Marian Rivera misses chance to promote Endless Love in Malaysia with Dingdong Dantes

Marian Rivera is happy to be working with veteran comedians Roderick Paulate and Nova Villa and kusina master Chef Boy Logro in her latest dramady show, Tweets For My Sweet.


Nanghihinayang ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil hindi siya nakasama sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa Kuala Lumpur, Malaysia, para mag-promote doon ng teleserye nilang Endless Love.

Noong sabihan daw kasi si Marian na may imbitasyon sila mula sa isang TV show sa Malaysia, dahil patok sa Malaysia ang kanilang drama series, nagkataon namang nagsisimula na siya ng kanyang taping para sa bago niyang show na Tweets For My Sweet.

Kung natuloy na umalis si Marian, second time na niya sana sa Kuala Lumpur dahil una siyang pumunta doon nang i-promote nila ni Dingdong ang MariMar.

Ayon kay Marian, “Sayang nga at hindi ako nakasama.

“Ibinalita nga ni Dong sa akin na marami pala kaming fans doon. Nakakatuwa naman na kahit sa ibang bansa, tinatangkilik nila ang shows natin.

“Kuwento nga ni Dong, noong dumating siya sa hotel, iyon ang pinapalabas. Kaya tuwang-tuwa siya kasi nga pinapanood talaga ng mga Malaysians ang Endless Love.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa press launch ng Tweets For My Sweet noong April 26 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Naikuwento rin daw ni Dingdong na naka-subtitle in Bahasa ang Endless Love at hindi ito dubbed sa naturang lengguwahe tulad ng unang naibalita.

“In Tagalog daw ang Endless Love at may subtitle ito na Bahasa.

“Kahit na gano’n pala, pinapanood pa rin nila doon ang show namin.

"Nagulat nga raw si Dong na noong dumating siya sa studio noong TV show, maraming kilala na siya.

“Hinahanap nga raw ako, pero sinabi ni Dong na marami akong trabaho dito sa atin.

“Sana nga balang-araw makapunta ulit ako ng Malaysia para pasalamatan ko sila,” saad pa ni Marian.

Humiling ba si Marian ng pasalubong kay Dingdong sa pag-uwi nito mula sa Malaysia?

"Meron daw siyang pasalubong sa akin. Marami raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong pinabili sa kanya. Sabi ko na kahit ano na lang ang dalhin niya para sa akin.

"Ang importante ay makauwi na siya dito kasi may taping pa kami ng My Beloved!" tawa niya.

TWEETS FOR MY SWEET. Priority ni Marian ngayon ang promo ng kanyang bagong show na Tweets For My Sweet.

Excited nga siya sa comedy series na ito dahil makakasama niya ang mga mahuhusay na komedyante na sina Roderick Paulate at Nova Villa at ang sikat na master chef sa telebisyon ngayon na si Chef Boy Logro.

"Si Kuya Dick, first time kong makakatrabaho. Si Tita Nova, nakakatrabaho ko ngayon sa My Beloved.

“Dalawa sila sa mga nirerespeto nating mga komedyante sa TV at pelikula at isang malaking karangalan na makatrabaho ko sila.

“At siyempre, si Chef Boy Logro na gaganap bilang lolo ko sa show na ito.

“Marami ang natutuwa kay Chef Boy kasi napakanatural niyang magpatawa sa cooking show niya na Kusina Master."

Natutuwa naman si Marian dahil sa magagandang sinabi sa kanya ng kanyang co-stars sa kabila ng mga lumalabas pa ring mga negatibong balita tungkol sa kanya.

Nasanay na raw si Marian sa mga intriga at nag-mature na siya sa pag-handle nito.

“Alam ko na hindi mawawala ang mga intriga. Part na ‘yan ng pagiging artista natin sa industriyang ito.

“Sure ako na kahit sila Kuya Dick at Tita Nova, nakaranas sila ng mga masasakit na intriga.

“Pero tingnan n’yo naman sila ngayon. Kung hindi sila naging matatag, hindi natin sila mapapanood ngayon.

“Nandiyan pa rin sila at marami ang rumerespeto sa kanila magpahanggang ngayon.

“Gusto kong marating ang narating na nila.

“Gusto ko na kapag dumating ako sa gano’ng edad, marami pa rin ang gustong makatrabaho ako," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN