Part 1. G Tongi on offending writers with "sarcastic" answers: "Being sarcastic is only how you take it."

G Tongi on her reported sarcastic remarks that offended some entertainment writers: “So, ngayon na nagbabalik ako, kung may nao-offend man dahil sinasabi nilang sarcastic, e, totoo kasi napaka-sarcastic kong tao. Totoo, e. I mean, you ask me a question, sinagot ko. I’m not trying to offend anyone. I’m just trying to be myself, you know."


Hindi napigilang maging emosyinal at mapaluha ni Giselle o G Tongi nang magpaliwanag siya at ipagtanggol ang kanyang sarili tungkol sa isyung nagmaldita umano siya sa ilang miyembro ng entertainment press.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na na-offend umano sa kanya ang ilang writers na nag-interview sa kanya sa presscon noon ng nagtapos nang mini-series ng TV5, ang Nandito Ako.

Tila naging sarcastic umano ang dating ng pagsagot niya sa ilang katanungan ng press.

“Siguro kung may nao-offend man, I promise I don’t intend to.

"Siguro lumakas na rin lang ang loob ko dahil sa pinagdaanan ko rin, di ba?

“It comes to a point na nobody does things for you. You have to do it for yourself.

"Hopefully, I can inspire people to be true. Wa’ [wala] na plastic, di ba? Matanda na tayo,” umiiyak na sabi ni G.

Nakausap ng PEP si G sa grand presscon ng kinabibilangan niyang bagong primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng Kapamilya teenstar na si Ella Cruz, ang Aryana, na ginanap sa Sulo Hotel poolside kagabi, May 1.

Halimbawa na lang daw ng tanong noon sa kanya ay kung nag-try ba siyang magkaroon ng karera sa Hollywood dahil ang bukambibig niya nga ay ang career niya sa Los Angeles.

Ang sagot niya raw ay “Hollywood is just a place and there are many other jobs in L.A!”—sa tonong tila minamaliit daw niya ang kaalaman ng nagtanong.

Paliwang ni G dito, “It is just a place. Why would anyone get offended? I live there for nine years.

“It is just a rhetoric na ‘pag sinabi mong Hollywood, parang akala nila, ‘Oh, that’s where films are made.’ But in reality, hindi, e, hindi lang doon.”

SARCASTIC ISSUE. Ano naman ang komento niya sa umano’y pagiging sarcastic niya?

“Aba, wala na akong magagawa roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I cannot apologize for being who I am.

"I’m just trying to voice my own opinion. Everyone is entitled to their own opinion.

"At ‘eto ang hindi ko na-miss sa showbiz.

“Hindi ko na-miss sa showbiz yung mao-offend ka sa sinabi ko na hindi ko naman sinasadya."

Dagdag pa ni G, “Tatanungin mo ako kumusta ang Hollywood? Okay, doon ako tumira nine years. ’Tapos?

“C’mon guys, tumanda na rin ako. Matagal akong nawala at hindi ako nag-aartista para pag-usapan, para gumawa ng intriga.

“I left the Philippines because I really wanted to legitimize my craft, di ba?

“So, ngayon na nagbabalik ako, kung may nao-offend man dahil sinasabi nilang sarcastic, e, totoo kasi napaka-sarcastic kong tao. Totoo, e.

“I mean, you ask me a question, sinagot ko.

"I’m not trying to offend anyone. I’m just trying to be myself, you know.

“At ang ayaw na ayaw ko yung masasabihan ako na, ‘Hmp, ang plastic naman niyan, ang showbiz naman niyan!’

“Matagal akong nawala, ang importante sa akin ay magawa ko nang mahusay ang trabaho ko. Merong mga tao na maka-relate sa karakter ko.

“Napaka-powerful talaga ng media. Lahat tayo, nasa iisang industriya lang tayo.”

Sa tingin niya ba negatibo ang pagiging sarcastic?

“No, being sarcastic is just being real.

"Being sarcastic is only how you take it.

“When somebody asks me a question and I answer it, if they think it’s sarcastic, it’s not because I’m trying to be. It’s because I’m just voicing my own opinion," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN