Cristalle Henares says mom Vicki Belo and dad Atom Henares are better off as friends than husband and wife

“That will make me so happy para naman puwede akong magtrabaho, sila na bahala sa apo,” says Cristalle Henares when asked why she wants her mom and dad live with her in the future.


Isa sa parehang umagaw ng pansin sa 43rdBox Office Entertainment Awards Night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ay ang dating mag-asawang Dra. Vicki Belo at Atom Henares.

Dating asawa at ama ng mga anak ni Dra. Vicki na sina Cristalle at Quark si Atom.

Sa kanilang pagdalo na magkasama, may mga nag-isip tuloy na mukhang may posibilidad na magkabalikan ang dating mag-asawa, lalo’t natuldukan na ang relasyon ni Dra. Vicki kay Hayden Kho. Balita namang walang girlfriend ngayon ang businessman na si Atom.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristalle sa Metrowear Fashion Rocks The Runway event noong Miyerkules, May 2, sa Edsa Shangri-La Hotel ay kinuha namin ang saloobin niya tungkol dito.

Aniya, “Hindi rin, e, kasi alam ko kasi sila bilang husband and wife. Alam ko medyo magulo lang talaga silang dalawa.

“Para silang kids na may sari-sariling buhay. Iba ang character nila, e.

"So ‘pag husband and wife [sila], mahirap talaga. Pero as friends, sobrang okay.”

LOYALTY AND FAITHFULNESS. Nagpahayag naman ng tuwa si Cristalle sa magandang relasyon ng mga magulang bilang magkaibigan.

“Ako, sobrang saya ako. My mom and my dad, they’ve been good friends ever since.

“When they broke up, there was a few years na hindi talaga sila friends, but eventually they found their friendship again.

“Para sa akin, yung relationship nila, hindi ibig sabihin kailangan mag-husband and wife kayo to be in a relationship.

“Nahanap nila yung perfect mix ng relationship nila—to be best friends.

“Nakikita mo yung closeness nila.

"Pero, di ba nga, there’s a difference between loyalty and being faithful?

“My dad is very loyal but then unfortunately, parang he wasn’t faithful to my mom.

“Pero pagdating sa loyalty, you know sa business, may problema si Mommy… si Daddy nandiyan kasi businessman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yung nandiyan to come to her rescue."

WHEN THEY’RE OLD AND GRAY. Paano kung ang mga magulang niya, pagtuntong nila ng 70 at wala silang respective partners, ay magbabalikan?

Ayaw raw muna itong isipin ni Cristalle dahil ang focus niya ay makapagpatayo ng sariling bahay kunsaan makakasama ang mga magulang.

“Ngayon, medyo magulo pa yun.

"Pero para sa akin, yung in the future… ang vision ko is to have a house and to have my mommy and daddy live with me, kahit na separate rooms.

“That will make me so happy para naman puwede akong magtrabaho, sila na bahala sa apo," sabi niya.

GOOD CAUSE. Isa si Cristalle sa sumuporta sa 2012 Metrowear fashion show kung saan nagustuhan niya ang magandang layunin nito.

“It’s a mix of both senior and amateur… up and coming junior designers.

“What I most love about it though is that they used eco-friendly fabrics.

“That’s something new to see especially in the present situation of the world right now.

“Alam ninyo naman the world is going to global warming.

"People must have to be more conscious about their environment and things like that.

“It’s a matter of putting ecology and beauty together which is an amazing concept," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN