Rocco Nacino takes on a role of a lifetime as Ilocano superhero Lam-ang

Rocco Nacino plays the fictional Ilocano superhero Lam-ang in the movie of the same title. The film’s director, Ana Agabin, says the StarStruck alumnus is "perfect for the role."


Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagba-blocking ng kanilang fight scene sina Rocco Nacino at Rochelle Pangilinan, kasama ang direktor nilang si Ana Agabin, sa set ng pelikulang Lam-ang sa San Ildefonso, Ilocos Sur, noong Linggo, April 29.

Ang fight scene na iyon nina Rocco (bilang Lam-ang) at Rochelle (bilang Saridandan) ay kinunan sa isang tree house na itinayo para lamang sa pelikula.

Ayon sa line producer ng Lam-ang na si Dennis Evangelista, nagkakahalaga ang tree house na iyon ng P100,000.

Hindi naman daw masasayang ang ginastos sa tree house dahil pagkatapos ng shooting ng Lam-ang sa Ilocos Sur ay gagawin na itong tourist spot.

ALLERGY. Pagkatapos ng kanilang blocking ay bumaba na si Rocco mula sa tree house para makapanayam ng PEP at ilan pang piling entertainment press.

Isang araw bago dumating ang aming grupo sa Vigan, Ilocos Sur ay nabalitang dinala sa ospital si Rocco pagkatapos mamaga ang kanyang mukha at katawan dahil sa allergy.

Pero nang makausap namin ang young actor ay wala nang bakas ng pamamaga sa kanyang katawan.

Kuwento ni Rocco, nagkayayaan kasi sila ng kanyang mga kasama sa pelikula na kumain sa isang exotic restaurant sa Vigan.

Ilan daw sa mga kinain nila ay “mountain ants, wild boar, frog…”

Natatawang sabi pa niya, “So, naging curious ako, e. ‘Tikman ko nga ‘to!’ So, hindi sanay yung katawan ko.”

Mabuti na nga lang daw at nagamit niya ang Nursing course na tinapos niya sa kolehiyo.

“So, tama din po yung ginawa ko. Uminom po ko ng antihistamine.

“’Tsaka pagdating ko ng hospital, yun din naman po sinabi ng doctor, e, ‘Just take antihistamine, maya-maya mawawala na ‘yan.’

“So, after po nun... it makes you drowsy, e, so I slept for awhile.

“’Tapos maya-maya, nawala na yung maga sa may ilong ko, sa leeg… ang lalaki ng dito ko po, e, so nabawasan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRIME PROJECT. Pagkatapos ng kanyang debut film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa noong isang taon, isang magandang proyekto na naman ang napunta kay Rocco—ito ngang Lam-ang.

Ayon nga sa beteranong manunulat na si Mario Bautista, tiyak na makakatulong ito upang lalo pang umangat ang kanyang career.

Maikukumpara pa nga raw ang Lam-ang sa 1976 film ni Eddie Romero na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon na pinagbidahan ng baguhan pa lamang noon na si Christopher de Leon.

Pagmamalaki naman ni Rocco, “’Tsaka kung napanood n’yo yung preview, ang linis!

‘’Tapos sabi ko sa editor namin, si John Wong, ‘Ang ganda, ang ganda ng kuha!’

“Sabi niya, ’Actually, wala pa yun, hindi pa namin nalilinis. Raw pa ‘yan.’

"Raw pa lang yun. Kasi maganda yung kamera namin, e.”

Ang ginagamit nilang camera ay Alexa, isang klase ng motion picture camera at broadcast camera na nagkakahalaga raw ng P9 million. Pero pinarerentahan daw ito sa mga gumagawa ng pelikula.

Kumusta naman ang kanilang direktor na si Ana Agabin?

“Fun, sobrang saya, very easy to work with.

“Parang… kay Direk, I get to spoof yung mga scenes. Wala lang, to start the day.

“Katulad nung isang araw po… nung pinakaunang eksena namin, para matawa lang po lahat, pagkasabing ‘Action!’ umutot po ako nang malakas!

“Ayun, nagtawanan sila. Yun, okay lang po kay Direk yun. Hindi siya nagagalit.

“Masaya siya katrabaho, at ayun, napaka-dedicated…”

AUDITIONING FOR LAM-ANG. Ayon kay Direk Ana, “parang tumalon galing sa script” si Rocco nang mag-audition ito para sa role na Lam-ang, isang fictional Ilocano superhero.

Ito ay sa kabila ng sinabi noon ni Rocco na parang hindi siya masyadong confident sa ginawa niya sa audition.

Paliwanag naman ng Kapuso actor, “Takot po ako kasi first time ko mag-audition for a movie.

“So, pagdating ko dun, ine-expect ko yung katulad ng ginagawa sa mga workshops, yung mga acting workshops na sobrang heavy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun nga, si Direk, all smiles pag-audition ko."

Bago siya nag-audition for the role, alam na ba niya yung istorya ni Lam-ang?

“Naikuwento na po siya ng mom ko at ng kapatid ko. Nag-research pa kami, e,” sagot ni Rocco.

Pero ang kuwento raw ng ginagawa nilang pelikula ay ang gitnang bahagi ng istorya ni Lam-ang.

“So, sabi ni Direk, hopefully magkaroon ng prequel and sequel,” asam ni Rocco.

Ayon kay Direk Ana ay “perfect for the role” si Rocco kaya natanong ng PEP ang Kapuso star kung seryoso nga ba siyang aktor.

“Parang kada shoot, umuutot po ako!” natatawang biro niya.

“Lumalabas na may iba ibang versions daw si Lam-ang, e…

“Si Lam-ang, si Lam-ay, si Lang-gam dahil na-allergy…

“Si Lam-pa, nadadapa-dapa, ano pa… si Lam-ya…

“Ano pa, marami pa so… seryoso ba ‘ko?” tawa na naman niya.

TRAINING FOR FIGHT SCENES. Bilang Lam-ang ay sasabak sa maraming fight scenes sa pelikula si Rocco, gaya nga ng eksenang kukunan sa kanila ni Rochelle noong araw na iyon.

Bago sumabak sa actual shooting ay nagkaroon muna ng training si Rocco para sa iba’t ibang klase ng pakikipaglaban,

“Every Tuesday, Thursday, Saturday… So, kapag wala akong taping ng Good Daughter, andun ako sa Muntinlupa, nagte-training ako dun."

Ang instructor ni Rocco ay si Ray Ibañez na siya ring fight director nila sa Lam-Ang.

“Itong scene na ‘to, I’ll be using an itak, yung malaking itak.

“Yung art ng arnis, ia-apply po sa itak,” sabi pa ng StarStruck alumnus.


Isa pang ginagawa ni Rocco bilang paghahanda sa mga fight scenes niya ay ang pagtakbo.

“Before the shooting starts, susuutin ko yung jacket ko, sa may arawan, tatakbuhin namin yung area.

“Kahapon, tinakbo naming yung sa may along the beach... saka push-ups.

“Actually, yung puwede ko lang po gawin dito, e, tumakbo at mag-arnis. Pero it’s fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumatakbo kami sa fields. At least naa-appreciate ko yung nature ‘tsaka yung way of living ng mga tao dito.”

THE GOOD DAUGHTER. Bago pumunta ng Ilocos Sur si Rocco para sa shooting ng Lam-ang ay nag-advance taping muna siya para sa afternoon soap niyang The Good Daughter.

“Maraming-marami pong eksenang ginawa bago po pumunta dito. So, madugo po,” banggit pa niya.

Bagamat mataas ang ratings ng The Good Daughter ay matatapos na raw ito sa huling linggo ng Mayo.

Yun nga lang, pagbalik daw niya sa taping ay siguradong maninibago ang viewers ng kanilang programa dahil sa pagbabago ng kanyang hitsura.

Natatawang sabi ni Rocco, “Hindi ko po alam kung ano magiging dahilan kung bakit umitim si Darwin [pangalan niya sa serye], ‘tsaka mas humaba ang buhok!

“Kailangan ko po magpahaba ng buhok para sa second leg [ng shooting ng Lam-ang], naka-extensions na lang ako.”

Sa first leg kasi ng shooting nila ay naka-wig lamang si Rocco.

Ang second nila, na magsisimula sa May 28, ay kukunan naman sa La Union.

MOST PROMISING MALE STAR. Dahil sa shooting niya ng Lam-ang kaya hindi nakadalo si Rocco sa 43rd Box-Office Entertainment Awards noong Linggo ng gabi, April 29.

Si Rocco ang itinanghal na Most Promising Male Star of the Year.

Paliwanag pa niya, “May isa pa kasi kaming fight scene ni Rochelle, sa gabi gagawin.”

Ang nakababatang kapatid ni Rocco na si Kyle Nacino ang tumanggap ng award para sa kanya.

Ano ang pakiramdam ni Rocco na marami nang recognitions ang natatanggap ng “small film” nilang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa— hindi lamang para sa kanya kundi pati na sa co-stars niyang sina Jean Garcia at Paulo Avelino?

“Kausap ko po yung isang cameraman namin na kasama po namin sa Sayaw, sabi ko, ‘Hindi ko akalaing aabot sa ganun yung film natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakalaking blessing na tinanggap ko ‘to.

“Ang daming blessings na dumating, so hindi ko talaga ine-expect na aabot sa ganito,” saad ni Rocco.

Sa Urian Awards ay marami ring nakuhang nominasyon ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa—kabilang na sina Jean (Best Supporting Actress) at Paulo (Best Actor)—pero hindi nominado si Rocco.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“E, you cannot always have everything, e. You can’t always have everything… just continue what you do best," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN