Manny Pacquiao on his personal fortune of P1.352 billion: "Galing sa Panginoon yan, lahat yan hindi ko kinuha ng madalian lang... dugo at pawis ang puhunan ko diyan."

World boxing champ and Sarangani Representative Manny Pacquiao is the richest among the 287 House of Representatives members, with a personal fortune of 1.352 billion pesos.


Matapos ang itinakdang deadline sa pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN, inilabas ng Kongreso ang listahan ng pinakamayayamang miyembro nito.

Nanguna sa listahan with a personal fortune of 1.352 billion pesos si eight-division champion at Sarangani Representative Manny Pacquiao.

Positibo ang general reaction ng publiko sa idineklarang net worth ni Pacquiao dahil katas anila ito ng sipag at pagpupunyagi ng People’s Champ.

“Yung mga dineclare ko, galing sa Panginoon yan, lahat yan hindi ko kinuha ng madalian lang, hindi ko ano yan, kumbaga sa buhay, dugo at pawis ang puhunan ko diyan.

“And proud naman ako diyan,” pahayag ni Manny sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kahapon, Sabado, May 5.

U.S. TRAINING. Samantala, kahapon ay umalis ang Team Pacquiao patungong Amerika kung saan itutuloy ni Manny ang training para sa laban nila ni Timothy Bradley sa June 9.

Hindi pa raw muna kasama ang misis niyang si Jinkee Pacquiao.

“Hindi pa, maiiwan muna sila, kasi yung mga bata,” ayon kay Manny.

Pacquiao will probably arrive in the U.S. hours before Floyd Mayweather Jr. fights Miguel Cotto in Las Vegas.

Ano kaya ang masasabi ni Pacman sa muling pag-ungkat ni Mayweather sa isyu ng diumano’y paggamit ng People’s Champ ng performance enhancement drugs?

“Basta ako tahimik, tahimik lang ako. Hindi naman ako galit sa kanya, wala akong sama ng loob sa kanya, kung iyon ang style niya.

“Kaya tulungan natin siya, ipag-pray na sana lumambot yung puso niya at hipuin ng Panginoon yung puso niya.”

HEALING POWERS? Kamakailan ay lumabas sa mga tabloids ang tsismis na nakakagamot na raw si Pacman matapos ang malaking pagbabago sa buhay nito.

Matapang na sinagot ni Manny ang nasabing isyu.

“Kaya ko naman siguro, kaya nating lahat, hindi lang ako kundi tayong lahat. If you believe the words, you can do it. But the problem is, people don’t believe and have doubt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s the problem.

“Just practice, you have to practice to [be] rid of the doubt.”

MOM’S CAR. Samantala, masayang-masaya naman si Mommy Dionisia Pacquiao sa bagong sasakyang regalo ni Manny. Early birthday gift ito ni Pacquiao sa kanyang ina who is celebrating her birthday on May 15.

“Okay naman, ayos naman, masaya naman siya. Iyon ang pinili niyang sasakyan,” sinabi ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN