Marian Rivera prefers to do comedy over drama: "Para sa akin mas gusto ko ang magpatawa."

If Dingdong Dantes popped the question, would Marian Rivera say yes? “Ano lang…madami pa rin kasi akong gustong gawin at naniniwala naman ako na kung dadating, dadating naman yan. At siguro kung dumating man yan e, sa tamang panahon. Siguro hindi muna sa ngayon," the actress says.


Live na nag-guest ang Primetime Queen na si Marian Rivera kanina sa Startalk TX para sa promo ng bagong dramedy na Tweets For My Sweet ng GMA na ipapalabas na bukas ng gabi, 6:30 p.m., Linggo, May 6.

Ang unang itinanong kay Marian ay kung totoo bang mas kumportable siyang gumawa ng comedy projects dahil sa tunay na buhay daw ay komedyana siya?

“Totoo po yan kasi kapag comedy ang ginagawa mo, very light lang e, masaya lang tapos para sa akin mas gusto ko ang magpatawa. Parang mas okay ako dun.

“Although yung drama gusto ko din pero kailangan mo talaga na pag may iyakan, may motivation, kailangan talagang nag-i-internalize ka so madami, at mabigat siya, hindi katulad pag comedy, masaya lang,” pahayag ni Marian.

At dahil Tweets For My Sweet ang bago niyang show, masasabi ba niyang sweet siya bilang nobya ni Dingdong Dantes?

“Natawa lang ako! Oo naman pero hindi lang bilang ganyan, bilang sa mga mahal ko sa buhay, sa mga magulang ko, sa inyo [referring to Startalk hosts Joey de Leon, Butch Francisco and Manay Lolit Solis], sa kanila [the fans]. O, di ba?”

Kay Dingdong, sweet siya?

“Ah hindi na tinatanong yan, given na yan e, di ba? Oo naman.”

Sa Malaysia raw, kung saan pumunta si Dingdong kamakailan para sa promo ng Endless Love na palabas ngayon sa naturang bansa, sa isang presscon ay tinanong ng Malaysian press ang aktor kung nag-propose na ito kay Marian. Ang sagot daw ni Dingdong, pinagpe-pray pa niya ito.

Kung sakaling mag-propose na si Dingdong, ano ang isasagot ni Marian; tatanggapin ba niya?

“Ano lang…madami pa rin kasi akong gustong gawin at naniniwala naman ako na kung dadating, dadating naman yan.

“At siguro kung dumating man yan e, sa tamang panahon. Siguro hindi muna sa ngayon.

“Madami pang mangyayari, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAYING FOR THE MOMENT. Kailan ang panahon na iyon?

“Ipagdadasal ko rin,” mabilis na sagot ni Marian.

“Ipagdadasal ko rin dahil naniniwala ako na ito ang isang bagay na hindi madalian, e. Kailangan pinag-iisipan ng mabuti kahit mahal mo ang isang tao.

“Kailangan alam mo kung ano ang magiging resulta after all.”

Ang character ni Marian sa Tweets For My Sweet ay mahilig magluto, kaya napag-usapan ang balak niyang kumuha ng culinary classes.

“Hilig ko kasi talaga ang magluto, at sana dati after ng Amaya papasok talaga ako sa [culinary] school kaso mo siyempre binigyan ulit ako ng pagkakataon ng GMA at isa pang blessing uli sa akin ang My Beloved kaya hindi ko siya nagawa.

“Pero given a chance after ng My Beloved, baka makapasok na ako.”

Para ba iyon kapag mag-asawa na sila ni Dingdong? Para ipagluluto niya ito palagi?

“Siya lang talaga ang puwede kong lutuan,” ang natatawang reaksyon ni Marian. "Hindi ba puwedeng iba?"

Dahil sa sagot niya, biniro tuloy si Marian ni Manay Lolit na tila may LQ (lovers’ quarrel) sila ni Dingdong.

“Hindi, kasi nakakatawa kayo puro kayo ganyan, e. Hindi puwedeng ikaw [referring to Manay Lolit] naman [ang ipagluto] o ang mga maka-Marian, ang Marimarians, ang Forever Yan, may Marian The Original pa, or Dongyan Exclusive? O ano pa, baka may magtampo?”

In full force ang mga fans ni Marian na naroroon sa studio ng Startalk TX para sa guesting ng kanilang idolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN