Albie Casiño slapped by Andi Eigenmann when they bumped into each other; Albie allegedly attacked by Andi’s friends

Young actor Albie Casiño accidentally bumped into ex-girlfriend Andi Eigenmann at Fiamma Bar at dawn today, May 6. Andi allegedly splashed drinks on Albie and slapped his face.


Hindi naging maganda ang pagku-krus ng landas ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Albie Casiño sa isang bar kaninang madaling-araw, May 5.

Aksidenteng nagkita ang dating magkasintahan sa Fiamma Bar sa Jupiter St., Makati City.

Ayon sa kuwento ng ina ni Albie na si Rina Casiño sa PEP contributor na si Gorgy Rula kaninang tanghali, napadaan ang kanyang anak sa mesa ni Andi at ilang mga kaibigan nito.

Hindi malinaw kung nagkausap sina Andi at Albie nang magkita sila, pero sinabuyan daw ng alak ni Andi si Albie at saka sinampal sa mukha.

Pagkatapos nito ay dumiretso si Albie sa banyo upang hugasan at linisin ang isinaboy na alak sa kanya ni Andi.

Dahil sa nangyari, sinabihan daw ni Albie ang kasama niyang kaibigan na umuwi na lamang sila.

Pagdating daw sa parking lot, ayon sa kuwento ni Rina, ay bigla na lamang daw may humataw ng bote sa ulo ni Albie.

Maliban dito ay pinagtulungan din daw bugbugin ng ilang kalalakihan si Albie.

Ayon sa ina ni Albie, hindi nakilala ng kanyang anak kung sino ang humampas ng bote sa ulo niya.

Pero nakilala raw ni Albie ang mga kasama ni Andi noong gabing iyon.

Pinili ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag munang banggitin ang mga pangalan ng sinasabing nambugbog kay Albie dahil hindi pa pormal na nagsasampa ng reklamo ang kampo ng young actor laban sa mga ito.

Dahil sa tinamong mga sugat ay isinugod si Albie sa Makati Medical Center kunsaan nilapatan siya ng karampatang lunas.

Pero mga bandang alas-tres ng madaling-araw ay pinayagan na raw itong umalis.

Dahil nasa Subic, Zambales ang mga magulang ni Albie nang maganap ang insidente ay dumiretso muna ang young actor sa bahay ng kanyang lolo’t lola.

Dito raw kasalukuyang nagpapahinga si Albie.

Pero pagdating daw ni Rina mula sa Subic ay ipapa-blotter nila sa istasyon ng pulis ang nangyaring pambubugbog kay Albie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Himutok pa ng ina ni Albie, bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat samantalang nananahimik na raw ang kanyang anak.

Paano raw kung namatay si Albie dahil sa pambubugbog rito.

Si Albie ang itinuturong ama ng anak ni Andi na isinilang ng young actress noong November 23, 2011.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil hindi inako ni Albie ang responsibilidad ng pagiging ama sa anak ni Andi.

Nagpadala na ng text message ang PEP managing editor na si Karen Pagsolingan sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose upang kunin ang kanilang panig tungkol sa insidenteng ito.

Kung sakaling makakuha kami ng pahayag mula sa kampo ni Andi ay agad namin itong ilalathala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN