kay Kiko [Pangilinan],” pagtukoy niya sa kanyang tiyuhin at sa kanyang asawa na kapwa senador.

“Kaya lang, asawa ko yun. So, parang ang hirap ng sitwasyon ko.

“Ang feeling ko, parang ’pag nagku-comment yung iba, hindi nila iniisip. ’A, kung si Sharon ka nga naman, siguro ‘eto naman yung hirap na nasa gitna ka.’

“Parang walang nag-aaksaya ng panahon sa gano’n kasi parang feeling ko, iniisip nila, ‘Balimbing ‘yan kasi, in-offer-an ng ganito.’

“Mukha akong pera gano’n?” tumatawa nang paliwanag ni Sharon.

Ang tinutukoy ni Sharon dito ay ang pinagmulan ng hindi nila pag-uusap ng kanyang Tita Helen at asawa nitong si Senator Tito.

BLAME POLITICS? Marami ang naku-compromise na mga personal na bagay dahil sa pulitika?

“Oo... nakakainis, ano?" sabi ni Sharon.

"Ang daming kaibigan na ano… kaya nga kami ni Jinggoy... Sen. Jinggoy Estrada, medyo solid kami.

“If it’s Jinggoy himself na parang kahit no’ng Senate presidency, sabi niya, ‘Mare, sorry, hindi ko naboto si Pare [Kiko].

“’Kasi sinabi ko sa kanya na unless tumakbo si JPE [Juan Ponce Enrile]…

“Parang, ‘If JPE runs, I cannot give you my vote. Pero kung hindi, sa ’yo!’" pasintabi raw ni Jinggoy kay Kiko.

“It was very clear to me and I appreciated that. Yung tipong ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER COUSINS? Kumusta naman ang relasyon niya sa mga anak ng Tita Helen at Senator Tito niya?

“Up to now naman, kami nina Ciara, in touch. Everybody in the family.

“Hurt lang ako…yun lang ang ano ko na hindi ako nagmamalaki kay Tita Helen.

“Nahe-hurt lang ako dahil feeling ko, kasi lumabas pa doon na kasi inuna pa nila yung mga tumulong sa kanila.

“Di ba, gumawa pa ako ng commercial? ’Tapos, anak mo pa ako?’" pagtukoy niya sa campaign ad na ginawa niya noon kasama ang pamilya ng kanyang Uncle Tito.

“Yung parang, ‘Nalimot n’yo?’ Parang gano’n. Yung maliliit na bagay lang na hindi na dapat lumaki."

FOR MY HUSBAND. Patuloy ni Sharon, “I am very sorry, pero sometimes there are things na you have to stand up for, lalo kung asawa mo ang involved. Tatay ng mga anak ko yun.

"And I did not mean to bring it up para magkaroon ng issue.

“Ang liit ng sinabi ko para maging gano’n ang reaksiyon. Nagulat talaga ako!”

Ano ang reaksiyon ni Senator Kiko?

“Niyayakap niya ako ’pag umiiyak ako.

"Ang lagi niyang sinasabi, ‘Lilipas din ‘yan, Sweetheart.’

“Na parang, ‘Well, maybe they still can’t accept me.’ Yun ang sinasabi niya.

“Ang sakit, 16 years na kaming mag-asawa sa 28 [April],” banggit pa niya.

TWO-YEAR-OLD FEUD. Pag-amin pa ni Sharon, dalawang Pasko na raw silang hindi nag-uusap ng kanyang Tita Helen.

Gusto pa ba niyang tumakbo sa pulitika ngayong pati ang personal niyang relasyon sa mga kaanak ay naapektuhan?

“Umiinit na nga ang ulo ko. Sabi ko nga,’Ako na lang kaya ang tumakbo?’

“At least, kung anuman ang mangyari, masasabi ko sa sarili ko, ‘Ikaw kasi pumasok ka pa diyan!’” saad ni Sharon.

Papasok nga ba siya sa pulitika?

“Hindi!” mabilis na tugon ni Sharon saka sinundan ng malakas na halakhak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapagbitiw kasi ng statement ang Megastar na ayaw niyang maging corrupt.

“Hindi ko sinasabing lahat ng tao sa nasa politics, corrupt, ha?

“Ang inaano ko lang, marami... marami sa kanila.

"Hindi kasali si Kiko doon. Kaya nga abonado pa kami.

“Ibig kong sabihin… ako, how nice to say you’ll be more effective in that area, why not, di ba?

“Pero ang feeling ko naman, from this seat that you see [where I am now], mero’n akong mas million na mata-touch all over the world because TV5 will be going to North America this May.

“Parang mas gusto ko yung upuan ko. Mas marami akong mata-touch na mga buhay sa ganung paraan," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN