Part 2. Sharon Cuneta on possibility of her show being pitted against daughter KC’s: "Parang bastusan naman yun ‘pag anak ko."

Sharon Cuneta on possibility of her Kapatid show sharing the same timeslot with daughter KC Concepcion’s Kapamilya program: “You know, whatever it is, huwag sana. Huwag sana anak ko. Kahit pa sino. Kung si Juday [Judy Ann Santos], maiintindihan ko, or kung sinuman. Huwag naman si KC.”


Halos lahat ng isyung ikinakabit sa pangalan ng Megastar na si Sharon Cuneta ay napag-usapan sa presscon ng kanyang bagong TV5 talk show na Sharon, Kasama Mo, Kapatid, kahapon, April 25, sa bagong bukas na studio ng Kapatid network sa dating Delta Theater sa Quezon City.

Kapansin-pansin na sa tuwing may lalabas siyang malaking project, saka naman nagsusulputan ang mga malalaking issues tungkol sa kanya.

Ano ang masasabi ni Sharon dito?

“Ewan ko nga, e. Sabi ko nga kay Derek [Ramsay] kahapon, ‘Bakit ganun?" tanong daw niya sa bagong lipat din mula sa Kapamilya network na ngayon ay isa nang Kapatid.

“’Ang dami-daming lumilipat na nakailang istasyon na.

"Sabi ko, ‘Di ba, nakakagulat? Ako, nung lumipat ako, hindi ko ini-expect yung fallout.

“Bakit yung reaksiyon nila ganun? Kailan naman ako binansagan na balimbing na walang utang na loob?

"Di ba, ako na nga yung kilalang may values na gano’n?

“’Tapos si Derek na ubod nang tino, isa pa. Yung paglipat dito, ganun din.

“’Tapos yung iba, ang dami namang nagsilipat, wala namang reaksiyon yung iba, di ba.

"’Hindi kaya dahil tayong dalawa may konting importansiya tayo?’” pahayag daw ng Megastar kay Derek.

Hindi kaya galing din ang mga paratang sa dating network na pinagsilbihan niya ng maraming taon?

Sagot ni Sharon, “Alam mo, ayokong isipin.

"Hindi naman imposible, di ba? Mero’ng ganon. Hindi imposibleng mangyari.”

NETWORK WARS! Nakikita ba niya ang posilidad na tapatan ng ABS-CBN ang show niya?

Paano na ang friendly relationship niya sa mga executive ng ABS-CBN na lagi niyang sinasabing mahal niya?

“Hayyyy! Ay, ’pag ganun, wala ka nang magagawa at dahil ano ba naman ang bottomline?

"Nandito na ako, e. I’m a TV5 artist.

“Kasama sa network wars nila. Hindi naman kami kasali.

“Yung friendship ko sa whoever na itatapat sa akin, ang wish ko lang, huwag naman anak ko,” pagtukoy niya kay KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa kung sinuman ang itatapat sa akin, wala akong issue, wala akong issue. Trabaho ito, e.

“Alam mo nung lumipat ang Mel & Jay sa GMA-7 na dati pre-programming ng TSCS [The Sharon Cuneta Show] sila.

“Alam mo nung galing ako ng Boston, in-offer-an ako ng Sharon after TSCS. Di ba, galing akong Boston?

“So, galing ako ng Boston, after TSCS, in-offer-an ako ng Sharon and Mel & Jay was on GMA.

“No’ng malaman ko ang magiging timeslot ng Sharon, I made it a point to write Tita Mel [Tiangco] and Tito Jay [Sonza] to say, ‘You know beggars cannot be choosers. I’m just a contract artist of ABS. But it pains me na kailangan tayo pa yung magkatapat.’

"Dahil pre-programming ko sila [dati]. And idol ko si Tita Mel din, e. Isa pa yun, e.

“So, parang... you know what? It’s just respect. Magpakitaan lang ng respeto.”

Si KC ang host ng upcoming singing search ng ABS-CBN na The X-Factor. Matatanggap kaya ni Sharon kung si KC ang itapat sa kanya?

Ani Sharon, “Masasaktan ako kasi anak ko yun. Parang bastusan naman yun ‘pag anak ko.

“Pero you know, whatever it is, huwag sana. Huwag sana anak ko. Kahit pa sino.

“Kung si Juday [Judy Ann Santos], maiintindihan ko, or kung sinuman. Huwag naman si KC.”

FRIENSHIP GONE SOUR? Magiging solid pa rin ba ang friendship niya sa mga big bosses ng ABS-CBN kung sakaling dumating nga sa point na pagtapatin sila ni KC?

“Alam mo, yun naman…yung friendship, hindi nagbago.

“This is business. We all know this is business. Parang politics.

“Si FPJ [Fernando Poe, Jr.], malawak na malawak ang pag-iisip na parang sabi niya, ‘After all this is over, Klat [pinaigsing Klatput na tawag sa kanya ni FPJ]…’

“Sabi niya, ‘We’ll still be the best of friends.’ Saka yung friendship namin, 1990 pa yun, a.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit alas-tres ng umaga, dadalawin niya ako sa set ko.

“Kahit movie namin ni Daboy [the late Rudy Fernandez], kahit movie namin ni Robin [Padilla]... alam mo yun?

“Ako rin, bigla na lang ako pupunta kung nasaan siya.

“’Saan ka? Where are you Klatput?’ May sumbungan ako, nagtu-tong-its sila ni Kayz [KC].

“Alam mo, mahal na mahal niya yun. Inaanak niya yun. Mahal na mahal niya.

"Mahal na mahal ko si Tita Susan [Roces].

“Si Grace [Poe-Llamanzares, anak nina FPJ at Susan] nung ikinasal… yung parang lagi kang part ng family.

“’Tapos alam mo yung nanginginig ka dahil hindi mo magawa yung gusto mo out of respect for your husband.”

HER DAUGHTER KC. Kumusta naman na ang anak niyang si KC matapos ang kontrobersiya sa pagitan ng ex-boyfriend nitong si Piolo Pascual?

“Ay, KC is fine.

"You know what? I’m happy to tell you that she’s very, very happy now.

“Very, very, happy. You will see naman, e. You will see," sabi ni Sharon.

Napapansin nga ng marami na iba ang aura ngayon ni KC.

“Iba, oo! And she has forgiven and she has moved on from the Piolo issue.

“My prayer also is mag-move on na rin yung mga sumama din ang loob siguro when they broke up.

“Alam mo, lagi namang ganyan, e. Laging may casualty na kapag may nag-breakup, may mga nagti-take sides.

“Pati ako, nag-move on na rin dahil nag-move on na rin yung anak ko.

“Ano man yung feelings ko noon... Alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ [Piolo], e. I really welcomed him with open arms.”

PIOLO PASCUAL. Napatawad na niya si Piolo?

“Na-forgive ko na siya. E, hindi naman ako si KC.

"Si KC nga na-forgive na niya, e, ako pa?

“Ang akin lang, sana man lamang nag-text siya or nagpakita siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam n’yo ba since na naging official girlfriend niya si KC hanggang sa nag-break sila, at hanggang sa araw na ito na nag-uusap tayo, never siyang nagpakita sa akin?

“Never, never. Parang hindi kami sanay sa ganun.”

Hindi man lang ba nag-text si Piolo sa kanya?

“No! No! And saka nung naging officially boyfriend na siya, hindi ba parang the decent thing sana to have done was to… magpakita sa bahay.

“Kasi nung nanliligaw ka naman, welcome dito, nagpupunta ka naman.

“Pasensiya na lang po kung may nasabi ako afterwards. Kasi anak ko yun.

“Kasi pinasasama pa ng ibang tao yung anak ko. Walang ganun.

“Kasi talagang magsasalita ako. E, hindi naman ako yung type na kailangan pang makipagbangayan sa hindi naman kailangan.

“Dahil nirerespeto ko lahat ng tao na nagtatrabaho lang sa showbiz," pahayag ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN