Nora Aunor still mum about additional projects with TV5 after Thy Womb; dispels unsafe reputation of Tawi-Tawi

Nora Aunor spent almost three weeks of location shooting in Tawi-Tawi and Cebu for her latest movie Thy Womb. The indie film is rumored to be one of the most memorable films to be done by the Superstar to date and likewise for its award-winning director Brillante Mendoza. The combined talents of the two icons of Philippine cinema also make Thy Womb one of the most-awaited movies this year.


Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang mga bagong patutunguhan ng career ng Superstar na si Nora Aunor, matapos ang pamamalagi at pagsu-shooting ng pelikulang Thy Womb sa Tawi-Tawi island at Oslob, Cebu, mula April 14 hanggang April 30.

Sa panayam kay Ate Guy ng ilang taga-media noong Martes, May 1, sa NAIA Terminal 3, nagpahayag ang aktres ng ilang mahahalagang impormasyon.

Pero non-committal pa rin si Nora hinggil sa mga proyektong sisimulan niya sa TV5, kung saan mayroon siyang three-year exclusive contract.

"Wala pang nabanggit [ang TV5], pag-uusapan pa," sabi ni Nora.

Definitely, may bagong project na inihain ang TV5 kay Nora matapos ang mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina noong Oktubre 2011.

TV5 PROJECTS. Kabilang sa nabanggit ng source ng PEP ang isang regular teleserye (pang-isa o dalawang seasons), drama anthology, at pelikulang pang-mainstream.

“Magko-concentrate muna ako dito [sa Thy Womb]... sa promotions... aasahan po namin ang inyong pag-suporta," ayon kay Nora.

Mahigit limang taon ding hindi gumawa ng pelikula si Nora kaya masasabing importanteng "comeback movie" niya ang Thy Womb.

Sabi pa ng Superstar, "Malaking pelikula po ito, na pinaghirapan naming lahat.

“Hindi po kayo mapapahiya, ako po ang nagsasabi [na] kakaiba po itong pelikula na ito.

"At first time na nakatrabaho ko si Direk Brillante [Mendoza].

“Actually, noon pa, pinangarap ko talaga na maging direktor ko siya."

"Ayokong ikuwento, ’wag na muna… pero kakaiba talaga [ang pelikula]!"

ANOTHER MOVIE WITH MENDOZA. May susunod na bang project si Ate Guy with Direk Brillante?

"A, umaasa pa ako na magkakaroon pa kami ng isa, dalawa, pangatlo, pang-apat... marami pa kaming gagawin!" nakangiting sambit ni Ate Guy.

"Sa mga fans, asahan n’yo po na ang inyong pinakamimithi na pelikulang dapat kong gawin ay... ’eto na po!

"Sana po ay matuwa kayo, lalung-lalo na at si Direk Brillante po ang naging direktor ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po niya ako pinabayaan. Ipagmamalaki natin ito."

U.S. BOUND AGAIN. Nabanggit din ni Ate Guy ang plano niyang pagpunta muli sa Amerika para sa scheduled throat operation niya sa Boston, Massachussets.

"Ang nasa isip ko ngayon, yung pangarap kong concert, pagkatapos ng operation sa October," banggit niya.

Most likely, nasa States at malayo si Ate Guy sa mga fans sa kanyang kaarawan sa May 21.

Pero aniya, "Ang mga fans, alam mo, kahit hindi kami nagkikita, kahit hindi kami nagkakausap, alam nila na nasa puso’t isipan ko sila.

"Pati sila, ganun din."

Umaasa ba si Nora na maaayos pang muli ang kanyang boses, thru more medical check-ups?

"Matagal ko nang inaasahan na bumalik na ang aking boses para sa mga tao na nabibigyan natin ng kaligayahan sa buhay, sa pamamagitan ng pagkanta ko.

"Dahilan sa dito ako nagsimula… ito ang ipinambuhay ko sa pamilya ko.

“Kaya hindi puwedeng hindi bumalik [ang boses ko]," saad niiya.

IN OSLOB, CEBU. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Nora, nagbanggit ng Superstar ang iba pa niyang karanasan sa shooting ng Thy Womb.

Ano ang pinaka na-enjoy ni Ate Guy sa pag-a-out-of-town shooting niya recently?

"Ay, ang kumain at magpataba!" natatawang bulalas niya.

Bukod sa mga lugar sa Tawi-Tawi—’tulad ng Bongao at Sitangkai—napuntahan din ng grupo nina Nora, Direk Brillante, at Bembol Roco ang Oslob, Cebu, na kilala sa pagdaan ng mga butanding o whale sharks sa lugar.

May one-day shooting sina Nora at Bembol sa Oslob noong April 30 at nasuwertehan nila ang paglangoy ng ilang butanding.

Kuwento ni Nora, "Naku, muntik nang maging perfect yung butanding na nakita namin!

“Pero anim lang kasi yung nagpakita."

Sumakay ba si Nora sa butanding?

"Hindi. Bawal, e… bawal. Mamaya, baka pati ako, maging butanding!" biro ni Ate Guy.

GOOD WORDS. ’Tulad ni Direk Brillante, na maganda ang mga sinabi about Ate Guy, Nora has good words also for the Cannes Filmfest award-winning director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, maganda ang naging experience namin... at ang promotor talaga ng lahat ng ’yon ay si Direk Brillante!

"Si Dante, mahal na mahal talaga siya ng mga taga-Tawi Tawi."

Kumusta naman ang naging pakikipagtrabaho niya sa mga kabataang artista, ’tulad nina Lovi Poe at Mercedes Cabral?

"Ay, may mga anak na ako uli!" sabi ni Ate Guy.

With Lovi, balitang agad silang nagkasundo. Na-starstruck daw si Lovi kay Nora at sa workshop pa lang ay yakap na nang yakap ang young actress sa kanya.

"Malambing... napakalambing," pagtukoy ni Ate Guy kay Lovi.

Si Mercedes naman, medyo aloof sa umpisa, pero kinalaunan ay nagkagaanan din sila ng loob ni Ate Guy.

"Oo, mababait sila... lalo na si Chedeng," banggit ni Nora kay Mercedes.

PEOPLE OF TAWI-TAWI. Higit sa lahat, napamahal si Nora sa mga mamamayan ng Tawi-Tawi.

"Mababait ang mga tao doon, lalo na yung mga sundalo, mga pulis—walang problema.

"Mahusay silang makisama... hindi mahirap kausap, hindi mahirap lapitan, dahil sila na mismo ang kusang tutulong.

"Tahimik talaga sila, ayaw nila ng gulo.

“Kung ano yung buhay nila ngayon, masaya na sila sa buhay nila.

"Sabi ko nga, kaiba sa mga nababalitaan natin, peaceful talaga [ang Tawi-Tawi].

“Kailangang magpunta ka doon para makita mo kung gaano kababait ang mga tao," namamanghang sabi ni Ate Guy.

Nang lisanin ng grupo ang Tawi-Tawi noong April 29, naging emosyunal pa raw ang mga mamamayan doon.

"Umaakyat na ako sa eroplano, meron pang nagba-babay.

"Gano’n sila kababait… mapagmahal ang mga taga-Tawi-Tawi."

Bunga nito ay nag-iwan ng pangako si Ate Guy para sa mga nangangailangang mamamayan ng Tawi-Tawi.

"Yung ipinangako ko po sa inyo, ’tulad po ng sinabi ko, anu’t anuman po ang mangyari, gagawin ko po lahat ng mga ipinangako ko—sa Bongao at Sitangkai.

"Siyempre, sa tulong ni Governor and Mrs. [Sadikul] Sahali, at ni Norjay [anak ng Governor], at saka si Vice Governor Ruby [Sahali-Tan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming salamat po," pagtatapos ni Ate Guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN