Neil Coleta on rumor that a gay benefactor gave him a condo unit: "Walang gay benefactor. Ako lang! Ipon ko yun, ‘no!"

Neil Coleta has learned early in life to be a wise spender. He says that after paying in full his condominium unit, he plans to have another house in Cavite, only after he buys his own car. He says: “Gusto kong bumawi sa sarili ko at sa pamilya ko.”


Nakapagpundar na ng two-bedroom condo unit ang commercial model turned actor na si Neil Coleta.

Ngunit may mga nang-iintriga na baka raw bigay ito sa kanya ng isang gay benefactor.

“Ha? Walang gay benefactor. Ako lang!” natawang sabi ni Noel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong fantasy series ng ABS-CBN, ang Aryana, sa Sulu Hotel noong Martes ng gabi, May 1.

Dagdag pa niya, “Ipon ko yun, ‘no! Pinagtrabahuhan ko.”

CONDO HAVEN. Hindi na nga raw siya naglalalalabas lately. Ini-enjoy raw niya na mag-stay na lang sa kabibili niyang condo sa Pasig City.

“Kapag wala akong trabaho, doon lang talaga ako.

“Ang sarap ng feeling kasi bago. Sa akin na yun, e, hindi na ako nagri-rent.

“’Tapos may veranda. Kumpleto ang amenities doon—may basketball court, may swimming pool.

“Napakatahimik na place. Unlike before kasi na tabi ng MRT yung nire-rent kong place.

“Ngayon, mas tahimik at nakakapag-concentrate ako.

"‘Tapos kapag walang trabaho, doon ako lagi. Hindi ako umaalis.

"Ako at saka ang driver ko lang doon.

“Mahirap mamuhay away from my family, pero sanay na ako kasi.

"Three years na akong independent.”

Nagdadala ba siyang babae doon?

“Hindi. Kahit itanong n’yo sa guard, wala!” sabay tawa ng young actor.

Single ba siya ngayon?

“Oo. Tama lang na single muna para mas makapag-focus sa trabaho.

“Wala muna kasi ang dami kong gastos ngayon, e. Binabayaran ko ang condo ko.

“Pagdating ng August, ang laki ng babayaran ko lalo. Kailangan kong mag-ipon.

“Nagbayad na ako ng 20 percent sa condo—3.5 million [pesos] ang halaga no’n, e. Fifty-three square meters yun… sobrang laki!

“At saka sarili kong design. Ultimo appliances, ako ang namili, pati mga frames.

"Nagpa-interior ako pero ako ang nag-design.

“Kaya tama lang muna na walang girlfriend dahil marami akong gastos.

“After ng condo, sunod na plano ko ay bahay naman sa Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After ng kotse ko, dapat bahay naman sa Cavite.

“Kaya lang, sabi ko nga sa Mommy ko, kesa nagri-rent ako, bibili na ako ng sarili ko.

"Kasi ang hirap naman na puro waldas lang ako at walang nangyayari.

“Pinayagan naman ako na bumili ng condo.”

GOING AHEAD? Magka-batch sila ni Daniel Padilla sa Growing Up. Ngayon, parang mas nabibiyayaan si Daniel ng break kaya may mga nagsasabing nauungusan na siya nito.

Ano ang masasabi ni Noel dito?

“Hindi naman, kasi magkaiba naman kami, e.”

May mga naniniwalang na leading-man material si Neil, kaya lang, parang mailap pa rin nga ang big break for him.

Sagot niya rito, “Ako naman, happy na ako kung ano ang dumating.

"Kahit maliit na raket pa ‘yan, tatanggapin ko. Basta may work.

"Kailangan ko kasi dahil sa mga bayarin ko ngayon.”

ARYANA PROJECT. Kasama si Neil sa cast ng bagong fantaserye ng ABS-CBN na Aryana, kung saan bida ang teen actress na si Ella Cruz.

Ibang-iba raw ang role niya rito.

“Mabait ako rito. Kapatid ako ni Pokwang, pamangkin ko si Aryana.

“Light yung role ko. ’Tapos parang loveteam kami rito ni Bianca Manalo [swimming instructor ni Aryana].

“Pero wala pa kaming nakukunang eksena together.

“Tinanong ko nga siya [Bianca] kung naghi-heels ba siya kapag nagti-take. Hindi naman daw.

“Pero gano’n din, e. Ang tangkad pa rin niya kahit hindi naka-heels!" tawa ni Noel.

COLEEN GARCIA. Biniro naman ng press si Noel na naunahan siya ni Gab Valenciano kay "Mattina"—ang partner niya sa isang iced tea commercial na si Coleen Garcia.

“Hindi. Siyempre, ayoko namang makagulo sa mga ganyang bagay," sabi naman ni Noel.

O, baka totoo nga ang tsismis na torpe siya?

“Minsan kailangan nating maging torpe. Dumidepende tayo sa babae.

“And… wala. Kaibigan ko lang si Coleen.

“At saka ayoko munang manligaw o mag-girlfriend. Trabaho muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang dami kong gastos talaga. Kailangang mag-work nang mag-work.

“At saka second life ko na ito matapos akong maaksidente.

“Gusto kong bumawi sa sarili ko at sa pamilya ko,” sabi ni Noel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN