Ara Mina wants public apology from sister Cristine Reyes: "Aminin niyang siya ay nagkamali at saka siya humingi ng tawad."

Ara Mina (right) on sister Cristine Reyes (left): "Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali? Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya. Hinihintay ko po ang public apology ni Cristine."


Humihingi si Ara Mina ng public apology mula kay Cristine Reyes bago niya ito kausapin para magkaayos sila.

Nagpadala ang aktres ng statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kunsaan kinumpirma niya na nakatanggap siya ng text message mula sa nakababata niyang kapatid.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kay Ara, hindi pa niya sinasagot ang text message ni Cristine dahil hinihintay nitong “aminin” ng kapatid “ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin.”

ARA’S STATEMENT. Narito ang kabuuang statement ni Ara:

“Nais ko pong kumpirmahin na nag-text sa akin si Cristine at nakikipag-ayos.

"Hindi po ako sumagot dahil hinihintay kong aminin niya ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nagawa.

“Iba ho kasi ang pinapalabas niya sa media sa ginagawa niya. Matapos niya kong i-text ng pakikipag-ayos ay pinagsisigawan naman niya ang Mommy namin. Yun po ba ang nagsisisi?

“Masakit ang sugat na ginawa ng kanyang mga paninira sa akin. Siniraan niya ako sa maraming tao.

“Mali po ang ikinakalat ng kanyang kampo na ako ang nagsa-publiko ng mga bagay na ito.

"Si Cristine ang nanira sa akin sa ibang tao.

"Ginawa ko lamang po ang tanging paraan na nakita ko upang matigil ang ginagawa niyang paninira sa akin at upang mabigyan siya ng leksyon kaya po ako nagsampa ng kaso.

“Sa awa po ng Diyos, tumigil na ang paninira niya sa akin sa text. Subalit walang pagsisisi on her part at sa kanyang ginawa.

"Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali?

“Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya.

“Hinihintay ko po ang public apology ni Cristine.

"Sabihin niya sa publiko na ang mga sinabi niyang paninira sa akin ay hindi totoo. Aminin niyang siya ay nagkamali at saka siya humingi ng tawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nagawa na niya iyon, marahil ay maaari na kaming mag-usap upang maibalik ang dati naming relasyon na siya mismo ang sumira.

“Anumang sugat ay napaghihilom ng panahon. Subalit ang pagpapatawad ay ibinibigay lamang sa taong nagsisisi at humihingi ng tawad.”

VIVA ARTISTS AGENCY. Ipinarating ng PEP sa Viva Artists Agency (VAA), Inc.—ang talent management na humahawak sa career nina Ara at Cristine—na merong ipinadalang statement si Ara pero tumanggi silang magbigay ng sagot.

Ayon kay Ms. Veronique del Rosario, head ng VAA, pareho nilang talents ang magkapatid kaya nais nilang maayos ito sa mahinahong paraan.

Alam daw ni Veronique na nag-text si Cristine kay Ara, at hindi ito sinagot ng huli.

Sabi pa ni Veronique, sinubukan nilang kausapin si Ara pero tila hindi pa ito handa. Kaya nag-text daw siya sa aktres na kung handa na itong makipag-usap sa kanila ay sabihin lang nito.

“Sabi ko naman sa kanya, kahit makipag-usap siya kay Daddy [Boss Vic del Rosario], i-text lang ako dahil hinihintay lang namin na puwede na siyang makipag-usap sa amin.

“Sinagot naman niya ako ng ‘okay po,” saad ni Veronique.

Dagdag pa niya, “Nahirapan lang kami, kasi away ng magkapatid ’yan. Ayaw naman naming panghimasukan.

“Personal away nila ‘yan, e, kaya ayoko talagang makialam.

“Ayoko ko ngang alamin ang pinanggalingan ng away nila, kasi magkapatid naman sila, e.

“Sinabi naman namin sa kanila, kung handa na silang mag-usap, nandito lang kami.”

Naniniwala naman daw silang magkakaayos ang magkapatid, hindi lang niya masabi kung kailan ito.

Pero sana raw, sa lalong madaling panahon ay magkaayos na sila at kalimutan na ang pinagdaanan nilang sigalot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN