Ella Cruz wants to follow footsteps of Angel Locsin; imposes no-boyfriend policy

Ella Cruz started her career portraying child roles until Aryana came along. In Aryana, she portrays a teen-age lass who was separated with her human family to be raised as a mermaid. This is Ella’s first lead role in a teleserye and she is being launched as ABS-CBN’s latest Fantaserye Princess.


Hanggang ngayon pala ay si Angel Locsin pa rin ang itinuturing na idolo at gustong sundan ang yapak ng Kapamilya teen star na si Ella Cruz.

Malaki raw talaga ang paghanga at respeto ni Ella kay Angel simula pa noong nasa GMA-7 pa sila, kung saan gumanap siya bilang batang Angel sa Majika noong 2006.

Lagi nga raw niyang inaalala ang mga advice sa kanya ng Ate Angel niya.

“At saka si Ate Angel po simula pa noon hanggang ngayon ang bait-bait pa rin po,” sambit ni Ella.

Nakausap si Ella ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Aryana sa Sulo Hotel poolside sa Quezon City noong May 1.

Nagkita na ba sila ni Angel sa ABS-CBN compound ngayong pareho na silang Kapamilya?

“Opo, nagkita po kami noong Linggo po [April 29] nung nag-ASAP po ako at saka The Buzz. Nagkita po kami sa dressing room.

“Nag-congrats po siya sa akin. Sabi niya, ‘O eto na, ang tagal mo nang hinintay ito. Congratulations!’

“E, kinakabahan po ako kasi The Buzz po yun.

“Sabi ni Ate Angel, ‘Huwag kang kabahan. Ang tagal-tagal mo nang ginagawa’ yan.’ Ganun po.

“Sobrang bait niya pa rin po. At saka minsan po magka-text po kami.”

Bukod kay Angel, idolo rin daw ni Ella sina Anne Curtis at Judy Ann Santos. Sana raw ay makasama niya rin sa mga proyekto ang kanyang mga idolo.

NO-BOYFRIEND POLICY. Pangarap ni Ella na maabot ang kasikatan ng kanyang mga idolo.

Kaya naman naka-focus talaga siya sa kanyang showbiz career, lalo na ngayong nabigyan siya ng big break bilang bida sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na mapapanood na simula sa Lunes, May 7.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kaya pinili niyang huwag munang magpaligaw. Bukod dito, bata pa naman daw siya sa edad na 15 years old.

Aniya, “Ayaw pa po ni Mama at saka ako rin po, ayoko pa talagang magpaligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap pong magsabay-sabay po lahat ‘yan, e.

“Yung pag-abot ng pangarap mo, yung pag-aaral mo, ‘tapos idadagdag mo pa yang boyfriend-boyfriend at ligaw-ligaw.

“Basta ngayon, ayoko po muna. Darating din naman yung right time para diyan.”

Meron na bang nag-attempt na manligaw sa kanya?

“Meron naman po. Pero hindi po talaga yun ang priority ko ngayon, e. Kaya basted po kaagad!” natatawang sabi ni Ella.

PAUL SALAS. Kaya nga raw kahit na tinutukso siya sa kanyang kapareha sa Aryana na si Paul Salas ay hindi naman niya ito sineseryoso.

Ano naman ang reaksiyon niya na sabi ni Paul ay “perfect” daw ang kagandahan niya?

“Ay, lagi niya pong sinasabi iyan sa akin!

“Parang hindi naman na ako naniniwala. Lagi niyang sinasabi sa akin iyan.

“Pero sobra po kaming magkasundo ni Paul, magkaibigan po kami.

“Kasi simula po mga bata pa kami, magkasama na kami noong nasa GMA pa kami, ‘tapos ngayon nandito na kami pareho sa ABS.

“’Pag nasa set po, lagi niya po akong kinukulit. Kung anu-anong banat ang sinasabi po niyan.”

Pero bilang kaibigan, ano ba ang nagustuhan niya kay Paul?

“Bilang kaibigan, kahit po makulit siya, gusto ko yung pagiging gentleman niya. Napakabait niya po.

“Kasi po ‘pag alam niyang wala ako sa mood o bad trip po ako, nilalapitan niya po ako para pasayahin at patawanin.

“So, yun po ang gusto ko sa kanya kasi kilala na niya ako.”

Malaking tulong daw ang pagiging magkaibigan nila para mas maging madali ang trabaho nila sa Aryana.

Pero kung may nagkakagusto raw sa tambalan nila ni Paul, meron din daw may mga ayaw.

“Sa Twitter nga po parang may mga nagagalit sa akin na parang sinasabi, ‘Hindi kayo bagay ni Paul. Mas bagay kami.’

“Sabi ko, ‘Trabaho lang naman, bawal ba?’

“’Tapos yung iba, ‘Nagseselos ako kay Ella kasi kasama niya si Paul.’ Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan hindi ko na lang din po pinapansin.”

Paano kung ligawan siya ni Paul?

“Depende po kung paano yung way ng panliligaw.

“Pero kung ngayon po, ayoko pa po talaga. Kasi darating din naman yung panahon para diyan.

“At saka alam ko po may kontrata po sila ng daddy niya na hindi muna siya manliligaw hanggang 18 na siya.”

SHOWBIZ CRUSH. Kahit ayaw niya pang magpaligaw, hindi naman itinago ni Ella na may showbiz crush din siya.’

“Si Xian Lim po,” nakangiting sabi niya.

“Kasi po ang cute-cute niya dun sa My Binondo Girl.

“Nung nagkita nga po kami sa Eastwood, na hindi niya pa alam na nag-aartista ako, fan mode po ako, ‘Kuya Xian, pa-picture po, pa-picture.’ Yung ganun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN