Derek Ramsay on being a Box Office King: “Hindi pa rin nagsi-sink in, e.”

Derek Ramsay worries he may get emotional upon receiving the Box Office King award from Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation tonight, April 29. He says, “Baka hindi ako makapagpasalamat o makapagsalita ‘cause when I get emotional, which is very rare, I can’t talk."


Pararangalan bilang Box Office King ang aktor na si Derek Ramsay ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation mamayang gabi, Abril 29.
Masaya ang aktor sa kauna-unahang award na makukuha niya bilang aktor. Subalit aminado siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakuha niya ito dahil sa tagumpay na nakamit ng mga nakaraan niyang pelikula, ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.
“I was in Boracay playing golf when I got the news. Hindi pa rin nagsi-sink in, e,” sabi ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya matapos ang story conference para sa susunod niyang pelikula sa Viva Films. Ito ay naganap noong Biyernes, Abril 27, sa opisina ng Viva Entertainment sa Ortigas, Pasig City.
Patuloy na pahayag pa ni Derek, “Ang dami nang preparations—what I’m gonna wear, what I’m gonna say—I just haven’t realized that it’s there.
“Siguro when I get up onstage, that’s when it’s going to sink in.”
Bahagyang nababahala daw si Derek dahil baka maiyak na lang siya habang tinatanggap ang parangal sa kanya.
“That’s what I’m worried about,” ani Derek.
“When it all sinks in, I get very emotional.
“I was saying earlier nga na baka hindi ako makapagpasalamat o makapagsalita ‘cause when I get emotional, which is very rare, I can’t talk.
“We’ll see on the night itself what will happen.”
IMPROVING AS AN ACTOR. Sa mga nakalipas na panayam ng PEP kay Derek, inamin niya na bago para sa kanya ang career niya bilang aktor. Kaya naman ginagawa niya ang anumang abot ng kanyang makakaya para mapabuti ito.
Sa kabila ng Box Office King award, batid ni Derek na malayo pa siya sa pagiging mahusay na aktor.
“I’m not yet made as an actor even after receiving this award. I still have a lot to prove,” ani Derek.
Hindi pa rin daw siya dapat maikumpara sa mga nakaraang Box Office Kings tulad nina Vic Sotto at John Lloyd Cruz dahil...
“They’re made as actors.
“They’ve proven so much. It is my first award. It’s crazy na Box Office King pa ang napunta sa akin.”
Dagdag pa ni Derek, “Vic Sotto and John Lloyd Cruz, those are the made guys.
“They’ve gone through the whole process and they made their way to the top.
“I’m just on my way. Hopefully, I can make it to the level that they are at.
“But this award is something that will push me towards this level.
“Like I said, I don’t know what I’m feeling for receiving such an award.
“I’ll feel it all the way when I get on the stage.”
IT’S A TEAM EFFORT. Kasabay ng pagkahirang sa kanya bilang Box Office King ng 2011, tumanggap din si Derek ng mga paninira mula sa ibang tao, partikular na sa mga social networking sites.
May ilang umanong nagsabi sa kanya na kaya lang naging tagumpay ang kanyang mga pelikula dahil sa kanyang mga nakasamang artista.
Hindi naman ito itinanggi ni Derek.
Aniya, “You guys know me as a sporty guy. Eighty percent of why I got this award is because of the people I worked with.
“You know, I can’t do a movie by myself. This is the reason why the movies did so well.
“Kaya ‘yang mga negative, ‘Naging successful ang mga pelikula dahil sa mga co-artist niya.’ That’s true.”
Gayunman, ipinaliwanag ni Derek na team effort naman ang kinailangan para maging patok ang mga pelikula nila.
“Kung sila rin lang naman at wala ako roon, hindi rin mangyayari.
“So, when you do a movie, it’s a team effort.
“If every actor is competing for an award and not for the success of the film, hindi magiging maganda ang pelikula.
"So, just like with sports, if you think about yourself and not the well-being of the team, the team is not gonna win.”
Kaya naman lubos din ang pasasalamat ng aktor sa mga nakasama niya sa pelikula.
Sabi ni Derek, “This is a combined effort and my thank you is gonna go to everyone that I worked with that made the movie such a success.
“It’s the reason why I got this award.”
Pagkatapos nitong Box Office King award, naghahangad na rin ba si Derek na magkamit pa ng parangal bilang Best Actor?
“I’m not looking forward to be a best actor,” sagot ni Derek.
“I’m going to do the same thing—do my part and, hopefully, we have a very good movie.
“If I get recognized, that’s good.
“Just like when you play sports, your goal is to win the title. If you get recognized as MVP, best defensive player, those are just bonuses.”
MOVIE WITH KC AND ANNE. Samantala, nawala man siya sa pelikulang ginagawa ng Star Cinema, nagpapasalamat naman si Derek Ramsay dahil agad siyang nabigyan ng panibagong movie project ng Viva Films.
Si Derek Ramsay ang napiling magiging leading man nina KC Concepcion at Anne Curtis sa pelikulang may working title na Nothing Compares To You.
“Every project is a blessing. This is a big blessing,” ani Derek
“I found out that I’ve lost the movie with Bea [Alonzo], I was very sad.
“But on the same day, I got a call from my manager, ‘O, you’re doing a movie with KC and Anne.’
“I was able to get back on my feet right away. Now, I’m going to do a movie with KC and Anne.”
Sabik na raw siya sa pagsasama muli nila ni Anne sa trabaho. Gayundin, inaasahan niyang magiging maganda ang unang pagkakataong makatrabaho si KC sa isang pelikula.
Para kay Derek, mabuti para sa kanya ang makatrabaho ang iba’t ibang artista..
Sabi pa niya, “I’m willing to work with any artist because I want to grow as an artist.
“The only way for me to grow as an artist is to do different projects with different people.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN