Karylle on her Monte Carlo Festival Best Actress nomination: "Yung puso ko tumambling."

Karylle on getting her dream role via Kitchen Musical and even getting a best actress nomination: “Hindi ko talaga in-expect. Ang iniisip ko lang talaga, I always felt that I was born at the wrong time. Kasi ‘di ba Sampaguita days, musical [ang uso]. Bakit ‘di na lang ako pinanganak nung Sampaguita days? Sabi ko nga,‘Sana dumating din yung time na may musical.’


Isa sa isyung pinag-uusapan at pinagtatalunan sa industriya ay kung sino ba ang karapatdapat tanghaling National Artist—si Dolphy, Vilma Santos o si Nora Aunor?

Kinikilala bilang Hari ng Komedya si Dolphy, samantalang Star For All Seasons naman si Vilma, at Superstar naman si Nora.

Kung kontribusyon at mga naiambag sa showbiz ang pag-uusapan, walang puwedeng kumuwestiyon sa nagawa ng tatlong nabanggit na maituturing na institusyon sa industriya.

Sa nakaraang launching ng bagong MTV ni Karylle para sa “Found my Smile Again” noong Miyerkules, April 25, sa Centerstage sa Timog Avenue, Quezon City, hiningan namin siya ng reaksiyon kung ang long-time partner ng ina nitong si Zsa Zsa Padilla na si Dolphy ba ang dapat na hirangin na National Artist.

“Mahirap kasing mag-force ng isang bagay. We all know he deserves it, so I’m sure darating din yun. Hopefully, soon para masaya naman.”

Hindi lingid sa showbiz na labas-pasok na sa hospital ang Comedy King dala na rin sa kanyang edad at madalas na pagkakasakit.

Paano sinusuportahan ni Karylle ang inang si Zsa-Zsa Padilla na siya talagang nag-aalaga at nag-aasikaso kay Dolphy?

“I always pray for him. ‘Di ko siya nakita recently kasi medyo naging busy, pero ano naman talaga... sana maging tuluy-tuloy na yung good health niya.

“Kailangan niya na maging strong. Siyempre ’pag may isang tao na mas weak kailangan ikaw ang nagiging sandigan nila, you’re the rock,” pagtukoy niya sa kanyang ina.

“Wala, I’m just there whenever she needs me. Nagpapatawa ako minsan kahit di naman ako comedienne.

“Kahit waley yung mga jokes ko para lang ma-lighten yung mood, ‘di ba?

HER IT’S SHOWTIME FAMILY. Nabalita kumakailan ang away raw sa pagitan ng It’s Showtime director na si direk Bobet Vidanes at ang co-host nilang si Vice Ganda.

Dahil dito, lumabas ang isyung nag-resign daw si direk Bobet bilang director ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Vice noong Linggo, April 22, sa The Buzz ang tungkol sa issue pero may ilan pa ring naniniwala na may ’di sila napagkakasunduan ng direktor.

“Actually, wala namang naganap na ganun. But of course ‘pag ‘di kasi masyadong sinasagot ang intriga, nagiging magulo siya.

“’Di naman ako directly involved, although family ko sila,” pagtukoy niya sa kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime.

“Mahirap magsalita kasi ‘di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Wala kasi talaga akong alam sa issue and I don’t want to talk about it.

“As for me, I can’t really talk for them, hindi ko kasi alam talaga.

“Of course, alam ninyo one of the things na lagi ko pa ring binababalikan is the time we moved to the new studio.

“And alam mo mayroon kaming mga pangako sa isa’t-isa na walang iwanan talaga.”

Patuloy pa rin ang paglabas ng mga negatibong balita tungkol kay Vice na mahirap daw itong pakisamahan at prima donna sa set.

“No, ’di siya mahirap kasama. Actually nakasama ko siya the other day sa Boracay, nag-volleyball pa nga kami.

“Natalo man kami sa volleyball, masayang-masaya pa rin ako na nakita ko siya dun.

“Siyempre one of the things kasi of being a comedian... I’m not a comedienne, but nakikita ko na they always have to be happy.

“And may mga pinagdadaanan din naman si Vice. Namatay yung grandmother niya recently.

“And alam ko kahit nakita ko siya sa wake, hindi niya talaga fully na-express yung grief niya.

“Once in a while, ‘pag nakakakita siya ng lola sa show, naiiyak talaga siya.

“I understand ’cause I’m also close to my lola but not like him na lumaki sa lola niya.

“So feeling ko, minsan yung stress din from that na ‘di niya nailabas,” kaya marahil daw nabibigyang kulay ang minsang ikinikilos ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap siyang kasama talaga and may mga kanya-kanya naman kaming pinagdaraanan and we always help each other.

“Nung may pinagdaanan din ako, I know they’re really there for me and naiintindihan nila ako the same way na may pinagdaraanan siya [ngayon].

“Ngayong dyina-judge siya ng mga tao. Gusto kong sabihin na masarap siyang katrabaho and nararamdaman ko talaga ang pagmamahal niya… na ang suporta niya, all out.”

“Kaya nga mahirap kasi he can’t ever be sad and it can make things harder.”

DREAM COME TRUE. Nanalo ng dalawang awards ang Kitchen Musical sa nakaraang New York Festival, ang Best in Writing and Best Performance.

Kasama sa cast ng TV musical si Karylle.

Lalabas na rin ang DVD ng Kitchen Musical, at malapit na itong mapanood muli sa Lifestyle Network.

“It will come out two weeks from now on ASAP. Actually nahuli ang Philippines.

“Nauna na sa Indonesia, Hong Kong, nagpabili pa ako ng [DVD] copy ko sa Singapore.

Ayon sa singer-actress, baka gawin na raw ang second season sa susunod na taon.

“Part 2 next year. Matagal kasi silang magplano. For now, ipapalabas siya uli this coming May sa Lifestyle network.

“Before they can actually plan for a second season, kailangan nasa kanila na lahat ng music rights, nakalatag na yung script.

“Ganun sila, e. ‘Di sila tingi-tingi magtrabaho, e. Ang pinakamadugo dun yung music rights.”

BEST ACTRESS NOMINATION. Ayon kay Karylle ay ‘di niya ine-expect ang nominasyong natanggap bilang Best Actress sa Monte Carlo Festival.

Hindi nga niya inasahan na magkakatotoo ang dream role niya na gumanap ng isang musical play gaya ng sa Kitchen Musical.

“Sobrang happy, nakakatuwa. Nung nakita ko yung listahan ng mga nominees… hindi ko kasi siya mabuksan from my phone pero nung nakita ko, yung puso ko tumambling.

“’Di ko na nga mabigkas yung ibang names ng mga nominees, pero may iba from Asian countries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it makes you realize it’s a big world out there. Maraming opportunities na naghihintay sa iyo.

“Hindi ko talaga in-expect. Ang iniisip ko lang talaga, I always felt that I was born at the wrong time.

“Kasi ‘di ba Sampaguita days, musical [ang uso]. Bakit ‘di na lang ako pinanganak nung Sampaguita days?

“Sabi ko nga,‘Sana dumating din yung time na may musical.’

“But I always felt like it was never gonna happen.

"So nung audition… e, I auditioned for Kitchen Musical two years ago.

“Sabi ko, ‘Okay ito, it’s my dream role. It’s a musical.’

“’Tapos ang tagal bago nagkatotoo... one year. Wala kaming news kasi it’s highly confidential.

“So when they finally called me back, nandito na sila sa Pilipinas. I even had a different project na I had to give up.

“’Di ko talaga in-expect this will happen. It’s my dream role, so plus, plus, talaga.”

DINGDONG DANTES. Kinumpirma sa amin ni Karylle na bubuksan ang panibagong branch ng Centerstage sa Mall of Asia.

Tinanong namin kung kasali pa ba dito ang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.

“I think hindi siya nag-invest dun sa bago, pero tutulong pa rin naman daw siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN