Rufa Mae Quinto on plan to guest co-host Wil Time Big Time: "I love hosting kasi...Di ba ang saya, tsikahan, kuwentuhan. Live pa, mabilis, alive and kicking.”

Is Rufa Mae Quinto returning to TV5? “Hudyat talaga no? E, alam mo, ako naman ay nanggaling din naman dito [TV5] so, before yung mga Ispup and everything. So okay lang naman if magbalik ako dito, di ba?"


Marami ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central.

Isa si Rufa Mae sa mga regular hosts ng show along with Pia Guanio, Raymond Gutierrez, John Sweet Lapus at Jennylyn Mercado.

Ang rason daw niya ay gusto niyang makapagpahinga sa pagtatrabaho tuwing araw ng Linggo dahil ilang taon na daw siyang palagiang nagtatrabaho sa araw na iyon. May mga balita naman, na-insecure daw si Rufa Mae sa kasamahang si Jennylyn pero pinabulaanan ito ni Peachy (palayaw ni Rufa) sa mga interviews niya noon.


WIL TIME. Noong Biyernes, May 4, naging guest co-host si Rufa Mae sa Wil time Bigtime ni Willie Revillame sa TV5. Pagkatapos ng show, nakapanayam ng Paparazzi Showbiz Exposed si Peachy at ang masaya niyang bungad sa TV crew, “Feeling bigtime na bigtime.”

Pangarap rin kaya niyang mag-host ng mga game shows katulad ng Wil Time?

Pag-amin nito, “Yup, yup…I love hosting kasi, I love to be with people. Di ba ang saya, tsikahan, kuwentuhan. Live pa, mabilis, alive and kicking.”

Ano naman kaya ang napag-usapan nila ni Kuya Will? Balita kasing kukuning guest co-hosts si Rufa Mae sa show ng mga ilang araw. Totoo kaya ito?

Sagot niya, “Oo nga e, yun na nga ang plano, update ko na lang kayo.”

Ito din kaya ang hudyat na lilipat-babalik siya sa TV5?

Natatawang tugon ni Peachy, “Hudyat talaga no? E, alam mo, ako naman ay nanggaling din naman dito [TV5] so, before yung mga Ispup and everything.

"So okay lang naman if magbalik ako dito, di ba? And of course, hindi ko pa alam kung ano talaga ang plano ni Boss Vic [del Rosario, manager niya] kaya, I’ll let you know.”

Balita ding madalas daw nakikita si Rufa Mae sa bakuran ng ABS-CBN, isa rin kaya ang Dos sa opsyon niyang lipatan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi nito, “Hindi meron din akong ano dun, yun nga yung Guillermo [Mendoza Awards night hosted by Rufa Mae and Iza Calzado] di ba... and excited din naman akong makasama si Iza. [Yung] Guillermo, ini-air siya sa ABS.

"Ganun ganun na lang muna, here, there, everywhere,” sabi ni Rufa Mae.

Masaya kaya ang maging freelance artist?

“Masaya, kasi ano e. And of course, I cannot be freelance forever, so ini-enjoy ko lang muna to. So I’ll let you know kung saan talaga," sabi ni Rufa Mae.

Ang TV5 ba ay may malaking bahagi sa puso niya if ever pipili na siya ng network?

Saad niya, “Of course, of course.”

ON CO-HOSTS MARIEL AND CAMILLE. Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga hosts ng Wil Time Bigtime?

Sabi ni Rufa Mae, “Ang bait-bait nila. Lalo na si Mariel kasi ang sarap kasama. Kasi kumpleto siya, hahaha.

“Masarap kausap, tsaka na-miss ko din si Willie, kaibigan ko din si Willie matagal na e, so, finally nakasama ko siya.

“And I’m enjoying working with him. Nag-enjoy ako talaga.

“And I always enjoy being with Willie kasi, pag kasama ko siya tawa lang kami nang tawa. Minsan di ko alam na nilalait na ako nito, basta tawa lang kami nang tawa.

“And si Camille naman tsaka si Mariel, kahit ngayon lang kami nagkakausap parang ang tagal na naming magkasama.

"Alam mo yun. Buong buhay na ata namin ay napagkuwentuhan na ata namin. I’m super comfortable.”


LOVE LIFE. Nilinaw din ng Paparazzi kay Rufa Mae ang tungkol sa pagli-live in na daw nila ng napapabalitang kasintahang si Boy 2 Quizon. May katotohanan ba ang intrigang ito?

Tanggi niya: “Di totoo yun, di pa.”

Naungkat din ang mga "buntis" issues.

Paliwanag niya, “Ang tagal-tagal na ng [issue na yan], hindi pa lumalabas. E, ganun siguro talaga, basta pag ready na ako magsalita, lahat lahat na, I’ll let you guys know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero officially, sila na nga ba ni Boy 2?

Maiksi niyang sagot, “Basta.”

Pero happy daw siya, “Happy P.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN