Chef Boy Logro undergoes lie detector test; reveals Nova Villa is his real crush

Chef Boy Logro’s romance with pots and pans started when he worked as a helper in a Chinese restaurant. His sojourn to becoming a renowned chef began when he left the country to work as a sous chef at Sultan Qabass Bin Said’s Palace in Oman. When he returned to the Philippines, he applied what he had learned abroad and became one of the distinguished chefs in the hotel industry.


Ang host ng Kusina Master at isa sa main cast ng Tweets For My Sweet ng GMA-7 na si Chef Boy Logro ay sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ng Showbiz Central noong Linggo, April 29.

Ang unang tanong sa kanya ni John “Sweet” Lapus, ang host ng segment, ay kung totoong nataranta at nagkamali-mali siya sa pagluluto sa isang episode ng Kusina Master kung saan guest niya ang crush niyang si Regine Velasquez.

“No” ang sagot ni Chef Boy at Truth ang naging resulta sa truth-verifier machine.

Kung hindi niya crush si Regine, bakit siya nataranta nung guest niya ang misis ni Ogie Alcasid?

“Siyempre, Songbird ba naman…

“Regine ‘yan… hinahangaan ko mula pa noong araw.

“Idol na idol ko si Regine, kaya nakakataranta talaga,” pahayag ni Chef Boy.

REAL CRUSH. Ang totoong crush daw ni Chef Boy sa showbiz ay ang co-star niya sa Tweets For My Sweet na si Nova Villa.

Kaya ang sumunod na tanong kay Chef ay kung totoong noong pictorial nila para sa show ay natameme (o hindi nakapagsalita) siya at kinilig nang husto kay Nova.

“Yes” ang sagot ni Chef Boy at Truth ang naging resulta nitong muli.

Kuwento pa ni Chef Boy, maaaring sa bandang gitna ng takbo ng kuwento ng Tweets For My Sweet ay maging magka-loveteam sila ni Nova.

Kilig ba ang pakiramdam ni Chef Boy at katrabaho na niya ang childhood crush?

“Oo naman, masarap ang pakiramdam," sabi niya.

Pero noong mga panahon na crush niya si Nova ay hindi niya inisip na ligawan ang aktres?

“Kasi iniisip ko, ano ba naman yung kusinero manliligaw sa artista? Parang langit at lupa," sabi niya.

WIFE-GUARD. Ang huling tanong kay Chef Boy ay kung totoong madalas na nagbabantay sa set ng Kusina Master ang misis niya dahil nagseselos ito kapag may guest siyang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No,” ang sagot ni Chef Boy at Lie ang naging resulta nito.

Totoo raw na madalas sa set ang misis niya, at sinabihan pa raw siya nito na okay lang na mag-kiss siya sa pisngi ng mga female guests niya…

“Basta huwag lang raw sa lips! Doon, magseselos na siya doon," sabi niya.

Wala pa naman daw siyang guest na hinalikan sa lips, ayon pa kay Chef Boy Logro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN