Vice Ganda on Phenomenal Box-Office Star recognition: "Ito ang sagot sa lahat ng binabato sa akin.”

Vice Ganda on winning two awards at the Box-Office Entertainment Awards: “Ang sakripisyo laging may magandang kapalit. Iba si Lord, iba Siyang magpabuya talaga. Alam Niya na ‘pag maganda ang intensiyon mo, maganda rin ang kapalit. Sa bawat intriga, iniiisip ko na lang na may kapalit na naman itong maganda."


Kung dati ay ang Box-Office King and Queen ang pinakamataas na kategorya sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc, ngayong taon ay nalikha ang Phenomenal Box-Office Star.

Ipinagkaloob ang titulong ito kay Vice Ganda dahil ang pelikula niyang Praybeyt Benjamin, na ipinalabas noong 2011, ang may record bilang highest-grossing film sa Pilipinas.

Hindi naman maipaliwang ang kasiyahan ni Vice nang tanggapin niya ang nasabing karangalan noong Linggo, April 29.

Bukod sa Phenomenal Box-Office Star, ipinagkaloob din sa kanya ang Male Novelty Performer of the Year dahil sa tagumpay naman ng nakaraang concert niya, Vice Ganda Todong Sample sa Araneta.

“Thank you, thank you so much!” bulalas ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang awarding ceremonies.

“Yung Male Novelty Performer of the Year and Phenomenal Box-Office Star, todo talaga—yung pinakamataas na concert, yung pinakamataas ng movie, ibinigay sa akin kaya bongga.

“Maraming-maraming salamat sa Guillermo para sa dalawang awards na ibinigay nila sa akin.

“Rest assured na pagpupursigihan ko pa lalo ang trabaho ko para hindi naman ito ang una’t huling pagkakataon na aakyat ako sa entabaldong yun.”

REAPING WHAT YOU SOW. Para kay Vice, ang mga tropeyong natanggap ay ang kapalit at pambalanse sa mga paghihirap, sakripisyo, at mga intrigang ipinupukol sa kanya.

“Siyempre kasi, sa dinami-dami ng mga araw na nagpuyat ka, sa dami ng mga intriga na hinaharap mo, ito na yung pabuya.

“Ang sakripisyo laging may magandang kapalit.

“Iba si Lord, iba Siyang magpabuya talaga. Alam Niya na ‘pag maganda ang intensiyon mo, maganda rin ang kapalit.

“Sa bawat intriga, iniiisip ko na lang na may kapalit na naman itong maganda.

“Ganun kasi ang nangyayari, ‘pag binato ka nang binato, iiyak ka ng kaunti. Pero paggising mo kinabukasan, maganda na yung kapalit kaya okay na rin. Naglaho lahat ng inis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heto… heto ang dahilan para lalo akong magpurisge.”

Aminado si Vice na marami na siyang mga intrigang iniyakan, pero ang lahat ng hindi magagandang opinyon sa kanya ng iba ay nirerespeto naman daw niya.

Aniya, “Marami naman akong iniiyakan, tao lang naman. Lahat naman matitindi, pero kaya ko.

“Nasanay na ako kasi malaya naman silang sabihin kung ano ang gusto nilang sabihin.

“Yung mga pangyayari sa buhay ko ang pilit na nagtatanggol sa akin, hindi tao.

“Tulad ng tatanggapin ko ngayon [na awards], ito ang sagot sa lahat ng binabato sa akin.”

RUMORED RIFT. Nabalita na may hidwaan diumano sa pagitan ni Vice at ng direktor ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes.

Sa interview noon ni Vice sa The Buzz ay sinabi ng comedian na naplantsa na kung anuman ang hindi nila pagkakaintindihan ng direktor.

(CLICK HERE to read related story.)

“Oo, plantsado na.

“Una, hindi naman ganun kahirap plantsahin kasi hindi naman ganun kami magkaaway ni Direk Bobet.

“Pinalaki na lang nang pinalaki ng mga tao. Wala talaga kaming problema," saad ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN