Bea Binene and Jake Vargas "sobrang saya" about winning Most Promising Loveteam at Guillermo Mendoza Awards

at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg">

at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg">

Bea Binene, the lead star of Alice Bungisngis and her Wonder Walis, is happy that her team-up with Jake Vargas was recently recognized by Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards as "most promising."


Isang malaking karangalan daw para kay Bea Binene na sila ni Jake Vargas ang nahirang na Most Promising Loveteam For Movies And TV sa katatapos na 42nd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards.


Noong una, hindi raw siya makapaniwala na sila ng katambal niya sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis ang mapipiling winners.

“Masaya. Sobrang saya!” ang masiglang pahayag ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last April 29.

“At nagpapasalamat po kami sa bumubuo ng Guillermo Mendoza Foundation.

"Ito ‘yong first award naming ni Jake na magkasama, e.

"And for movies and TV nga siya kaya we’re very honored and we’re very happy.

"Sa dinami-dami ng mga loveteams, iyon… kami ang napili.”

Napawi ang mga ngiti ni Bea nang mausisa tungkol sa intriga na magkaaway daw sila ngayon ni Barbie Forteza.

“Sinong nagsabi?” nagtataka niyang tanong.

“Uy! Hindi po. We’re friends. Walang gano’n.”

Napapabalita ring nakakaramdam daw kasi ng professional jealousy sa kanya ngayon itong si Barbie dahil mas marami siyang projects ngayon.

“Hindi naman. Siguro, a… parang wala naman ako ro’n. Kasi ang GMA naman po ang nagbibigay ng mga projects o shows sa amin.

“And kami talaga ni Barbie, wala. We’re very good friends. We’re very okay.

“Walang competition o anuman sa pagitan naming. Sobrang wala.

“And hindi rin naming pinag-uusapan ‘yong mga ganyang intriga. For me, hindi ko na ino-open ‘yong tungkol diyan kay Barbie.

“Kasi para sa akin, wala lang naman iyon, e. Wala naman talaga, e.”

Hindi kaya ‘yong mga fans nila ang nagkakaroon ang hidwaan?

“Siguro po.

“Pero ‘yong mga close naman sa akin na mga fans, ‘yong mga as in… kilala ko naman, sinasabi ko naman na huwag na. Huwag nang gawin isyu ‘yong mga ganyan-ganyan.

“At siguro kung sumasagot man sila, dini-defend lang nila ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAKE IS HAPPY AS WELL. Samantala, sobrang saya rin daw ni Jake sa award na natanggap.

Sabi nga ng young actor nang siya na ang sunod naming nakausap, “Hindi namin ini-expect. Lalo pa, mahigpit ang labanan ngayon ng mga loveteam.”

Nauuwi na ba sa totohanan ang onscreen romance nila ni Bea?

Natawa ang binata bago sinagot ang tanong, “Kasi… friends po kami ni Bea, e. At sa loveteam namin, ginagawa namin ‘yong the best.”

So, si Kris Bernal pa rin ang ultimate crush niya?

“Hindi naman po kasi mawawala iyon.”

Sa palagay ba niya, hindi makakaapekto sa fans nila ‘yong hayagang pagsasabi niyang si Kris Bernal ang type niya?

“Alam naman po ng mga fans iyon!” nangiting sabi ni Jake. “Pero si Bea talaga, loveteam talaga forever ‘yan.”

Ano ang feeling na lagi silang nagkikita ni Kris sa Party Pilipinas?

“Masaya!”

Nagkakaroon ba siya ng chance na makalapit sa aktres para makipagkuwentuhan dito?

“Hindi po. Kasi pare-parehas kaming busy, e. Meron lang "hi," "hello," gano’n lang.”

At kung magkakaroon ng pagkakataon, gusto niyang makatrabaho ang dalaga.

Okay lang ba sa kanya kung halimbawang sa next project, hindi na si Bea kundi si Kris ang kasama niya?

“Hindi naman po sa gano’n.

“Pero siguro po, darating din ‘yong panahon na hindi na kami ni Bea ang magka-partner sa isang project. Kapag hindi na kami teens.

“But for now, hindi naman po namin naiisip o napag-uusapan ‘yong gano’n. Sa ngayon po, pangangalagaan pa rin namin ang aming loveteam.

“Patok pa naman po ang loveteam namin ni Bea so mahirap isipin na maghihiwalay agad kami. Hahanapin siyempre ng fans ang team up namin.”

Sa kanyang palagay, kagaya niya ay may iba ring crush o type si Bea?

“Wala po naman siyang sinasabi sa akin,” sabay ngiti ni Jake. “Kaya hindi ko po alam kung may iba siyang crush.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawal pa talaga na magka-girlfriend o manligaw siya?

“Sa ngayon po, bawal muna, kasi puro po kami trabaho, e. Walang time. Busy lagi.

“Halos araw-araw, taping. Lagi kaming nasa location.”

Halos lahat ng fans nila ni Bea, ang wish ay maging totohanan ang reel love nila ni Bea. Ano ang masasabi niya rito?

“Actually, hindi ko po alam, e. Wala po akong masasabi,” nangingiting pahayag ni Jake.

at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg">


at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg"> at Guillermo Mendoza Awards" data-url="https://www.pep.ph/news/33944/bea-binene-and-jake-vargas-sobrang-saya-about-winning-most-promising-loveteam-at-guillermo-mendoza-a" data-desc="The former denies reported rift with Barbie Forteza." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bbe582959.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN