Maui Taylor returns to acting in the Korean film The Taste of Money, entry at this year’s Cannes filmfest

After her 2008 movie Torotot, Maui Taylor goes to acting via the Korean erotic suspense-drama film The Taste Of Money [left]. “Feeling ko nung nag-start kaming mag-shoot, para akong nangangalawang,” admits Maui.


Brokenhearted mula sa huli niyang nakarelasyon, tinanggap ni Maui Taylor ang alok mula sa isang Korean film company na gumawa ng pelikula sa Seoul, South Korea.

Apat na buwan—November 2011 to February 2012—nag-shoot ng pelikula ang 30-year-old sexy actress kasama ang mga Koreano.

“Ako lang po talaga ang Filipino roon. Lahat, Korean,” sabi ni Maui nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na inimbitahan sa pa-presscon sa kanya ng mother studio niyang Viva Films sa opisina mismo nito sa Tektite Bldg., Pasig City, kaninang hapon, Abril 4.

Sa umpisa lang daw naging mahirap para kay Maui ang pakikipagtrabaho sa mga Koreano dahil halos hindi sila magkaintindihan.

“Nung una, hindi naman po kasi sila lahat fluent sa English. So, medyo nahirapan po akong kausapin sila.

“Pero tinulungan na kami ng make-up artist, ‘tapos yung isang co-actress na kasama ko dun na Korean din, she knows how to speak in English very well, so siya rin yung nagta-translate,” kuwento ni Maui.

Kasama ang dating Viva Hot Babe sa Korean film na The Taste Of Money, isang erotic suspense-drama na umiikot sa obsesyon ng characters sa kapangyarihan, pera, at sex.

Ang award-winning Korean director na si Im Sang-soo ang nagdirek ng pelikula na—katulad din ng huling pelikula nito na The Housemaid (2010)—magko-compete para sa Palme d’Or ng 2012 Cannes Film Festival.

Ang Palme d’Or ang pinakamataas na karangalan sa nabanggit na taunang prestihiyosong French international film festival. Ibinibigay ito sa direktor ng mapipiling pinakamagandang pelikula ng festival.

At dahil competition film nga ito, inaasahang kabilang si Maui sa mga lalakad sa red carpet ng Cannes filmfest.

“Actually, pinag-iisipan nila [Korean producers] ngayon,” sabi naman ni Maui. “They’re changing their minds kung sino talagang mga artista ang pupunta.”

Pero kung sakaling makakasama nga siya sa The Taste of Money entourage, ang Filipino couturier at Project Runway Philippines first season finalist na si Veejay Floresca raw ang gagawa ng kanyang gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAMANGAN FILM GOT HER IN. Magpe-premiere na raw sa May 15 sa Seoul, South Korea ang The Taste of Money.

“It’s a mainstream movie. To correct everyone, kasi akala po nila, indie lang po ito.

“Hindi po siya indie film, mainstream movie po talaga siya,” paglilinaw ni Maui.

Hindi raw dumaan sa pag-a-audition si Maui para makasama sa pelikula.

“Actually, it was a choice between me and two artists na lang. Kumbaga, me and, I heard, it was Katrina Halili.

“What made me win this role was starring in Ang Huling Birhen sa Lupa, kay Direk Joel Lamangan. Pinanood nila.

“Tapos nung pinanood nila yun, ang sabi nila sa akin, sabi daw nila, ‘Eto na, siya na ang artist natin. Huwag na kayong maghanap ng iba.’

“So, sinuwerte lang,” may pagpapakumbaba pang sabi ni Maui.

Na-impress marahil ang Korean producers at ang direktor sa naging performance ni Maui sa Ang Huling Birhen sa Lupa.

Matatandaang na-nominate pa siya roon sa 2004 Famas Awards para sa best supporting actress award (na napunta kay Celia Rodriguez para sa pelikulang Magnifico).

Malaking karangalan din para kay Maui na makaeksena ang mga sikat at award-winning actors din ng South Korean film industry, katulad ni Baek Yun Shik.

“Siya po yung parang Al Pacino ng [South] Korea. Very popular po,” bida pa ni Maui.

HOLLYWOOD STYLE. Kakaibang experience din daw para sa kanya ang paggawa ng pelikula sa Korea.

“Iba, in the sense na 10 hours doon, 10 hours lang ang work doon. After that, pack-up. Hollywood-style.

“Pero yung pinakamahirap for me there was swimming sa swimming pool, until three in the morning. In cold weather talaga.”

Nagsimula kasi sila ng pagsu-shoot ng mga eksena na halos kakaumpisa pa lang ng winter season sa South Korea.

“No choice, e. We have to shoot it. Since kasama siya sa [Cannes Film] festival, kailangan real-time siya kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging first time in many years din, hindi lang para sa kanya, kundi para sa co-star niyang si Baek ang pelikula.

“First time ng kasama ko [Baek] mag-love scene. ’Tsaka after how many years daw, ngayon lang siya nag-kissing scene ulit.

“So, kinabahan siya talaga. Actually, pareho kaming kabado.

"Ang tagal ko na ring last na gumawa ng sexy movie. ‘Tapos Torotot pa."

Taong 2008 ipinalabas ang sexy movie ni Maui na Torotot. Nung taon ding yun ang huling acting job niya.

Kaya tuloy aminado ang Viva contract star na bukod sa pressure na mag-perform nang mahusay dahil pang-Cannes ang pelikula niya ay may pressure din na ibalik ang kakayahan niyang umarte sa harap ng camera.

“Super dobleng pressure. Kasi feeling ko nung nag-start kaming mag-shoot, para akong nangangalawang.

“Parang ganun yung feeling ko.

"Although marami naman akong guestings dito sa Philippines, pero iba pa rin yung sa big screen."

Here’s the trailer of The Taste of Money:

VIVA HOT BABES REUNION? Samantala, may balak ba siya at ang mga kasama niya sa Viva Hot Babes noon na mag-reunion?

“Actually, may isa pong network na kumukuha sa aming tatlo to come back sa TV—ako, si Andrea [del Rosario], si Katya [Santos]," banggit ni Maui.

Kalaunan ay inamin din ni Maui na ang TV5 ang kumukuha sa kanilang tatlo na natitirang miyembro na lang ng Viva Hot Babes.

Tinanong na rin PEP kung may balak ba silang pagkasunduin ang napabalitang magkagalit ngayon na sina Andrea at ex-member nilang si Gwen Garci.

“Naku, matagal na po yun. Out na po kami dun.

“Pero actually po, one time, gumimik kami kasama ang mga boss. Tinray naman po namin silang pagkausapin.

“Pero siguro may isa lang pong side na talagang mainit pa, so di naman natin kayang pilitin kung talagang medyo mainit pa yung isang side.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN