Maja Salvador on doing another daring role: “Hindi po ako tumatanggi.”

After earning several acting nominations for her performance in Thelma, Maja Salvador is considering doing another indie film. However, since many noticed her acting prowess in this movie, the young actress says, “Dapat sa susunod na gagawin ko, ‘yong iba naman, ‘yong maka-capture ko pa rin ‘yong panonood ng mga tao."


Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ni Maja Salvador sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye niyang Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin.

Natutuwa si Maja dahil marami ang sumubaybay sa afternoon soap nilang ito, na pinagbibidahan din nina Jason Abalos at Patrick Garcia.

Subalit nalulungkot din si Maja dahil huling linggo na ng programang ito ng ABS-CBN Kapamilya Gold.

Tapos na raw ang last taping day ng kanilang grupo at noong araw na ‘yon, sabi ni Maja, “Sobrang sagad talaga, as in late na kami na-pack up, pero worth it naman kasi lahat kami magkakasama.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja kahapon, Mayo 2, sa SM Makati, kung saan nag-promote siya ng kanyang iniendorsong produkto, ang GE cameras.

Kuwento pa ng dalagang aktres, “Kapag last taping day talaga, naka-call, e, nasa set lahat. So masaya ang last taping day namin.

“Nakakapagod, pero sobrang worth it kasi maganda naman ‘yong ibibigay namin para sa lahat.”

Sa pagtatapos ng Lumayo Ka Man Sa Akin, partikular daw na mami-miss ni Maja ang karakter na kanyang ginampanan.

Aniya, “Sobrang mami-miss ko lalo na ‘yong character ko na si Janine, kasi isa ‘yon sa mga kakaibang character ko na nagawa ko talaga.

“Sobrang ‘yong character ko, talagang nakaranas ng maraming pagsubok sa kanyang buhay.

“Every character na gagawin ko kasi, may matututunan ka talaga.”

ON DOING DARING ROLES. Sa kanyang role bilang Janine, mas daring ang ipinakitang pag-arte ni Maja.

Ibig sabihin ba nito ay mas okey na sa kanya na tumanggap ng ganitong klaseng role sa mga susunod niyang proyekto?

“Depende. Depende sa sasabihin ng management,” sagot ng Star Magic talent.

“Pero kasi, hindi naman ako masyadong sexy dito sa PHR, medyo daring lang.

“Wala rin naman akong ipinakitang ano... senswal lang.

“Pero, di ba, hindi naman mabubuo ang isang love story kung walang ganung parte ng love story?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat kaya na niyang gawin ang mga ganitong uri ng role, nilinaw ni Maja, “Ako, basta kailangan sa istorya, ginagawa ko po.

“Kung sa next project kailangang maging mas sexy, hindi po ako tumatanggi.”

Ano naman ang reaksiyon ng kasintahan niyang si Matteo Guidicelli tungkol dito?

“Wala siyang magagawa, ako ang batas!” natatawang sagot ni Maja.

Pero dagdag niya, kapag may ganito siyang proyekto ay sinasabi naman niya kay Matteo.

“Pero hindi ko pinapaalam. First, hindi ko siya manager."

Gayunman, aniya, “I’m very thankful na suportado niya ako sa PHR, hindi lang siya nanonood.”

Nabanggit din ni Maja na magiging pareho lang sila ni Matteo dahil halos ganito rin ang magiging role ng boyfriend niya sa susunod nitong TV project.

“Siya rin naman, mayroon siyang gagawing teleserye na PHR din with Jessy Mendiola.

"I’m very excited na gagawa na siya ng mga gano’ng role.”

GAWAD URIAN NOMINATION. Samantala, matapos ang magkasunod na nominasyon ni Maja bilang Best Actress sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (EnPress) at Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), muli na naman siyang nominado para sa parehong kategorya sa 35th Gawad Urian na gaganapin sa Hunyo.

Ito ay para sa pagganap niya sa pelikulang Thelma.

Malaking karangalan daw para sa young actress na mapasama sa mga nominado bilang Best Actress sa Gawad Urian.

“Nagulat po talaga ako,” sabi ni Maja nang tanungin ng PEP kung ano ang reaksiyon niya nang malaman ang tungkol dito.

“Kasi, kahit ma-nominate ka lang doon, para ka nang nanalo ng Best Actress talaga, e.

"Iba talaga kapag na-nominate ka sa Gawad Urian.

“I’m very thankful po sa tiwalang binigay nila sa akin.

"Iba ang feeling na ma-nominate ka, [ibig sabihin] may tiwala sila sa talent mo, may tiwala sila sa proyekto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa nominasyon sa Gawad Urian, ikinagagalak din ni Maja ang iba pang pagkilala na natatanggap ng pelikulang Thelma, na idinirek ni Paul Soriano.

Kabilang na rito ang pagkapanalo nito kamakailan ng Bronze Palm Award sa 2012 Mexico International Film Festival.

Nominado rin ang Thelma bilang Best Feature Film at Best Cinematography sa 2012 Madrid International Film Festival sa Hunyo.

Dahil dito, itinuturing ni Maja na isa sa mga suwerte sa kanyang showbiz career ang pelikula, na una rin niyang independent film.

Sabi ni Maja, “Kahit hindi ako na-nominate abroad, siyempre, ‘yong aming movie nano-nominate.

“Ang daming nominations. Ang daming invitations for the festivals.

“So, we’re very, very happy po na ‘yong pelikula namin, ‘yong Thelma, hindi lang po dito sa Pilipinas nakilala, pati sa ibang bansa po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN