Filipino-Canadian Mikey Bustos tries his luck in Philippine showbiz

Mikey Bustos on trying his luch in Pinoy showbiz: “I want to entertain my fellow Pinoys. I watch Pinoy shows in Canada and I want to share with them my own style of entertainment. I’ve already done the entertainment scene in Canada. I’ve been around to so many cities there singing, performing, and making them laugh. I feel that it’s time that I make my way here in Manila. So far, I am enjoying myself. I’ve met so many good people who are


Hindi pumasok sa isipan ng Filipino-Canadian na si Mikey Bustos na makikilala siyang celebrity sa Pilipinas.

Bagamat ipinanganak at lumaki sa Canada, lumaki naman daw siya na parang isang Pinoy dahil na rin sa kanyang Filipino parents.

Kuwento ni Mikey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Even if I was born and raised in a foreign country, my parents always remind me that I have Filipino blood and I must know a lot of things about the Philippines.

“So I grew up practically being a Filipino. I know all the values of being Pinoy.

"And I like to thank my parents for that.”

YOUTUBE SENSATION. Nakilala si Mikey dahil sa kanyang YouTube videos kunsaan nagbibigay siya ng tutorial on being a Pinoy; ’tulad ng pagkain ng balot, paano manligaw, paano kumain nang tama, paano gumamit ng CR, at pagbigkas ng ilang English words na may Pinoy accent.

Ayon kay Mikey, “My dad is from Pampanga and my mom is from Tuguegarao.

"In our home, they speak Tagalog to one another, pero sa aming magkapatid, they speak to us in English.

“Kaya doon ko nakuha ang accent ko that I use sa mga YouTube videos ko. Yung mga accent... and many find it very funny.

“So I used it sa mga tutorial videos ko. And I got more than a million views on YouTube because of my tutorial videos."

TRUE-BLUE PINOY. Kung tutuusin ay malaki na ang kinikita ni Mikey sa Canada dahil may sarili siyang production company doon, ang Bustos Entertainment Inc. Kumikita raw siya sa sponsors ng kanyang YouTube videos.

Pero naging dream nga ng YouTube sensation na ito na ma-penetrate ang Pinoy audience dahil ipinagmamalaki niyang true-blue Pinoy siya.

“I want to entertain my fellow Pinoys.

"I watch Pinoy shows in Canada and I want to share with them my own style of entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve already done the entertainment scene in Canada. I’ve been around to so many cities there singing, performing, and making them laugh.

"I feel that it’s time that I make my way here in Manila.

“So far, I am enjoying myself. I’ve met so many good people who are there to support my career here in the Philippines.”

KAPUSO TALENT. Pumirma ng exclusive contract si Mikey sa GMA Artist Center. Nakailang labas na rin siya sa iba’t ibang Kapuso shows, ’tulad ng Party Pilipinas, Bubble Gang, at ilang infotainment shows sa GMA News TV.

Pero ikinatuwa nga ni Mikey nang mapasama siya sa cast ng bagong comedy series ng GMA-7 na Tweets For My Sweet.

Gaganap siya rito bilang si Dexter, ang English-speaking security guard ng isang café kunsaan nagtatrabaho ang bida ng series na si Marian Rivera.

“I am so happy because this is my first regular show on Philippine television.

“When I told this to my parents about this show, they were so happy. They never thought that I would go this far.

“Happy na sila sa nangyari sa akin in Canada, but they are much happier that I made a name for myself here in the Philippines.

“Favorite ng parents ko sina Mr. Roderick Paulate and Ms. Nova Villa [co-stars niya sa show].

"They always watch Pinoy movies and Pinoy TV shows back in Canada. That’s why they are so happy and excited to watch me acting with them.

“But of course, I am lucky to be in this show with the one and only Marian Rivera. She is so pretty and very nice in person.

"I am looking forward to working with her in this show.”

CANADIAN IDOL. Sa mga hindi nakakaalam, sumali si Mikey sa season one ng Canadian Idol noong 2003.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtatrabaho siya bilang isang temp sa Bank of Montreal noong maisipan niyang sumali sa reality-singing contest.

Mikey placed seventh sa naturang contest na pinanalunan ni Ryan Malcolm. Pero marami ang namangha, kabilang na ang mga judges, sa kanyang talento sa pag-awit.

Ang pagkaka-describe pa nga kay Mikey ng Chart magazine ay “slightly strange looking young man with a shaved head and with the voice of an angel!”

Dahil doon ay nagkaroon siya ng maraming web-based fans at nabigyan siya ng recording contract ng BMG Canada/Vik Recordings para sa Canadian Idol Compilation Album.

Nag-hit sa Gold status ang album at bumenta ito ng higit sa 60,000 units sa Canada.

Simula noon ay nag-perform na si Mikey sa Canada at U.S., ’tulad sa New York, Chicago, Los Angeles, San Diego, at Las Vegas.

Nanirahan siya sa New York City dahil sa kanyang recording career doon.

Noong 2005 ay nag-release si Mikey ng kanyang debut CD single titled "Love Me Again" na ni-release sa Canada. Nag-release din siya ng iba pang mga singles na naging hit sa Canada.

Unang nag-perform si Mikey sa Pilipinas noong 2006 nang mag-front act siya para sa concert ng Pussycat Dolls.

Naulit ang pag-front act niya noong 2007 sa concert naman ni Christina Aguilera.

Kasabay nito ang pag-guest ni Mikey sa ilang local TV shows noon at kinatuwaan siya ng maraming Pinoy audience.

Ayon kay Mikey, “What I like about us [Filipinos] is that we know how to laugh at so many things.

"Kahit na kailangan natin maging serious at times, we still know how to laugh.

“Masayahin ang mga Pinoy and that is what I want to perform to. I want to show them a good time and they are right to say that it is more fun in the Philippines!”

Kakatapos lang ng dalawang concerts ni Mikey sa Toronto, Caanda at California, USA noong March.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din ng premiere ang kanyang web musical-motion picture na Prison Dancer sa International Asian-American Film Festival sa San Francisco. Sa YouTube daw ito mapapanood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN