Sheena Halili relieved her stalker has decided to stop sending her messages and flowers

Sheena Halili (in photo) followed Marian Rivera’s advice and invested her earnings in a townhouse. “Tama naman si Ate Yan. Before, nagre-rent ako ng unit dito sa may Quezon City. Saan nga naman napupunta ang bayad sa renta? Hindi sa akin kundi sa may-ari ng unit. Kung may hinuhulugan ako buwan-buwan, alam ko na sa akin ang hinuhulugan ko," she says.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sheena Halili ang dating nabalitang stalker niya na nagpapadala ng mga bulaklak at ilang mga regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon kay Sheena, wala na ang sinasabing stalker niya pagkatapos niyang magpa-interview tungkol dito.
Pakiramdam ni Sheena ay natakot na ito kaya bigla na lang itong tumigil makipag-communicate sa kanya sa Facebook at wala na rin itong pinapadalang mga flowers.
“Noong magpa-interview ako [tungkol] sa kanya, hindi na siya nagpapadala ng mga flowers. Tumigil na. Feeling ko natakot.
“Wala naman akong intensyon na takutin siya, e. Gusto ko lang siyang makilala nang husto.
“Since friends na nga kami sa Facebook, gusto ko ay sa personal na makilala siya. Wala namang masama roon.
“Kaso, gusto niya yata na anonymous na lang siya. Yung mysterious na lang siya kaya ayun hindi na siya nagpaparamdam sa akin,” sabi ni Sheena sa interview namin sa kanya sa press launch ng Tweets For My Sweet.
Biro pa nga ni Sheena na kung kelan naman daw nakabili na siya ng sarili niyang townhouse, doon pa daw nawala ang stalker niya dahil marami pa raw siyang kailangan na gamit.
“Kayo kasi, e. Natakot tuloy sa interview ko. Dami ko pa namang kailangan na gamit!” malakas na tawa niya.
“Wala pa akong sofa, dining table at refrigerator. Wala pa rin akong kama.
“Kung nandiyan pa sana ang stalker ko, baka siya na ang bumili!
“Uy biro lang ‘yon. Pero kung okey lang kay stalker, why not?” tawa pa niya ulit.
Sa kabilang banda ay nagpapasalamat naman ang mga close friends at family members ni Sheena na kusa na lang na nawala ang stalker nito. Hindi na raw sila mag-aalala rito.
“Marami namang concerned din sa akin noong magpa-interview ako about that. Lalo na ang family ko kasi nga, hanggang sa house namin sa Pampanga, nagpapadala ng regalo roon.
“Puro mga messages na mag-ingat ako at umabot pa sa level na kumuha na raw ako ng bodyguard para bantayan ako.
“Bodyguard agad talaga? Superstar [ba] ako?” sabay tawa niya.
“Never ko namang naisip na may gagawing masama sa akin ang taong iyon. Gusto ko pa nga siyang maging kaibigan, e.
“Siguro nga natakot at nahiya kaya bigla na lang siyang nawala.
“If ever na magparamdam ulit siya, magpakilala na siya sa akin para maging friends na kami.”
ADVICE FROM MARIAN. Anyway, ang co-star nga niya sa comedy series na Tweets For My Sweet na si Marian Rivera ang nagpayo kay Sheena na mag-invest na para sa future niya.
Tama lang daw na kumuha na ito ng sariling bahay para alam nito kunsaan napupunta ang mga kinikita niya.
“Tama naman si Ate Yan. Before, nagre-rent ako ng unit dito sa may Quezon City. Saan nga naman napupunta ang bayad sa renta? Hindi sa akin kundi sa may-ari ng unit.
“Kung may hinuhulugan ako buwan-buwan, alam ko na sa akin ang hinuhulugan ko.
“Kaya dahil kay Ate Yan, mas wise na ako ngayon sa pera na hinahawakan ko. Salamat sa mga payo niya,” diin ni Sheena.
Dahil nga sa may hinuhulugan ng townhouse si Sheena, mas naging maingat na ito sa kanyang mga kinikita ngayon.
REFORMED SHOPAHOLIC. Nabawasan na raw ang kanyang pamimili ng sobra-sobra.
“Dati kasi shopaholic ako. Kung ano ang maisipan kong bilhin, go!
“Ngayon hindi na. Kung hindi ko rin lang kailangan, hindi ko bibilhin.
“Kung alam ko na meron pa akong mga bagong sapatos or damit, hindi na muna ako bibili.
“Mas mag-invest na ako ng pera sa alam kong mapapakinabangan ko in the future.
“Kaya nga nagpapasalamat ako na may mga shows ako tulad nitong Tweets For My Sweet, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at May Tamang Balita. Tapos may movie pa ako na ginagawa yung Just One Summer for GMA Films with Elmo Magalona and Julie Ann San Jose.
“Super save lang ako ngayon kasi nga may pinaglalaanan na ako ng mga kinikita ko. Marunong na akong mag-budget ngayon.”
Nakita na ba ng nababalitang boyfriend niyang si Rocco Nacino ang nabili na niyang townhouse?
“Hindi pa pero nasabi ko na sa kanya.
“Busy kasi siya sa shooting ng movie niyang Lam-ang, kaya wala pa siyang time na bisitahin ang townhouse.
“Kapag bumisita siya, yaman din lang at wala na ang stalker ko, siya na ang bumili ng mga kulang ko sa bahay!” natatawang pagtapos pa ni Sheena Halili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN