BB Gandanghari hurt that Robin Padilla has not accepted her: "I try to understand but it still hurts, masakit."

BB Gandanghari says she’s willing to do an interview with ex-wife Carmina Villaroel and a movie project with 2011 Box Office King Derek Ramsay. "Anything for Derek," she says.


Sa pagbabalik-bansa ni BB Gandanghari, inamin ni Robin Padilla na hindi sila in good terms. Bagamat sila’y magkapatid, hindi raw matanggap ni Robin ang pagkakaiba nila ng paniniwala at prinsipyo sa buhay.
Kinumpirma ito ng ina nilang si Mommy Eva Cariño Padilla. Inamin niya na kinausap siya ni BB at nagtapat ito na ang pakiramdam niya ay hindi siya tanggap ni Robin sa bago niyang katauhan.
Ayon din kay Mommy Eva, agad niyang kinausap si Robin at pinagsabihan tungkol dito kung saan naging consistent naman ang aktor sa naging sagot niya na tanggap niya bilang kapatid si BB pero magkaiba lang sila ng mga pinaniniwalaan sa buhay.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay BB sa nakaraang 43rd Box Office Entertainment Award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, April 29, sa RCBC Building, inamin nito na masakit para sa kanya na hindi siya matanggap ng kanyang kapatid.
“Siguro nga may problema, kasi sabi niya e. Siyempre masakit yun na alam mong mayroong di nakaka-accept sa iyo di ba? I try to understand but it still hurts, masakit.
“Siyempre ang hope ko sana wala ng problema kasi wala naman talagang problema kung tutuusin," sabi ni BB.
Ayon kay BB, bukas siya makipag-usap kay Robin at ayusin kung anuman ang problema nila. Huling nagkita ang magkapatid nung umuwi siya ng bansa pero pagkatapos nuon ay di na ito nasundan pa.
“Oo naman, siyempre anything na magkaintindihan kaming dalawa, I’ll go for it.
“Not since I arrived—that’s the last time we saw each other."
PRETTIEST DAUGHTER. Tanggap na tanggap at suportado ni Mommy Eva ang bagong katauhan ni BB. Inamin nito sa mga panayam na mas close at mas maganda ang relasyon nilang mag-ina ngayon.
Ayon kay Mommy Eva, sa lahat daw ng mga anak niya, si BB ang pinakamaganda.
“With all due respect to my sisters, it just flattered me," sabi naman ni BB.
Tinanong din namin ito tungkol sa di mamatay-matay na balita na nagpa-sex change operation daw siya sa ibang bansa.
“No comment. I don’t want to comment on that. Akin na lang,” aniya.
INTERVIEWS. Unang nag-guest si BB sa Paparazzi kung saan ang nag-interview sa kanya ay ang kanyang sister-in-law na si Mariel Rodriguez.
Pinaklaro namin kay BB ang lumabas na mga balita na dapat daw ay Zoren Legaspi ang magi-interview sa kanya pero tinanggihan niya raw ito.
“Wala akong inaayawan, it’s just na ang commitment ko talaga, kay Mariel ang interview ko. Wala akong problema kay Zoren, wala akong problema sa kahit na kanino.
"Yun lang nung time na yun ang commitment ko ay kay Mariel.”
Tinanong din namin siya kung payag ba siya na ma-interview ng dating asawa na si Carmina Villaroel na host naman ng Showbiz Inside Stories.
“Kung maayos yung usapan, I don’t see any problem with it. Sa akin bakit hindi, di ba?
Nagbigay pahayag din si Derek Ramsay na open siyang makatrabaho si BB at kung kinakailangan nga ng kissing scene ay di siya tatanggi basta’t kinakailangan.
Excited din naman si BB na makatrabaho ang 2011 Box Office King.
“He’s the Box Office King, [so] why not? Anything for Derek.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN