Rochelle Pangilinan on doing her first indie film Lam-ang: "Sinasabi nga ‘pag indie, mas tipid? Pero hindi. Dito sa Lam-ang, all-out sila."

Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg">

Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg">

Rochelle Pangilinan has come a long way from her dancing days as one of the original members of the Sexbomb Girls. Rochelle went on from dancing to writing songs to recording albums. Eventually, she did TV soaps and a few movies. She has a major role in the indie film, Biag ni Lam-ang.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Rochelle Pangilinan habang siya ay nagsu-shooting sa Ilocos kagabi, April 26, para sa indie (independent) film na Biag ni Lam-ang.

Dalawang araw pa lang nakakapag-shooting ang aktres mula nang dumating siya sa Ilocos noong Linggo, pagkatapos ng Party Pilipinas.

Si Rochelle ay gumaganap na Saridandan, ang leading lady ni Rocco Nacino, na gumaganap bilang Lam-Ang.

“Kahapon kasi [April 26], nag-arnis training lang kami.

“Non-stop training talaga, mahabang continuity ng training. Tapos bukas [April 27], balik ulit kami sa shooting.”

Dugtong pa ni Rochelle, “Okay naman, masaya. Smooth-sailing ang shooting.

“Wala pang alat na nagaganap,”natatawang biro niya. “Okay ang mga tao–okay ang indie.”

FIRST INDIE FILM. Unang pagkakataon pa lang ni Rochelle na gumawa ng indie film sa Bi-ag ni Lam-ang at marami na siyang naririnig tungkol sa kaibahan ng indie at mainstream.

“Iba kasi ang ine-expect ko. Na kapag indie, parang malayo sa taping.

“Di ba, sinasabi nga ‘pag indie, mas tipid? Pero hindi. Dito sa Lam-ang, all-out sila.

“Pati yung ginawa nilang bahay, grabe ang ganda, ang galing–talagang well-researched na dapat katulad noon.

“Yung mga staff, kapag nagtanong ka, alam nila ang isasagot.

“Alam nila ang kuwento, alam nila kung ano ang mangyayari. Nakakatuwa lang.”

ACTING FREEDOM. Ayon kay Rochelle, binibigyan din siya ni director Anna Agabin ng kalayaan ng sariling atake sa karakter niya bilang Saridandan.

“Si Direk, tatanungin ko siya, ‘Direk, ano po ba ‘to? Paano po ang gagawin ko?’

“Sasabihin niya sa ‘yo kung paano. Pero, sasabihin din niya kung ikaw, paano mo gagawin?

“At saka, ang ganda ng tree house ko, yun ang bahay ko–bongga!” natatawa niyang sabi.

Ni-research din ni Rochelle ang role niya para alam niya kung sino nga si Saridandan at kung anong klaseng tao ito.

“Si Saridandan ay isang palaban na babae… Nagtatago siya sa bahay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masyado siyang ilag. Masyado siyang mapagmanman sa mga Kastila.

“Yung kapatid kasi niya, dinala sa bundok ng mga Kastila.

“At yun ang gusto niya, mabawi yung kapatid niya.”

PROFESSIONAL CO-WORKER. May arnis fight scene sina Rochelle at Rocco dahil nangahas ang huli na pasukin ang bahay niya.

Kinamusta namin si Rochelle tungkol kay Rocco na ngayon pa lang niya magkakasama sa isang proyekto.

“Okay naman si Rocco. Very professional siyang ka-trabaho.

“Wala naman akong nakikitang toyo sa kanya or parang iba na may toyo,” natatawa niyang sabi.

“Si Rocco… okay siya. Actually, yung shooting namin kahapon, inabot kami ng hanggang alas-dos ng umaga.

“Pero umaga pa lang, nasa shoot na kami. Pero tuloy-tuloy lang siya.

“Okay lahat dito, okay yung shoot.”

“Kahit noong first day pa lang ng shoot, kaya na niya. Magaling din si Rocco sa mga fight scenes.”

Hindi ba nailang si Rocco sa kanya dahil first time nilang magka-trabaho?

“Hindi. Ako kasi, ako yung ilang umpisa pa lang, palagi ko ng wino-work-out.

“Para at least, okay yung buong pagta-trabaho, di ba?

“Kailangan baklang babae lang ako. At saka si Rocco, hindi rin siya mahirap ka-trabaho.

“Hindi siya mahirap kasama. Masayahin din.”

LANGUAGE PROBLEM. Kung tutuusin, hindi na masyadong mahihirapan o mag-a-adjust si Rochelle sa pagsasalita ng malalim na Tagalog dahil galing siya sa epic serye na Amaya.

Pero ayon kay Rochelle, iba naman daw talaga ang Amaya noon.

“Tagalog talaga rito sa Lam-ang pero, mas iba ang Tagalog ng Amaya.

“Kasi sa Amaya, talagang iba yung mga salita at pati paraan ng pagsasalita.

“Noon kasi, wala pa yung mga Kastila. Dito sa Lam-Ang, panahon siya ng Kastila.

“Kaya yung Tagalog, mas regular na natin na ginagamit ngayon.

“Nahaluan na ng wikang Kastila. Kaya kahit paano, puwede ko na siyang i-deliver ng normal.

“Pati yung costume ko, magkaiba. Sa Amaya, very colorful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito naman, may pagka-conservative, may pagka-Maria Clara ang costume.

“Pero nagugulat ako rito, ni-research talaga nila. At nagulat ako sa kulungan ng mga Filipino noon, na literal na nasa ilalim ng lupa.

“Parang libingan na! Nakakalungkot.

“Grabe, parang kinawawa talaga yung mga Filipino noon, sobrang inapi!” ang natatawa rin na sabi niya dahil affected daw siya.

MORE SHOOTING. Tatapusin na ni Rochelle ang lahat ng eksena niya sa Ilocos, pero si Rocco ay posibleng bumalik pa.

“Babalik na ako ng Manila ng April 30. Sila Rocco, meron pa silang balik. Pero ako, tatapusin ng lahat.”

Nakausap naman ng PEP si Arthur Solinap, ang boyfriend ni Rochelle. May plano raw itong bisitahin ang girlfriend sa Ilocos ngayong Sabado.

“Hindi pa naman sure yun kasi, tatapusin pa niya ang taping niya ng Legacy,” paliwanag ni Rochelle.

“Kung aabot pa siya. Kung hindi, okay lang kasi, ang tagal din ng biyahe.

“E, babalik na rin naman ako. Pero kung makakapunta siya, ipapakilala ko siya kay direk.”

Biro pa niya, “E, di ba, mukhang Kastila si Art? Actually, may kamukha nga siya rito na Spanish.

“Mas mukha pa siyang Spanish talaga sa iba na nandito.”

EXTENDED. Masaya naman si Rochelle sa nangyayari sa pang-hapong serye nila nina Gabby Eigenmann at Bianca King na Broken Vow na na-extend hanggang June.

“Nag-extend na kami. Kaya pagbalik ko ng Manila, taping ako agad ng Broken Vow.

“Ilang days din akong hindi nag-taping kasi nga, nandito ako sa Ilocos.

“Pero, bago naman ako umalis noong Saturday, talagang sinagad na, bongga ang taping ko.”

May magiging pagbabago raw sa karakter ni Rochelle sa Broken Vow.

“Okay naman ako sa character ko. Sa Broken Vow talaga, relax lang ako. Kasama ko kapatid ko ro’n, si Gabby.

“Then, yung character ko, kung si Gabby nagiging bad, ako naman, parang babait naman yata ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun ang abangan.”

Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg">


Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg"> Lam-ang, all-out sila."" data-url="https://www.pep.ph/news/33901/rochelle-pangilinan-on-doing-her-first-indie-film-lam-ang-sinasabi-nga-pag-indie-mas-tipid-pero-hind" data-desc="Rochelle Pangilinan plays the role of Gabby Eigenmann’s scorned ex-girlfriend in the afternoon teleserye Broken Vow." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/717f8157c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN